Challenge # 14

73.4K 3.3K 448
                                    

In motion

Eli's

Maaga akong ginising ni Japet. Paulit – ulit niya akong tinawagan sa phone para bumangon ako. Wala siyang sinabi sa akin kung anong gagawin basta susunduin niya raw ako dito sa bahay nila Mommy at aalis kami by eight am. Kahit pagod pa ako at puyat ay naligo at nagbihis na ako. Habang naghihintay sa kanya ay nakipaglaro muna ako kay Eris. Nasa play pen siya at nagbubuo ng mga puzzles. Ang cute niya talaga. Kamukha niya si Ate Tamar pero berde ang mga mata niya – na namana naman sa ama. Lahat yata ng mga demitri may green eyes.

"Tito, Mama?" She looked up at me.

"Kitchen. Inaayos niya iyong food mo."

"Uh-uh. Okay. Blue!" Pinakita niya sa akin iyong bola. "Wed!"

"Red."


"Wed! Gween!" Tumawa siya nang tumawa. Dumating na si Ate at pinakain na si Eris ako naman ay hinihintay pa rin si Japet.

Hindi naman nagtagal ay dumating na siya. Dala niya iyong pick up niya. Pagsakay ko roon ay natagpuan ko si Cindy at si Red. Nasa likuran silang dalawa. Si Cindy ay kumakain ng sandwich sa tabi ni Red.

"Hi, Kuya Eli!"


"Nasaan si Belle?"

"Sa bahay. Kasama noon si Mommy at sila Ate. May pagkain ka ba?"


"Wala."

"Poor. Thanks sa sandwich Kuya Red! I really like you talaga!"

I just shook my head. Baliw. "Saan tayo pupunta?"

"Sa university. May titingnan lang tayo." Si Red ang sumagot sa akin. Lumingon ulit ako sa kanila. Napakunot ang noo ko nang makita kong may dalang plato – iyong babasagin si Cinderella – na may lamang clubhouse sandwich na may potato chips pa. May basong babasagin din sa may tabi niya.

"Anong titingnan natin?"

"Eh di iyong mga gumago kay Belle." Si Japet naman ang nagsabi. Hindi na ako kumibo. Gusto ko rin silang makita. Baka kasi ito na iyong huling beses na makita ko silang buhay. Napangisi ako. Kapag ibang tao ang naiisip kong mapupunta sa liwanag, masaya ako, pero kapag sarili ko, ang laki ng nerbyos ko.

Nitong nakaraang dalawang araw, malakas ang nerbyos ko. Palagi kaming nagpupunta sa bahay ni Uncle Jude. Abala sila sa pagbuo ng plano. Si Telulah, abala rin siya sa mga kaso – kaso. Kahapon, pina-medico legal si Belle. Hindi ko alam kung may findings na nakita basta dinala ni Tel, kasama si Tita Arielle, gusto ko nga na sumama, pero kailangan kong pumasok sa trabaho. Noong gabi ko na lang siya pinuntahan, nag-aalala rin ako sa baby kasi baka na-stress iyong bata sa loob. Medyo malaki na kasi talaga ang baby bump niya. Magta-tatlong buwan na iyong tyan niya pero mukhang four months na iyon, sabi nila Mommy baka daw malaki ang baby kaya ganoon.

Nag-usap lang kami ni Belle saglit. Dama ko pa rin sa boses niya na may kaba at takot pa rin siya. Palagi siyang nakahawak sa braso ko, sa kamay ko, ayaw niya akong umuwi. Ayoko rin. Nasanay na akong palagi ko siyang nakikita, palagi siyang naamoy at palagi kong naririnig ang boses niya. Miss ko na si Belle sa condo ko. Kung minsan naiisip ko kung maiiuwi ko pa ba siya roon.

"Ang lalim ng buntong – hininga mo ha. Anong atin?" Tanong ni Japet. I shook my head. "Sure ka?"


"Oo. Medyo kinakabahan lang ako. I've never done something like this before. Ikaw ba kinakabahan ka?"

"Hindi. Wala naman tayong gagawin. Andyan si Red." Muli kong tiningnan si Red sa salamin. There's this smug smile on his face, para bang na-e-excite siya sa kung anuman ang mangyayari. Sabagay, iba rin talaga si Red.

Sparks FlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon