Chapter 17

29 7 3
                                    

Nicolas' POV

Pagkatapos kong magalit kay Irish ay hindi ko alam kung bakit ako dumeretso sa room nila Maegan.

Siguro miss na miss ko na talaga siya.

Pagdating sa room nila ay nakita ko ang isa niyang kaklase.

"Si Maegan?" Tanong ko sa kanya. Nagulat pa siya dahil bigla ko na lamang siyang kinausap.

Bumaling siya sa loob ng classroom nila at hinahanap si Maegan. Nakita ko sila ni Chanlech na nagtatawanan habang magkausap.

"Maegan tawag ka ni Nicolas." Sabi ng kinausap ko kanina. Agad na napalingon sa akin ang dalawa.

Unang tumayo si Chanlech at siya ang lumapit sa akin.

"Anong kailangan mo kay Maegan?" Matigas na tanong niya sa akin. Sinisiguro niya talaga na hindi na ulit masasaktan si Maegan.

"Gusto ko lang siyang kausapin." Sabi ko pero tumaas ang gilid ng labi niya.

"Tss. Hindi pwede." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit!? Ikaw ba si Maegan para magdesisyon ha?" Tumaas na yung boses ko dahil sa inis. Hindi niya pa pagma-mayari si Maegan pero kung makaasta siya ay parang boyfriend na siya neto.

Nagkakainitan na kaming dalawa ng pumagitna si Maegan sa amin.

Tiningala niya ako dahil mas matangkad ako sa kanya.

Lumingon siya kay Chanlech.

"Ako ng bahala." Segundo pa bago tumango si Chanlech at lumayo sa amin.

"Nicolas, ayoko ng makipag-usap sayo." Biglang may kumurot sa puso ko ng sabihin niya 'yon.

"Kahit saglit lang, Meg." Pakiusap ko sa kanya.

"Sorry." Tangi niyang sagot at tinalikuran na ako.

Bagsak ang balikat ko habang nakatingin sa kanya papalayo at pumasok siya sa classroom nila.

Nakatingin na sa amin ang mga kaklase niya kaya napagdesisyunan ko ng umalis. Hindi ko alam kung bakit ako nagma-makaawa sa kanyang kausapin siya ngayon.

Wala naman akong mga kaibigan kung hindi siya lang. Tapos pinili ko pang lumayo sa kanya ng umamin siya sa akin.

Nakayuko ako habang pabalik sa room namin. Ilang minuto pa bago mag-time.

Pagkapasok ko sa room ay agad na lumapit sa akin yung kaklase kong si Patrick. Ka-close siya ni Maegan kaya naging close ko siya dati.

"Nakita kitang nagmamakaawa kay Maegan na kausapin ka niya. Nag-iba na ba ang ihip ng hangin at ikaw na ngayon ang naghahabol?" Napangisi siya sa sinabi niya. Umalis din siya agad matapos sabihin 'yon.

Isa siya sa mga nagalit sa akin nung nalaman ng lahat na iniwasan ko si Maegan dahil sa pag-amin neto sa akin. Pero kalaunan ay kinakausap niya din ako pero hindi na tulad ng dati na sobra sobrang ayos namin.

"Tss." Nasabi ko na lang.

Naalala ko si Irish. Hindi siya sumagot sa lahat ng sinabi ko sa canteen kanina.

Ibig sabihin totoo lahat na hindi niya ako kayang ipakilala sa magulang niya. Biglang kumuyom yung kamay ko dahil sa naisip ko.

Habang nag-iisip ay biglang tumunog yung cellphone ko.

From Irish My Love
Can we talk later?

Napatitig pa ako sa cellphone ko. Ayoko muna siyang kausapin dahil naiinis ako. Pero may parte din sa akin na gusto kong marinig yung paliwanag niya.

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon