Remember
Belle's
Hindi pa rin okay si Mommy. I can still hear her sobbing. Gusto ko sana siyang puntahan kaya lang natatakot ako. Si Ate Sam at si Ate Aurora lang ang nakakalapit sa kanya. Si Cindy rin naman pero hindi siya nagtatagal, hindi raw kasi siya maka-relate, hindi pa rin kasi sinasabi sa kanya hanggang ngayon kung anong nangyayari. I wanted to tell her too, but I am not yet reay do reopen the wounds of what happened to me. Sa ngayon, sapat nang si Mommy at Daddy at ang mga Ate ko ang nakakaalam.
Hindi na ako pinauwi ni Daddy sa condo ni Eli. He said that I should stay near him. Sa totoo lang nakakatakot si Dad ngayon. Siya pa rin naman ang Daddy ko, pero kapag si Uncle Simoun ang kausap niya o ang ibang Uncles ko ay parang nagiging ibang tao siya. Biglang nag-iiba ang mga mata niya. Iyong pagsasalita niya, halos parang may gigil pero nawawala kapag isa sa aming magkakapatid ang kumakausap sa kanya.
"Eli, uuwi ka na ba?" It's three in the morning. Dad and the other Uncles are in the round table room. Naabutan ko lang si Eli sa may front door, mukhang aalis siya nang hindi man lang nagpaalam sa akin.
"Gising ka pa? Masama ang nagpupuyat ay." He said.
"Uuwi ka?" Tanong ko sa kanyang muli.
"Oo. Medyo pagod na rin naman ako."
"Hindi ka magpapaalam?"
"Akala ko kasi tulog ka na. Sa bahay lang naman ako uuwi. Hindi sa condo ko." He smiled Ginulo niya ang buhok ko. Humawak ako sa braso niya.
"Eli, hindi mo pa rin ba ako iiwanan diba? Kahit alam na nila Dad, diba sabi mo even after uit? Naniwala ako sa'yo." Napakagat labi ako.
"Hindi kita iiwanan, Belle. Uuwi lang ako kasi baka kapag dito ako natulog pagkagising ko bukas nasa kabilang buhay na pala ako."
Kahit naiiyak ako ay hindi ko napigilang tumawa. Expect Eli to make jokes even in the most uncomfortable situations.
"Hindi ka na magigising noon." Lumabi ako.
"Right. Good morning na. Matulog ka na. I will be here later, may gusto ka bang kainin mamaya? Apple pie? Ice cream.""Eh bawal naman ang ice cream."
He kissed my cheek. "Consider it a reward because you are such a strong and brave girl tonight. Sige na. Matulog ka na." I nodded. Pinanood ko siyang lumabas ng bahay namin. I waved at him. Tumakbo pa ako papunta sa may window at tinanaw si Eli. Sumakay siya sa kotse niya and then he drove away. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay pumasok na ako sa silid ko. I have a big room, I always like my room but right now, hinahanap – hanap ko iyong kwarto sa condo ni Eli, iyong amoy noon tapos iyong katotohanan na nasal abas lang siya at madali ko siyang matatawag.
Naglinis muna ako ng katawan. Kahit paano ay pawala na ang mga pasang nasa katawan ko, peklat na lang iyong mga bruises pero kahit na malabo na sila, malinaw na malinaw pa rin sa aking isipan ang mga naganap. I moved fast because I didn't want to remember that night. Tama na iyong nasabi ko kay Mommy at Daddy. Alam na nila, wala na akong itatago sa kanila. Ang naiisip ko na lang ay ang sasabihin ng ibang tao sa amin. I know that part is the most excruciating.
Paglabas ko ng bathroom ay natagpuan ko si Cindy sa kama ko at nakaupo. She was wearing her bunny jammies, she looked at me. May galit sa mga mata niya. Tiim na tiim ang mga bagang niya – kind of reminded me of that now with Uncle Simoun and the others."Bakit gising ka pa?" I asked. Lumapit sa akin si Cindy tapos ay yumakap nang sobrang higpit. Next thing I knew, she was crying too. "Huy!" Pinipigilan kong umiyak. Pagod na kasi ako.
BINABASA MO ANG
Sparks Fly
Fiksi UmumBelle Gertrude Escalona is the most rebellious among the Escalona sisters. She does what she want whenever she want to and doesn't really care about the consequences of her actions as long as her father forgives her. She is as carefree as the birds...