Chapter 25

29 7 2
                                    

Nicolas' POV

Agad kong hinampas sa batok ang dalawang lalakeng sumugod sa akin na naging dahilan ng pagkawala ng malay ng mga 'to.

Tatlo na lang natira na nagulat dahil sa pag-bagsak ng dalawa. Yung pinuno nila ay biglang napangisi.

"Matapang nga. Sugudin niyo ulit." Namulot din yung dalawa ng kahoy na gaya ng hawak ko. Mas tumindi yung kabang naramdaman ko.

Fuck! Kung yung dalawang nauna ay napatumba ko dahil sa kahoy na 'to! Malamang mapapatumba din ako dahil don!

Agad na sumugod ang dalawa. Ginawa kong panangga ang kahoy na hawak ko sa tangkang hahampasin nila ako.

Agad na tinanggal nung isa yung kahoy na nasangga ko at hinampas ito sa tiyan ko.

Napaluhod ako dahil sa sakit.

"Nicolas!" Rinig kong sigaw ni Irish.

Sunod-sunod ang hampas na natanggap ko. Hanggang sa tuluyan na akong napahiga sa lupa.

Bigla kong narinig na sumigaw si Irish at humihingi ng tulong. Nakita kong kinakaladkad na siya nung leader nila.

Kailang kong lumaban!

Agad akong tumayo at nagulat ang dalawang humampas sa akin. Namanhid na yung katawan ko at hindi ko naramdaman ang mga hampas nila kanina.

"Matibay pala 'to!" Sigaw ng isang humampas sa akin kanina.

Agad akong sumugod at pinalo ang binti ng isa na naging dahilan ng pagka-out-of-balance neto.

Hinampas ko naman ang isa sa mukha para matumba ito at mapahiga.

Agad akong tumakbo papunta kila Irish at yung leader na kumakaladkad sa kanya.

Hinili ko si Irish mula sa pagkakahawak nung lalake kaya agad na napabitawa siya kay Irish.

Bigla siyang napangisi na parang demonyo at tumawa.

"Buhay ka pa? Mukhang mararamdaman mo ang impyerno ngayon dahil tinaob mo lahat ng bata ko at si Satanas ang makakalaban mo." Kinuha niya ang kanyang balisong kaya napaatras ako.

Tinulak ko si Irish sa mga kaibigan niya. Ramdam kong dumudugo ang braso ko dahil sa hampas ng isa kanina. Mukhang may pako ang kahoy na pinang-hampas niya sa akin.

Humigpit ang kapit ko sa kahoy na hawak ko na nagiging panangga at panlaban ko.

Mabilis siya sumugod habang nakatutok sa akin ang balisong.

Agad din akong umiwas kaya naman nagdere-deretso siya at nadapa sa lupa.

Napamura siya dahil dun.

"Bakit ka umiwas!?" Tanong niya sa akin habang tumatayo. Pero nanatili akong tahimik dahil nag-aabang ako ng muli niyang pag-sugod.

Sumugod siya ulit at hinampas ko na sa kanya ang kahoy. Natumba siya dahil dun.

"Tangina! Masakit yun ah!" Sabi niya habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi. Mga tilian ng babae ang naririnig ko sa bawat pag-sugod niya kaya alam kong nandito pa sila Irish at mga kaibigan niya.

"Nicolas! Mag-ingat ka! Baka masaksak ka!" Sigaw ni Irish. Bwiset! Bakit ka ba kase nag-lasing at naisipang pumunta dito!

Napalingon ako sa kanila na dapat hindi ko ginawa. Sinipa ng lalake ang braso kaya nabitawan ko ang kahoy na hawak ko.

Bigla na lamang siyang sumugod sa akin at hawak niya pa rin ang patalim.

Hinawakan ko ang braso niyang nakahawak sa balisong at malapit na 'tong sumaksak na tiyan ko.

