Silence
Eli's
"Eli!"
Pababa pa lang si Japet ng sasakyan ay sinisigawan na niya ako. It's Sunday, at kapag Sunday nasa bahay kami ng mga magulang namin. Alam ko rin na pupunta si Japet ngayon. Nag-text na siya sa akin. Inaalalayan ko si Belle pababa. Tinakbo ako ni Japet para yakapin. Tinapik – tapik ko ang balikat niya.
"Tang ina, nakakamiss ka pala." Tawa siya nang tawa. He looked at Belle. "Akala ko si Red lang ang mahilig sa bata. Ikaw rin pala!""Gago! Parang may edad na si Aswell noong naging kayo."
"Pre, four years lang ang tanda ko, ikaw?"
"Nine." Tumawa si Belle. I caught my breath. Nakakatuwa na masaya na siya ngayon. Considering what happened last week and her confession, akala ko talaga mahihirapan na naman kaming umalis roon.
"See? Cradle snatcher."
"Ulol!" Binatukan ko si Japet. Umilag siya. Lumapit siya sa akin pagkatapos ay inakbayan ako. Inipit niya ang leeg ko sa pagitan ng mga braso niya. We play like that. Japet obviously missed me.
"Mga supot!" Natigil lang kami nang magsalita si Dondon. Kalalabas niya lang ng bahay namin. Dala niya ang dalawa niyang anak na lalaki, si Uno at si Alas. May dala rin silang food container. "Wow, nandito ka na pala, Japet? Ano, iniyot mo bang maigi ang bunso namin?"
"Kuya Dondon nga!" Tinakpan ni Aswell ang bunganga ni Don.
"Bahala kayo. Magsipasok na tayo. Lika na." Belle took my hand. "Okay ka lang? Mainit masyado dapat pala may payong tayo. Nahihilo ka?"
"Okay lang naman ako. H'wag kang mag-alala." She smiled at me. Napapadalas ang pagngiti ni Belle ngayon. Naiisip kong baka unti – unti ay nagiging maayos na siya. Maganda iyon, para naman maging handa na siya. I want her to tell everyone what happened to her, so we can do something about it. I wanna do something about it now, but I don't think Uncle Jude will like me very much if I did it without his knowledge, so I am kind of waiting for him to do something, he'll be the boss.
"Nandito na pala ang mamanugangin kong maganda!" Sigaw ni Dad nang makita si Belle. Nagmano si Belle. Ngumiti na naman siya. I am counting her smile. Mamaya bibigyan ko siya ng premyo. "May pinaglilihan na ba?"
"Panay gusto ng malamig, Dad. Bawal naman ang ice cream kasi matamis. Pinapa-monitor ng doctor iyong blod sugar at baka tumaas masyado.""Be good. Belle, ha. Para sa apo namin ng Daddy mo." She just smiled.
"Pumasok na kayo. Naroon ang Mommy ninyo."
"Excited si Uncle sa baby na ito."
"Oo naman. Bakit? Hindi ka pa ba excited? Dapat excited ka. Baby ko iyan."
"Kung baby mo, excited ako."
"Iyan, ganyan! Crush mo pa rin kasi ako. Yiii!"
"Eli ha." Halatang nagpipigil siya ng tawa. Iniupo ko siya sa sofa.
"Kuha kita ng water."
Lumabas ako sa kitchen. Nagulat ako nang makita ko si Cindy roon na nanginginain na.
"Oh, nandito ka na. Hiramin ko si Belle ha. Uwi muna kami sa bahay namin. Thanks sa spaghetti, Tita Yella!"Sinundan ko sila ng tingin.
"Hayaan mo na, Eli. Nami-miss lang noon ang kapatid niya. Nagkita na kayo ng kapatid mo?"
"Oo. Nang-aasar nga, My."
BINABASA MO ANG
Sparks Fly
Fiksi UmumBelle Gertrude Escalona is the most rebellious among the Escalona sisters. She does what she want whenever she want to and doesn't really care about the consequences of her actions as long as her father forgives her. She is as carefree as the birds...