Chapter 27

24 7 2
                                    

Nicolas' POV

After 5 years...

Masikip na lugar. Walang maayos na higaan. Walang maayos na pagkain. Mabaho ang paligid. Mga kinakalawang na rehas.

Nasanay na ako sa buhay dito sa kulungan. Binibisita din naman ako ng mga kamag-anak ko para dalahan ako ng mga kailangan ko.

Halos humaba na ang bigote ko dahil hindi ako nakakapag-ahit lagi.

Dahil sa ka-boringan dito sa kulungan ay inuukit ko sa pader ang mga araw na nandito ako sa kulungan gamit ang bato. At ngayon ko lang napagtanto na isang taon na pala ako dito.

Marami na din akong nakilala. May mga nakulong dahil napag-bintangan lang at ang iba naman ay lulong sa droga kaya nakagawa ng kasalanan. At yung iba ay totoong kriminal.

Etong mga kasama ko sa kulungan ay mga nakasuhan din ng murder. At naging pinaka-close ko si Hanz na napagbintangan dahil siya daw ang nahuling nandun sa lugar kung saan may namatay na tao. Wala siyang nakuhang testigo dahil hating gabi na 'nun.

"Tol, bible study ngayon. Tara na." Sabi niya sa akin kaya tumango naman ako.

Mahigpit dito sa kulungan. Maski libro na ipapasok ay hindi pwede. Kaya wala akong mapaglibangan kundi makipag-usap lang sa mga kapwa ko bilanggo at humiga buong araw.

Sumunod naman agad ako sa kanya. Kahit hindi ko naman talaga kasalanan yung nangyari ay gusto kong makinig sa mga salita ng Diyos.

"Bibisita ang mga kamag-anak mo mamaya diba?" Tanong niya sa akin habang naglalakad papuntang chapel dito.

"Oo. Eh yung kapatid mo ba?" Tanong ko at tumango siya. Nanahimik kami habang naglalakad dahil may mga pulis kaming nadaanan.

Pagkatapos ng bible study ay pumunta kami kung saan ginaganap ang program linggo-linggo.

Kadalasan ay nagagawa kami ng mga recycable na bagay.

Minsan ay nagzu-zumba.

Ngayon daw ay guguhit kami.

May talent naman ako sa pag-guguhit pero hindi ko na napapakita simula nung high school dahil sa katamaran.

Katabi ko ang mga kasamahan ko. Lahat sila ay naguguhit na. May nagtuturo sa harap kung ano ang iguguhit pero hindi ako nakikinig.

Abala ako sa pag-guguhit ng kung ano.

Lumipas ang isang oras ng bigla kong napagtanto ang dino-drawing ko kaya napatigil ako at halos ihagis ko ang pinagdo-drawingan ko sa lamesa.

Napalingon sa akin si Hanz at kumunot ang noo. Tumingin siya sa drawing ko at ngumisi.

"Sino 'yan 'tol? Girlfriend mo?" Tanong niya pero umiling ako.

"Best friend ko." Tanging sagot ko.

Sa isang oras na pag-guguhit na 'yon ay ang mukha ni Maegan ang nai-guhit ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero lutang talaga ako.

Simula nung hindi nag-paramdam sa akin si Irish ay galit na galit ako sa kanya. Pero ang pinagtataka ko ay lagi na lamang pumapasok sa isipan ko si Maegan at yung mga masasayang alaala namin simula nung bata kami.

Pati yung pader na katabi ng higaan ko ay may nakaukit na pangalan na din niya. Hindi ko alam kung ano ba yung nararamdaman ko na 'to.

Limang taon na akong ganto at natatakot na ako.

Natatakot ako na baka pag-inamin ko 'tong nararamdaman ko sa sarili ko ay ako ang matatalo. Dahil mahal niya na si Chanlech at wala ng pag-asa.

Naalala ko yung pagtataboy ko sa kanya dati dahil umamin siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon. Siguro kung hindi ko siya iniwasan ay baka mas nakabuti sa akin ang desisyon kong 'yon ngayon.

Siguro wala ako dito ngayon at malaya ako sa labas ng kulungan. Nagagawa ko lahat ng gusto ko. Pero alam kong hindi na mababalik ang nakaraan.

"Diba best friend mo din yung pangalan na nakaukit sa pader na katabi ng higaan mo? Mukhang hindi lang kaibigan ang nararamdaman mo doon." Panunukso pa sa akin ni Hanz.

"Tss." Umalis ako dun sa program. Alam kong bawal pero nagpalusot ako sa mga nagbabantay na masama ang pakiramdam ko at babalik na ako sa higaan ko.

Gusto kong matahimik ngayon dahil naguguluhan ako.

Habang papunta sa rehas kung nasaan ang higaan ko ay bigla na lamang akong nakasalubong na matanda. Parang hindi siya bilanggo dito dahil iba ang suot niya sa uniporme namin.

"Maguguluhan ka talaga kung ayaw mong aminin sa sarili mo na may nararamdaman ka talaga para sa kanya." Sabi niya sa akin kaya napahinto ako. Natulala pa ako habang naglalakad siya papalampas sa akin at parang pupunta siya sa pinang-galingan ko kanina.

"Teka lang---" Pagkalingon ko ay wala na yung matanda. Tangina! Pati ba naman dito may multo!

Imposible namang mawala agad 'yon dahil mabagal siya mag-lakad.

Mabilis akong naglakad papunta sa rehas namin.

Langya! Dumagdag pa 'yong matanda sa iniisip ko! Bwiset naman.

Humiga agad ako sa higaan ko pagkarating ko doon. At ilang minuto pa lang ang lumilipas habang nakatulala ako sa kisame ay nagsi-datingan na sila Hanz.

"'Tol! Pinuri 'nung nagtuturo yung ginuhit mo! Hinahanap ka nga niya dahil kukuhanin ka sana bilang artist. Ikaw sana ang kauna-unahang bilanggong artist. Kaso umalis ka naman! Sayang yung oportiyuniti!" Sabi ni Hanz sa akin habang tinutupi ang kumot niya.

May hinagis siya sa aking papel at tiningnan ko 'yon. Yun yung ginuhitan ko kanina.

Napatitig ako dun.

Siya yung babaeng nanatili sa tabi ko habang mag-isa ako. Ngayon ko lang na-realize yung halaga niya. Sana hindi ko siya iniwasan dati. Sana siya na lang yung pinili ko. Sana hindi ako nagpakalunod sa nararamdaman ko kay Irish.

Siguro kaya hindi ko napansin yung nararamdaman ko para kay Maegan ay dahil kay Irish lang nakatuon ang pansin ko. Dahil ang alam ko ay si Irish talaga ang gusto ko.

Akala ko ay hanggang kaibigan lang ang nararamdaman ko kay Maegan. Pero higit pa pala don.

Kailangan pa palang may mangyaring mga ganitong bagay para maisip ko kung ano ba talaga yung totoo.

Inilagay ko yung papel sa ilalim ng unan ko. Hindi ko itatapon 'yon.

Dahil ngayon ay aaminin ko na sa sarili ko na si Maegan talaga ang mahal ko.

Author's Note:
Malapit na matapooooosssss! Just keep supporting guys! Thank youuuuuu^o^

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon