Challenge # 08

65.3K 2.9K 276
                                        

Assurance

Belle's

"Eli! Eli! Wait!"

I followed him. Napakabilis maglakad ni Eli, naabutan ko siya sa may gate ng bahay namin. He stopped and faced me. There was a smile on his face but I didn't want that smile. Ayokong gawin niya ito.

"Bakit? Uuwi lang ako saglit para magsabi kay Dad. Babalik ako, siguro mga seven pm."

"No. H'wag ka nang bumalik." I sobbed. Hindi ko mapigilan ang mga luhang ito. Punyeta talaga. Hindi naman ako iyakin noon but experiencing, what I had, it's making me so emotional.

Eli shook his head. "Hindi naman ganoon. Babalik ako mamaya."

"Eli, buntis lang ako. It doesn't change the fact that this baby is a monster." I sobbed. "Hindi dahil pananagutan mo itong bunga ng kahuyapan sa akin, magiging maayos na ang lahat. Hindi ganoon iyon. It's unfair to you. This isn't your child. This is a monster and I will take it out. You don't have to do this."

Napailing si Eli. "The baby is innocent, Belle, sana maisip mo iyon."

"Dad is asking for marriage." Giit ko pa. "That's unfair, Eli."

"It's not unfair. Isa pa, hindi naman kita mapapakasalan ngayong taon. Kakakasal lang ni Japet, sukob iyon. Maybe we can just, stay like this until you have the courage to tell your parents about what happened to you."

Natigilan ako. Kahit kailan ay hindi ko sasabihin iyon sa mga magulang ko. The horror that they will feel, the disappointment, plus paano ko sasabihin na hindi ko iyon ginusto? Kahit na hindi ko ginusto iyon, ganoon pa rin ang lalabas, malandi ako, some will say that I deserve that, maybe, I do, pero ayokong madamay si Eli dito.

"I-I c-can't do that."


"Okay. Then we'll go with my plan. I'll be back later, Belle. I'll see you." Eli kissed my forehead. He left after that. Hindi ko maintindihan kung anong naisip ni Eli at ginawa niya ito. I feel sorry for him. Hindi niya dapat ginagawa ito. Malamang naaawa lang siya sa akin at nagi-guilty dahil noong gabing mangyari ito ay iyong gabing nagkaroon kami ng di pagkakaintindihan. He doesn't owe me anything. Hindi ko ito kailangan. Madali lang naman na mawala ang problema ko.

I thought of it hard, and I have decided to get rid of this monster. This is my life and this is what I want. Alam ko sa sarili kong hindi ko kyang mahalin ang batang ito. Hayop siya tulad ng kung sino man sa tatlong iyon ang ama niya. I hate it. I can never love anything that came from that night.

Tinanaw ko si Eli. Nakaalis na ang kotse niya kaya pumasok na ako sa loob. I wanted to go inside my room but I found my whole family in the living area, as if waiting for me. Si Mommy ay tinapik ang pwesto sa tabi niya – ibig sabihin ay tabihan ko siya kaya wala akong nagawa kundi ang puntahan sila. I sat there, waiting for anything. Si Ate Sam ay hinawakan ang kamay ko.

"Why didn't you tell us?" Tanong ni Mommy sa akin. "Ilang araw mo na bang alam? I should've known. Very emotional ka these past few days. Akala ko naman PMS lang."

"Pinilit ka ba ni Eli?' Galit na tanong ni Dadd. "Did he use force?"

"Jude ha!" Napatingin ako kay Mommy dahil para bang may takot sa boses niya. "Alam mong hindi ganyan si Eli. Walang ganoong nangyari because if there is, sasabihin iyon ni Gertrude. Stop over – analizing things. Nandito na ito. Lolo ka na. You should be happy."

Napakagat ako sa labi ko. Ganito pa lang ang nangyayari, nag-aaway na si Mommy at Daddy paano pa kung sabihin ko? Baka lalong lumala. Ayokong makasakit. Makaka-move on rin ako.

Sparks FlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon