Chapter 1

135 12 14
                                    

Nicolas' POV

Lumipas ang 7 araw. Ngayon ay may practice kami sa basketball.

Nasa locker room na kami ng gym. Nagsidatingan na din yung mga ka-team ko.

Nagsi-appear sila sa isa't isa.

"Oy tol! Hindi mo pa ba pinopormahan si Irish?" Tanong sa akin ni Jhix. Isa sa mga ka-team ko.

"Hindi pa eh." Maikling sagot ko sa kanya.

"Tol baka maunahan ka pa ng iba dyan! Balita ko umamin na sa kanya si Ramzien yung Photographer na gwapo." Sumbat niya sa akin.

Lalaki ba talaga to? Bakit alam kung paano tumingin ng gwapo?

"Talaga? Pag-iisipan ko pa tol. Hindi pa kase ako nakakaamin tsk!" Sabi ko pa at ginulo yung buhok ko.

"Yots! Torpe ka pala tol!" Tukso naman ni Jhix sa akin. Nagtawanan lahat ng mga ka-teammates ko.

"Ulol! Aamin na din ako 'no!" Pagtakpan ko pa sa sarili ko.

"Hahahahaha osige ikaw bahala. Una na kami sa court." Tumango na lang ako. Tinapik nila lahat yung balikat ko.

After 5 minutes ay lumabas na ako ng locker room.

Napagalitan pa ako ni coach. Dahil ang tagal ko daw lumabas ng locker room. Baka nag-ano pa daw ako.

Yung ano. Basta 'yon.

Nagsimula na yung practice at pinatakbo kami ni coach ng 10 beses paikot ng court.

Pagtapos non ay nagshooting kami. Sigaw ng sigaw si coach dahil yung iba tamad na tamad magpractice. Dahil 6:00 palang ng umaga. Inaantok pa.

"Tamad na tamad kayo! Si Burnett lang ang may gana ngayon! Galingan niyo naman! Yan ba yung ipapakita niyo sa laban!?" Napangiti naman sa akin ni Jhix at nanunukso yung tingin dahil napuri na naman ako ni coach.

Nang nag7:30 ay pinagbreak muna kami ni coach. Bumalik daw kami ng 8:00. Mag-iisang laro daw kami.

Pumunta muna kami sa Canteen. Inaya ako ng mga ugok. Kaya ayun sumam na din ako. Hindi pa din naman ako nag-aagahan.

Nang makaorder kami ay kinakalabit ako ni Jhix. Papunta kami sa lamesa kung saan lagi kami kumakain.

"Tol si Irish oh! Mag-isa kumakain." Napatingin naman ako sa tinuturo ni Jhix.

Nakita ko nga si Irish na naka-earphone at kumakain mag-isa.

"Puntahan mo dali." Tinulak tulak nila ako. Kaya ayun pinuntahan ko na din.

Kinalabit ko siya. Tinanggal niya naman yung earphone niya at tumingin sa akin. Bahagya pa siyang nagulat.

"Ah? Pwedeng makijoin kumain?" Tanong ko. Ngumiti naman ako sa kanya at medyo nahihiya pa kaya napakamot ako sa batok ko.

Bigla na lang siyang tumawa. Wtf? Ang sarap sa tenga ng tawa niya! Para akong nakikinig ng music.

"Sure!" Sagot naman niya.

Umupo ako. Nung una ay hindi ako nagsasalita dahil nahihiya pa rin ako. Hindi niya na din kinabit muli ang earphone niya.

Nilakasan ko na ang loob ko para kausapin siya.

"Ahm? Nililigawan ka daw ni Ramzien?" Alanganin kong tanong sa kanya. Gulat siyang napatingin sa akin.

"Paano mo nalaman?" Tanong niya sa akin.

Sasagot na sana ako pero nagsalita siya ulit.

"Sa bagay lumilipad nga pala ang mga balita. Hindi totoo yun. Pero umamin sa akin si Ramzien pero hindi ko siya pinayagang ligawan ako. Bakit mo pala natanong?" Sabi niya.

"Ahh. Akala ko kase naunahan na ako." Sabi ko pa. Nagulat naman siya.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Di makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Hahahaha nagbibiro lang ako." Natawa din naman siya dahil sa sinabi ko.

"Diba ikaw yung Burnett na Basketball Player? Lagi kang pinag-uusapan ng mga babae sa bawat sulok ng school na 'to. Hindi ko nga alam sa dinami-dami ng nga lamesa dito sa canteen ay sa akin ka pa naki-share." Ang ganda ng boses niya. Mahinhin siya pero madaldal.

"Kase gusto kita." Napahinto siya sa pag-kain at nagtaas ng tingin sa akin. Bigla na lamang siyang namula.

"Charot lang hahahaha." Dugtong ko pa.

"Baliw ka talaga hahahaha." Napapailing niyang sabi sa akin. Natulala naman ako sandali at ilang saglit pa bago ako bumalik sa diwa ko.

"Sooo.... Pwede ka bang makasabay mamaya for lunch? My treat." Nag-aalanganin ko pang sabi sa kanya.

"Sure. See you na lang dito sa canteen." Sabi niya pero umangal ako.

"No. Susunduin na lang kita sa room niyo." Sabi ko.

"Sigurado ka?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako agad.

Nang natapos akong kumain ay nagpaalam na din ako sa kanyang may practice pa ako. Pinuntahan ko muna yung mga kateammates ko sa table nila. Panay sila sabi sa akin ng 'congrats' dahil may lakas na daw ako ng loob.

Pagtapos ng asaran ay pumunta na kami sa gym para magpractice.

Ayun nga. Naglaro kami ng isang laro. Pagtapos ay nagshower ako sa may banyo ng locker room namin.

Yung iba ayaw maligo dahil malamig daw ang tubig dito. At tsaka umaga pa daw. Giginawin lang daw sila. Mga kambing takot sa tubig.

Nang matapos ako ay nagbihis na ako ng uniform. Sinuklay ko na din yung buhok ko at nilagyan ng wax. Para mas maayos yung itsura ko ngayon kesa sa mga nakaraang araw na laging messy hair ang ginagawa ko sa buhok ko.

Pero kahit ganon gwapo pa rin ako. Hindi sa mahangin ako pero yun ang totoo.

Nagpabango na din ako gamit ang Aficionado F2. Sinuot ko na din yung black shoes ko.

Tiningnan ko yung sarili ko kung mas gumwapo ako. At hindi naman ako nagkamali. Mas maayos na 'to para kapag sinundo ko na si Irish ay malinis ako.

Pagtapos ng pag-aayos na parang babae sa locker room ay pumunta na ako sa classroom.

Nandun na si Maegan. Nagbabasa ng libro. Napansin ko namang may nakatayo sa harapan niya.

Si Chanlech sa kabilang section. Kinukulit na naman siya. Nakabusangot na naman yung mukha ni Maegan dahil sa pangungulit niya.

Hindi ko na pinansin at maya-maya ay dumating na yung teacher namin sa first subject.

Lumabas na din si Chanlech at binati yung teacher na nasa harap. Binati naman siya pabalik ng teacher namin. Sanay na ito sa presensya ni Chanlech kase halos araw-araw siyang nandito tuwing umaga para kwentuhan at kulitin si Maegan.

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon