Chapter 29

26 5 0
                                    

Third Person's POV

Kakalapag lang ng eroplano ng mga Tita at Tito ni Nicolas sa Airport ng Los Angeles, California.

Agad silang sumakay ng sasakyang nirentahan nila nang makalabas sila ng Airport.

Isang tao lang ang sinadya nila dito at si Irish 'yon.

Halos 6 years na si Irish dito. Umalis siya matapos mahuli si Nicolas. Gusto ng mga Tita at Tito ni Nicolas na siya ang tumestigo laban sa mga nag-kaso kay Nicolas.

Kinausap na nila ang magulang ni Irish bago sila mag-tungo sa California. Nalaman na din nila ang relasyon ni Irish kay Nicolas dahil sinabi na 'yon ni Irish sa mga magulang niya. At pumayag silang lumayo muna si Irish.

Matagal ng nakikiusap ang nga kamag-anak ni Nicolas kay Irish pero ang lagi lang sinasabi ni Irish ay hindi pa siya handa. Pero ngayon ay handa na siya. Ilang buwan na ang sinayang niya at hinayaan niya lang na makulong si Nicolas.

Huminto ang sasakyan nila sa isang simpleng bahay. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang mga 'to at agad silang bumaba ng sasakyan.

Agad na nag-doorbell ang Tito Bert ni Nicolas sa bahay nila Irish.

May lumabas na kasambahay na isang pinoy din. Agad din naman silang pinapasok.

Pinaupo sila sa salas ng bahay.

"Diyan po muna kayo. Tarawagin ko lang po si Miss Irish." Sabi ng kasambahay at pumunta sa isang kwarto at kumatok.

Walang second floor ang bahay. At ta-tatlo lamang ang kwarto neto.

"Ma'am nandito na po 'yong mga bisita na hinihintay niyo." Sabi ng kasambahay pagkatapos kumatok.

"Sige." Rinig na sabi ni Irish mula sa loob ng kwarto.

Maya-maya pa ay lumabas na si Irish. Maraming nagbago sa itsura ngayon ni Irish.

Nagka-eyebags na siya at nagpa-ikli ng buhok. Pero maganda pa rin siya kahit pa-paano. Nakasuot lang siya ng simpleng pambahay dahil wala na siyang oras magbihis pa.

"Magandang araw sayo, Irish." Sabi ng Tita Yan ni Nicolas.

Hindi kasama ni Irish ang magulang niya dahil nasa Pilipinas ang mga 'to. Dahil mina-manage pa rin ng Daddy niya ang negosyo nilang nasa Pilipinas. Ayos lang naman sa kanya dahil mas gusto din niyang maging isang independent.

Nag-aaral na din siya dito sa California.

"Magandang araw din po." Nahihiyang tugon ni Irish sa kanila.

"Alam kong biglaan ang pag-punta namin dito. Pero hindi na din kase kami makapaghintay na lumabas si Nicolas mula sa kulungan na 'yon. Ikaw lang ang may kapangyarihan para mailabas siya doon." Naiiyak na sambit ni Tita Yan.

"Kailan niyo po ba gustong ipa-hearing ulit ang kaso ni Nicolas?" Tanong agad ni Irish. Nagulat silang lahat dahil sa tanong ni Irish. Oo, nagmamadali sila pero hindi nila alam na ganto ang sasabihin ni Irish.

"K-kung pwede sana ay next week na." Sabat naman ni Tita Wendy ni Nicolas.

Nandito lahat ng Tita at Tito ni Nicolas. Mahal na mahal at alagang-alaga talaga ni Nicolas kahit hindi nila ito totoong anak.

"Sige po. Mag-papabili na po ako ng ticket kay Daddy pabalik sa Pilipinas. Asahan niyo pong sa Monday ng hapon ay nandun na ako. At gusto ko po sanang humingi ng pabor kung maaari." Sabi ni Irish sa kanila.

"Ano yun?" Tanong ni Tito Bert.

"Gusto ko pong pagkatapos kong tumestigo ay babalik po ako agad dito." Sabi ni Irish at nagtinginan ang mga matatanda.

Pumayag sila sa pabor ni Irish.

•••

Nicolas' POV

"Nicolas." Napalingon ako sa tumawag sa akin at 'yon ang isa sa mga nagbabantay dito sa kulungan.

"Bakit po?" Tanong ko.

"May hearing ka ulit sa Martes." Nagulat ako dahil sa sinabi niya.

Akala ko ba guilty talaga ako sa nangyari? Bakit maghi-hearing ulit?

"Po? Bakit daw?" Tanong ko.

"Di ko alam. Tanungin mo na lang mga Tita at Tito mo mamaya, dadalawin ka daw nila." Sabi neto at tinalikuran na ako.

Dagdag na naman 'to sa iisipin ko buset.

Third Person's POV

Dumating ang araw ng matres. Lahat ay nasa korte na. Tanging si Nicolas na lang hinihintay.

Tahimik lang si Irish sa isang tabi at tila ba malalim ang kanyang iniisip.

Biglang bumukas ang pintuan. Unang nakita ang mga pulis at sa likod ng mga ito ay dalawa pang pulis na siyang may hawak kay Nicolas nakaposas.

Bakas sa mukha ni Nicolas kung bakit may hearing ngayon. Dahil hindi pa rin sinabi sa kanya ng kanyang tito at tita kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit maghi-hearing ngayon.

Walang kaalam-alam si Nicolas na nandito si Irish para magtestigo.

Makikita sa kabilang partido na masama ang tingin nila kay Irish. Dahil ang akala nila ay natakot na talaga si Irish kat hindi na muling magpapakita.

Lumingon si Nicolas sa mga Tito at Tita. Nakita niya ang isang pamilyar na likod ng babae.

Nang tuluyan siyang makalapit ay nasiguro niyang si Irish nga 'yon. Bakas sa mukha niya yung pagka-gulat.

Niyakap si Nicolas ng kanyang mga Tito at Tita. Pero nakatuon pa rin ang mga mata niya sa babaeng hindi pa siya tinitingnan. Pero alam ni Irish na nakatingin sa kanya si Nicolas.

Pinaupo na si Nicolas kung saan siya dapat umupo. Agad naman siyang sumagot.

"Ngayong araw ay maririnig natin ang testigo sa partido ni Nicolas Burnett Veneracion." Sabi ng judge.

Agad na tumayo si Irish at pumunta kung saan umuupo ang mga testigo.

Humarap siya sa madla at tumingin kay Nicolas at ngumiti ito kay Nicolas.

Inilahad ni Irish kung ano ba talaga ang totoong nangyari noong gabing 'yon.

At sinabi niya binastos siya ng magba-barkada at kasama na ang napatay ni Nicolas.

Naggawa lang daw 'yon ni Nicolas dahil sasaksakin siya neto kaya inagaw niya ang kutsilyo. At self defense lang nangyari.

"Protective po si Nicolas sa akin dahil syempre siya po ang boyfriend ko. Kaya wala po siyang kasalanan. Nanguna po ang kabilang partido at hindi si Nicolas. Kung hindi po sapat ang sinabi ko ngayon. Kausapin niyo po ang mga kasama ko noong gabing 'yon." Sabi ni Nicolas.

At sa huli ay tumayo na ang judge at si Nicolas para hatulan ito kung guilty o hindi.

Hinatulan ng judge na not guilty si Nicolas. Labis ang tuwa ang naramdaman niya. Naiyak din ang mga kamag-anak niya dahil makakalaya na siya.

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon