Chapter 7

49 7 1
                                    

Nicolas' POV

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung sinabi ng Mama ni Maegan na gusto akong kausapin ng anak niya.

Matutuwa kase gustong gusto ko ulit siyang kausapin.

Kaso natatakot din ako na sa huling pag-uusap namin ay masasaktan ko siya ulit.

Pero napagdesisyunan kong pumayag sa pabor na 'yon.

Bumaba ako mula sa kwarto ko. Hinagilap ko si Manang. At nakita ko siyang nagluluto ng hapunan namin.

"Manang pupunta lang po ako kila Maegan." Bigla siyang napatingin sa akin at gulat na gulat ang mukha.

"Ayos na kayo?" Napailing ako at napabuntong hininga siya.

Alam ni Manang yung tungkol sa aming dalawa ni Maegan.

Dahil nake-kwento din daw ng Mama ni Maegan sa kanya kung ano nangyayari tuwing gabi kay Maegan.

Pero si Manang ay ayaw sabihin sa akin dahil nangako siya sa Mama ni Maegan na hindi sa akin ipapaalam.

"Mag-uusap lang daw po kami." Sabi ko at tumango na lang si Mommy.

Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang maglakad. Dahil malapit lang naman ang bahay nila dito. Bawat sulok ng village na 'to ay nakikita ko ang childhood naming dalawa.

Pagtapat sa gate nila ay naga-alanganin akong magdoor-bell.

Bumuga pa ako ng hangin bago tuluyang pinindot ang doorbell. Agad na may nagbukas ng gate nila at yun ang Yaya ni Maegan.

"Pasok ka Nico." Sabi niya at nauna ng maglakad papunta sa loob.

Nico ang tawag nila sa akin. Pati ang Mama ni Maegan. Bulol kase sa 's' si Maegan nung bata siya kaya Nico na lang ang tawag niya sa akin.

Pagpasok ng mismong bahay nila. Nakita ko agad sa sala ang Mama at Papa ni Maegan.

"Nandito ka na pala iho. Akyat ka na lang sa kwarto ni Maegan. Kumatok ka na lang don. Dahil nasa loob naman si Chanlech pinapakain si Maegan." Tumango na lang ako.

Mabagal ang naging lakad ko papunta sa kwarto ni Maegan. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang pagkausap kay Maegan.

Pero kailangan kong tapangan ang sarili ko.

Pagtapat sa pintuan ng kwarto niya. Kumatok ako ng dalawang beses.

Maya-maya pa ay lumabas si Chanlech. Bigla kong nakita sa mata niya ang galit nang makita ako.

"Tss. Kakakain niya lang. Hindi pa siya magaling sa lagnat niya kaya please lang wag ka gumawa ng paraan ng ika-kalala ng sakit niya." Nilagpasan niya na ako habang hawak niya ang tray na pinagkainan ata ni Maegan yon.

Pumasok ako sa kwarto ni Maegan. Nakita ko siyang nakasandal sa uluhan ng kama niya at nanonood ng TV.

Lumingon siya sa gawi ko kaya nakita niya ako.

"Nico." Mahina niyang sinambit ang pangalan ko.

Lumapit ako sa kanya.

Pinaupo niya ako sa upuan na nasa gilid ng kama niya. Dito siguro umupo si Chanlech nung pinakain siya neto.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko agad sa kanya pero yung tingin ko ay nasa TV pa rin.

Naramdaman kong tumingin siya sa akin.

"Mahal mo ba talaga si Irish?" Biglaang tanong niya kaya napatingin agad ako sa kanya.

"Oo. Bakit mo natanong?" Simple kong sagot.

"Wala lang. Ramdam ko na ang swerte swerte niya." Nakatingin pa rin ako sa kanya at bigla na lang pumatak yung luha niya pero pinunasan niya agad 'yon dahil ayaw niyang ipakita sa akin na nasasaktan siya.

"Tama na, Mae. Mas masasaktan ka lang kapag pinagpatuloy mo pa yung nararamdaman mo para sa akin." At dahil sa sinabi kong 'yon ay tuloy tuloy nagsipatakan ang mga luha niya.

Napansin ko na yung mga mata niya ay parang pagod na pagod na.

"Bakit hindi na lang ako?" Tanong niya habang humihikbi.

"Hindi ko din alam. Siguro kase mag-kaibigan lang talaga tayo." Hindi ko alam kung paano lumabas sa bibig ko 'yon.

Pumunta ako dito para mas maliwanagan siya. Hindi yung mas sasaktan ko siya ng ganito.

"Please, Nico. Ako na lang please." Pagmamakaawa niya sa akin. Hinawakan niya na din ang braso ko. Pero binawi ko 'yon.

"Tama na. Itigil mo na. Tingnan mo yung sarili mo. Sinasaktan mo lang yung sarili mo. Mauuna na ako. Sana mas naliwanagan ka sa pag-uusap natin." Mas lalo siyang umiyak. Pero tumayo na ako at umalis na ng kwarto niya.

Pagdating sa ibaba ay nakita ko si Chanlech sa kusina nila at hinahanda ang gamot at tubig at gatas na para kay Maegan.

"Chanlech, alagaan mo 'yon. Wag ka mag-alala kase ito na yung huling beses na iiyak siya dahil sa akin." Hindi ko na hinintay na magsalita siya ulit. Dahil alam kong magagalit na naman siya. At baka suntukin niya na naman ako.

Nang makarating ako sa salas nila ay nakita ko ang magulang ni Maegan.

"Aalis na po ako." Tumango lang sila. Naramdaman ko sa likod ko na nagmamadaling umakyat si Chanlech sa kwarto ni Maegan habang hawak-hawak yung tray na hinahanda niya kanina.

Lumabas na ako ng bahay nila at hinatid ako ng Yaya ni Maegan hanggang sa gate ng bahay nila.

Habang papauwi sa bahay namin ay napapaisip na naman ako kung tama ba lahat ng sinabi ko kay Maegan.

Alam kong kapag mas nasasaktan mas mapu-pursigido siyang kalimutan yung nararamdaman sa akin.

Pero masyadong maramdamin si Maegan kaya sobra siyang masaktan kesa sa normal na damdamin ng tao.

•••

Kinabukasan simula nang huling magkausap kami ni Maegan ay hindi siya pumasok.

Hindi ko alam kung dahil may sakit pa ba siya o dahil masakit pa rin yung sinabi ko sa kanya.

Hindi ko din nakita ang presensya ni Chanlech sa school ngayon.

Binigay ko na lang yung buong pansin ko kay Irish.

Alam kong ang sama sama ko na kay Maegan. Pero hindi ko na talaga alam yung gagawin ko para hindi siya masaktan.

Baka eto na yung magiging simula nang paglimot niya sa nararamdaman niya sa akin.

At alam kong si Chanlech ang makakatulong sa kanya.

Ramdam ko na talagang mahal na mahal niya si Maegan kahit alam niyang may mahal 'tong iba. Nag-stay pa rin siya sa tabi niya.

Pero bakit parang nagse-selos ako?

No, siguro naiinggit lang ako kase ako yung dating laging nasa tabi niya.

Author's Note:
Hi guys! Aping-api talaga si Maegan dito HAHAHAHA. Thank you for reading! See you sa next chapter! Labyu all

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon