Challenge # 22

78.4K 3.5K 491
                                    

Buong mundo

Eli's

Belle looked so beautiful with Alonso David in her arms. Ang saya -saya niyang tingnan habang nakatitig sa baby. I can see her eyes were full of love and amazement as she looks at the little guy.

Alonso decided to come out in the wee hours of that Wednesday morning, three days before New Year. Iyak nang iyak si Belle habang papunta kami sa ospital. Ang usapan kasi noon ay isasama namin si Tita Arielle sa ospital at si Tita Arielle ang kasama niya sa loob ng delivery room pero habang papunta kami sa ospital ay tawag ako nang tawag sa bahay nila pero hindi sumasagot ang kahit sino sa mga Escalona, kahit sa bahay ay tumatawag ako kay Mommy pero hindi naman rin siya sumasagot.

Nasaan ba ang mga magulang namin?! Kung kailan namin sila kailangan?!

Ni-confine si Belle. Halos dalawang oras lang kaming naghintay. Ang sabi ng doctor niya ay sobrang buka na raw ng cervix ni Belle. Ilang beses niyang tinanong sa akin kung nagse-sex raw kami kasi maganda iyon para madaling mapaanak si Belle pero todo tanggi ako, hindi kami nagsex! Malabong mangyari iyon.

Ako ang sumama kay Belle sa delivery room. Iyak pa rin siya nang iyak habang umiire. Normal lang ang delivery niya. Sigaw siya nang sigaw at halos mabali ang kamay ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya, finally, after forty – five minutes – that was the longest forty – five minutes of my life – the baby came. Noong una ay hindi siya umiiyak.

"Eli, Eli, bakit hindi siya umiiyak?" Umiiyak pa ring tanong ni Belle sa akin. Nakatingin ako sa doctor. Pinalo niya ang pwet ng bata hanggang sa umiyak nga ito. Belle cried again after hearing the baby's cry. Ako naman ay paulit – ulit na hinalikan ang noo niya.

"Thank you..." Hinahaplos ko siya sa noo. "Thank you so much."

Belle just looked at me. Mukhang naguguluhan siya pero ako, walang pangamba sa akin. Ibinigay kay Belle ang baby. He's so tiny and he's bloody but what the hell, he's very beautiful. The baby just changed everything in my life.

Tatlong araw na-confine si Belle sa ospital. Lahat ng mga lolo ay naroon palagi, tuwang – tuwa sila sa bago nilang apo. Ilang beses ko ring narinig na sinabi ni Tita Arielle na kamukha ni Belle ang baby. Masaya akong marinig iyon. I know how hard it was for her to keep the child that might remind her of that nightmare, pero alam kong mahal na mahal niya ang bata kaya kahit siguro sino pa ang maging kamukha noon ay hindi magbabago ang pagmamahal ko o ni Belle para sa kanya.

Iniuwi namin sila Belle bago mag- Bagong Taon. Sa bahay nila kami nag-celebrate ng New Year. After two days, inuwi ko silang mag-ina sa Condo ko. Hindi pa kasi pwede sa binili kong bahay, hindi pa tapos ang renovations, at isa pa, baka magkahika silang dalawa, amoy bagong pintura pa ang bahay na iyon.

Araw – araw habang kasama ko si Belle at si Alonso ay lalo akong nahuhulog. Belle is young, as some might say – Twenty – one is very young pero sobrang hands – on niya sa baby. Siya lahat. Nagpapalit ng diaper, nagpapaligo, nagpapadede – siyempre hindi naman pwedeng ako ang magpadede sa baby. Magagalit lang si Alonso pero walang gatas na lalabas sa akin.

Pagpapatulog ay siya rin. Gusto kong kahit paano ay makatulong ako sa kanya kaya tuwing nasa bahay ako at tuwing makakatulong ako ay ginagawa ko. Kapag tulog si Belle at nagising ang baby ay kukunin ko siya at ako na muna ang mag-aalaga sa kanya. Madalas kasi siyang pagod.

Everytime I look at Alonso and Belle, naaalala ko si Japet. Ngayon alam ko na kung bakit bigla niyang naisipang magtino. Iba kasi pala iyong feeling nang may umaasa na sa'yo. Iba ang pakiramdam na may isang walang muwang na batang kasing cute ng anak namin ni Belle na umaasa sa aming dalawa. I never knew the feeling of unconditional love, but when I look at Belle and Alonso, I suddenly feel like I know everything.

Sparks FlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon