One day
Belle's
Eli will pick me up at home that Sunday morning. Ang sabi niya lang sa akin ay bibili kami ng gamit ng baby. Ayoko ng asana dahil hanggang ngayon, ayokong paghandaan iyong pagdating ng baby pero mapilit siya kaya sumang-ayon na lang din ako, isa pa gusto ko kasi siyang makasama. Nitong nakaraang dalawang linggo ay palagi siyang abala. Kung hindi ko sasabihin na puntahan niya ako ay hindi talaga kami magkikita. Nagtatampo na nga ako kaya lang iniintindi ko na may ibang buhay siya maliban sa akin. Plus, hindi naman ako pwedeng mag-demand sa kanya dahil wala naman kaming relasyon, isa pa, malaya naman siya talaga.
I was waiting for him in the garden. It's ten am, hindi gaanong mainit kaya nakaupo ako sa may porch. Kanina ko pa niche-check ang phone ko kasi baka nag-text na siya, pero wala pa rin. His last text to me was; May gusto ka bang pasalubong? Papunta na kasi ako.
Nag-text na ako sa kanya.
To: Eli <3
Msg: Saan na ikaw?
I sent it. I waited. Patingin – tingin ako sa labas. Bukas iyong gate namin kaya madaling makakapasok si Eli. Umalis kasi si Ate Sam kanina at nagbilin akong h'wag nang isara iyong gate para kung anuman hindi na mahirapan si Eli.
Nag-vibrate ang phone ko.
From: Eli <3
Msg: Dumaan lang ako kay Mommy. Nagpabili kasi siya ng lemons. Wait lang ha."
I smiled. Maalalahanin talaga siya lalo na pagdating kay Ninang Yella. Naisip kong pumunta na lang sa kanila tutal dalawang street lang ang layo namin sa isa't isa. Iwas hassle na din. Hindi na niya kailangan akong puntahan. Tumayo ako at pumasok sa loob ng bahay para magpaalam kay Mommy.
"Ma, pupunta po ako kina Eli." Wika ko. Agad siyang tumingin sa akin.
"Akala ko ba susunduin ka niya?""Nandoon na po kasi siya kina Ninang. Para sana hindi na siya maabala."
"Sigurado ka ba? Teka ihahatid kita. Inday, pakitingin ang niluluto ko."
"Hindi na, Ma." Pigil ko sa kanya. "K-kaya ko naman po."
"Sigurado ka? Anak baka kung anong mangyari sa'yo."
"Hindi po. Dati naman na akong naglalakad roon. Sige, Mommy. Text kita kapag naroon na ako." I kissed her. Dahan -dahan akong naglakad, medyo mabigat na kasi itong tyan ko. Mag-fa-five months na siya. This month, malalaman na namin kung anong gender niya. Siyempre kung si Dad ang tatanungin, mas gusto niyang lalaki, pero ako, iniisip ko na lang na mapapasaya ng batang ito ang mga tao sa paligid ko.
I locked the gate. Malapit lang naman talaga iyong bahay nila Eli, medyo naninibago lang talaga ako dahil ang tagal kong hindi naglalalabas ng bahay namin. Noong naman natira ako sa condo ni Eli, panay lang din kami ni Cindy sa loob, nanonood ng tv, kumakain o kaya man naglalaro ng video games ni Eli. Ngayon lang talaga ako lumabas at kung naninibago ako, mukhang naninibago rin ang mga tao sa paligid ko.
Hindi nakaligtas sa akin ang mapanghusgang mga mata noong mga kapitbahay na hindi alam ang kalagayan ko. Ang iba ay nakangiti, ang iba ay nagtataka, ako naman at taas noong naglakad. Wala akong dapat ipaliwanag sa kanila.
"Good morning, Belle." Wika ni Mrs. Trinidad na nagdidilig ng halaman niya. Alas diez nang umaga nagdidilig siya. Sana mamatay lahat ng flowers niya. "Ilang buwan na iyang tyan mo?"
"Mag-pa-five po." Huminto ako sa paglakad. She smiled. "Malamang lalaki iyan. Patulis ang bilog ng tyan mo eh. Congrats ha. Ikakasal ka ba?" Itinaas ko naman ang kamay kong may singsing. "Mabuti naman. Akala ko kasi nabuntis ka lang kasi hindi ka naglalabas ng bahay ninyo."
BINABASA MO ANG
Sparks Fly
General FictionBelle Gertrude Escalona is the most rebellious among the Escalona sisters. She does what she want whenever she want to and doesn't really care about the consequences of her actions as long as her father forgives her. She is as carefree as the birds...