Nakipag-agawan ako sa patalim pero sadyang malakas siya. Nanlalambot na ang braso ko ng nakaisip ako ng paraan para maagaw 'to.

Sinipa ko ang pagka-lalake niya kaya nanlambot ang buong katawan niya kaya naagaw ko ang balisong.

Dahil sa galit ko ay agad kong siyang sinaksak sa dibdib. Hingal na hingal ako habang bumabagsak siya at may tumutulong dugo galing sa kanya bibig at nagdudugo na din ang kanyang dibdib dahil sa pagka-saksak ko dito.

"Nicolas! Bakit mo ginawa 'yon!?" Sigaw ni Irish. Ngayon lang pumasok sa isipan ko ang ginawa ko.

Tangina! Pumatay ako ng tao!

"Sa likod mo!" Rinig kong may sumigaw. Bago ako makalingon ay naramdaman kong may humampas na sa batok ko na naging dahilan upang mawalan ako ng malay.

Third Person's POV

Rinig na rinig ang sirena ng mga pulis na kakarating lang sa bar.

Nanlaki ang mga mata nila Irish at kanyang mga kaibigan dahil sa mga nangyari.

Una ay kinalaban ni Nicolas ang apat na lalake at lahat ay napatumba niya.

Pangalawa ay nasaksak ni Nicolas ang leader ng mga ito.

Pangatlo ay ang paghampas kay Nicolas sa batok ng isa sa mga napatumba niya kanina na naging dahilan ng pagka-wala ng malay ni Nicolas.

Napahawak sa bibig si Irish habang tumutulo ang mga luha.

Tumakbo na ang apat na nagkaroon na ng malay. Tanging ang leader nila na may saksak ang nakahandusay na lang sa semento. At si Nicolas na wala pa ring malay.

"Tara na, Irish! Maaabutan tayo ng mga pulis at baka tayo pa ang mapagbintangan!" Sabi ng isang kaibigan ni Irish.

Ngunit ayaw pa nila Zaira, Reyna at Irish umalis sa lugar kaya hinila na sila paalis ng iba.

Ilang segundo ang lumipas at dumating na ang mga pulis sa likuran ng bar kung saan nangyari ang lahat.

Nakita agad ng mga pulis ang dalawang katawan na parehas walang malay na nakahandusay sa lupa.

Agad na pinulsuhan ng mga pulis ang dalawa.

Mabilis nilang dinala sa Hospital ang mga ito.

Mas marami ang pasa ni Nicolas pero makikitang mas malakas pa 'to.

Ang leader ng grupong nakalaban ni Nicolas ay naghi-hingalo na dahil maraming dugo na ang nawala dito. Mabilis na umagos ang dugo mula sa pagkakasaksak dito dahil sa dibdib 'to nakasaksak.

Nang makarating sa Hospital ay hindi na umabot ang leader ng grupo na nakalaban ni Nicolas. Dineklaramg dead-on-arrival 'to.

Si Nicolas ay dineretso sa Emergency Room na halos bumigay na din ang katawan dahil sa dami ng pasa mula sa pagkakahampas ng kahot sa kanyang katawan at malakas na pagkakapalo sa kanyang batok.

May mga sugat din si Nicolas. Namumutla na din ang kanyang mga labi dahil mabilis na nagdudugo ang kanyang mga sugat mula sa pako na nasa kahoy na pinanghampas sa kanya.

Inasikaso agad siya ng mga doctor at nurse sa Hospital.

Ang mga pulis na naiwan sa bar ay patuloy pa ring nag-iimbestiga. Nalaman nilang walang CCTV sa likuran ng bar at wala na ang mga nakakita ng gulo. Kaya hindi alam kung sino ang hahatulan na may sala kay Nicolas at sa leader ng grupong nakalaban niya.

Author's Note:
Action naman tayo guys! Last 5 or 6 chapters to go! Keep supporting! Mwaps

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon