Hurricane Judas
Belle's
"Doon ako matutulog ha. Susunod ako. Papahatid ako kay Kuya Red."
"Magtigil ka. Halos doon ka na nakatira. Nakakahiya kay Eli."
"Eli likes me." Pagmamalaki ng kapatid ko. "That's why he lets me stay in his condo 'cause he likes me around no. Basta mamaya uuwi ako doon. Magtimpla ka ng mi---"
Pareho kaming nagulat ni Cindy dahil biglang bumukas ang front door habang rinig na rinig namin ang iyak ni Mommy. Hindi basta iyak iyon kundi hagulgol na para bang hirap na hirap na siya. Mommy came in running.
"JUDAS! JUDAS!"
Natigil siya nang makita ako. Napahawak siya sa dibdib niya, Nag-alala naman agada ko. Mayamaya ay apat na kaming palapit kay Mommy. Humahakbang siya papunta sa akin pero napakabagal niya, parang hindi na kasi siya makahinga. Nakita kong kasunod niya si Tita Gina at Ninang Yella. Pare-parehas sila ng ekspresyon ng mukha nila.
"What's happening?" Ate Sam broke the silence. Nakalapit si Mommy sa akin. Hinatak niya ako, hinawakan niya ako sa balikat, sa kamay, sa baywang, sa mukha – hinaplos niya ang pisngi ko pagkatapos, huli niyang hinawakan ang umbok ng tyan ko, sinabayan niya iyon nang napakalakas na pag-iyak. Nakadama ako ng takot. Napatingin ako kay Cindy. Lahat kami ay tahimik lang habang nagtataka kung bakit iyak nang iyak si Mommy.
"Judas!" Muling sigaw niya.
"Oh my god!" Ate Aurora mumbled. "No... no! M-ma! No!""Ano bang nangyayari?!" Sigaw ni Cindy. Hindi ko na rin maintindihan pero noong nakita ko si Eli sa may pinto with that expression on his face, something inside of me told me that Mom knows.
She knows.
Napahagulgol na rin ako. Si Ate Aurora ay yumakap sa akin, si Ate Sam rin. Nag-iiyakan lang kami roon.
"Tang ina, ano ito may secret reason kayo ng pag-iyak?!" Sigaw ni Cindy. I kept on looking at Eli. I wanted to shout at him but I will deal with him later. Si Mommy pilit siyang kumawala sa pagkakayakap namin. Isinisigaw niya ang pangalan ni Daddy, hindi naman nagtagal ay dumating siya kasama si Uncle Azul. Agad niyang tinakbo si Mommy kas inga ganoon na ang hitsura nito. Namumula ang mata, namumutla tapos ay parang pagod na pagod.
I kept as straight face. Hindi ko kaya. Si Ate Aurora ay napakahigpit nang yakap sa akin. She was behind me and she was crying. Si Ate Sam ay kinuha si Cindy at inilabas. Sumunod rin si Tita Gina at Ninang Yella. Ang nagpaiwan lang ay si Eli.
"No... no..." Tigas na sabi ni Ate Aurora. "Not you. Not my sister..."
"What's wrong, Arielle?" Hinawakan ni Dad si Mommy sa braso. "Tell me what's wrong. What happened?" He looked at Ate Aurora and then, me. Hindi ako makagalaw.
"J-jude... ju-de..." Parang mamamatay na si Mommy sa hagulgol niya.
"Arielle ano?!"
Hirap na hirap si Mommy. Napapaluhod na siya. Awang – awa naman ako. Kaya nga ayokong sabihin dahil magkakaganito. Ang sakit – sakit na makita kong nagkakaganito si Mommy.
"Dad..." Tinawag ko siya. He looked at me with his eyes full of fear... Nanginginig ang buong katawan ko. I closed my eyes.
"What's wrong?!" He yelled. The words were in the tip of my tongue and yet I cannot seem to say it. Eli, suddenly, held my hand. Mahigpit iyon. Nakatingin ako sa kanya. He stood beside me, as if he was assuring me that everything will be okay, even if it's not gonna be okay. Alam kong hindi magiging madali. The nightmare lives in me, I don't want it to live in my family too, pero nandito na kami at hindi ko na ito pwedeng talikuran.
BINABASA MO ANG
Sparks Fly
Ficção GeralBelle Gertrude Escalona is the most rebellious among the Escalona sisters. She does what she want whenever she want to and doesn't really care about the consequences of her actions as long as her father forgives her. She is as carefree as the birds...