Chapter 22

31 7 2
                                    

Nicolas' POV

Napanganga si Maegan dahil sa sinabi ni Chanlech. Nakita kong nangingilid na ang luha niya at nagba-badya ng tumulo ano mang segundo.

Lumapit ako sa kanila na nakakunot pa rin ang noo. Nang makalapit ako ay naamoy ko na amoy alak si Chanlech. Lasing nga.

"'Wag mong paghinalaan si Maegan pre." Sabi ko kay Chanlech at napatingin naman siya sa akin.

"Pre? Ha? Siraulo ka ba? Sa tingin mo hindi ako mag-hihinala pagkatapos na pinili niyang makipag-usap sayo kesa sa ipakilala ko siya sa magulang ko?" Sabi niya at bahagya pa siyang ngumisi. Tiningnan ko si Maegan na tumulo na ang luha at hindi pa rin nagsasalita.

"Alamin mo muna ang lahat bago ka mag-sabi ng ganyan sa kanya." Umamba akong susuntukin ko si Chanlech pero bigla na lang humarang si Maegan sa amin.

"Akala ko hindi mo ko sasaktan pero mali pala ang inakala ko." Sabi ni Maegan. Nanaig ang katahimikan sa amin. Tumingin ako kay Chanlech na nakatitig lang kay Maegan.

"Uuwi na lang ako." Sabi niya at nag-simula ng maglakad palabas ng village nila Chanlech.

Tumingin ako kay Chanlech na nakatingin kay Maegan habang papalayo. Gusto ko man siyang ihatid pero mas gugustuhin niyang mapag-isa ngayon.

Napailing na lang ako sumakay na sa motor ko. Ayokong pakielamanan si Maegan sa desisyon niya.

Mabilis kong pinaandar ang motor ko. Sa kabilang daan ako dumaan para hindi ko madaanan si Maegan.

Nang makaalis ako don ay nandun pa rin si Chanlech sa labas ng bahay nila at nakatunganga.

Papunta ako ngayon sa bahay nila Irish. Gusto ko lang siyang silipin.

Pagtapat sa bahay nila ay wala ng ilaw ang mga katabing bahay. Tanging kwarto na lang ni Irish ang maliwanag.

Hindi pa ba 'to natutulog?

Tiningnan ko ang cellphone ko kung may message o tawag siya ngunit wala. Naghinala na talaga siya kanina ng malaman niya na kasama ko si Maegan.

Halos ilang oras akong nakatayo don habang naghihintay na patayin niya yung ilaw sa kwarto niya.

Mga 11:37 pm na ng pinatay niya ang ilaw sa kwarto niya. Kahit antok na antok na ako ay hinintay ko pa rin. Pinag-piyestahan na ako ng mga lamok dito.

Sumakay na ako sa motor ko at pinaandar na 'yon. Hindi na ako nag-suot ng helmet dahil gabi naman na at wala namang checkpoint dito sa lugar namin.

Pagdating ko sa bahay ay sa salas na lang ang may ilaw. Tulog na siguro si Manang. Ako na din ang nag-lock ng gate at nagsarado ng pintuan para hindi na ako makaabala sa pag-tulog ni Manang.

Umakyat agad ako sa kwarto ko. Napabagsak na lang ako sa higaan ko dahil ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

Kahit hindi pa ako nakakapag-bihis pambahay ay pinag-pasyahan ko ng matulog.

•••

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Tiningnan ko yubg orasan at pasado ala siyete na!!

Malapit ng mag-time bwiset!

Dali-dali akong bumangon at dumeretso sa banyo para maligo.

Pagtapos maligo ay sinuot ko agad yung uniform ko kahit hindi ako nakapag-punas ng maayos. Dinampot ko ang bag ko at bumaba na.

Nakita ko si Manang na nakaupo sa salas at nanonood.

"Goodmorning Manang. Hindi na po ako kakain mala-late na po ako." Sabi ko at papalabas na sana ako ng bahay ng marinig kong tumawa si Manang. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Sabado ngayon, Nico. Wala kayong pasok." At patuloy pa rin sa pagtawa.

Dali-dali akong pumunta sa kusina at tiningnan ang kalendaryo don. Aish! Sabado nga ngayon. Ang epic ko! Bwiset!

"Nagulat ako sa iyo dahil naka-uniform ka HAHAHAHAHA." Napahawak na sa tiyan si Manang kakatawa.

"Manang matutulog na lang ako ulit." Ginulo ko yung basa kong buhok.

Binagsak ko ang bag ko pagkapasok ko pa lang ng kwarto. Hinubad ko ang uniform ko. At tanging boxer at sando na lang ang suot ko ngayon.

Dumeretso ako sa kama para humiga. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa side table.

Una kong tinawagan ang numero ni Maegan pero unattended. Siguro mas gusto niya talagang mapag-isa.

Sinubukan kong tawagan ang numero ni Irish. Gusto ko na sana siyang makausap. Nakailang ring pa ito bago sinagot yung tawag sa kabilang linya.

"Hello?" Laking gulat ko ng lalake ang sumagot sa tawag. Tiningnan ko ang cellphon ko kung tama ba yung tinawagan ko. Numero naman ni Irish 'to.

"Hellooooooo." Ulit niya pa sa kabilang linya pero hindi ako sumasagot. Halatang bagong gising yung boses niya.

"Sino 'to?" Tanong ko. Hindi agad nagsalita ang lalaki sa kabilang linya. Sino naman kaya ang kasama ni Irish? Imposible namang tatay niya 'to dahil busy 'yon sa negosyo nila.

Wala namang kuya si Irish. Kaya napakunot ang noo ko. Kumuyom na din ang kamay ko na nakahawak sa cellphone.

"Si Ram 'to." Mariin niyang sabi. Tangina! Bakit niya kasama si Irish ng ganito ka-aga!? At mukhang kagigising niya!

"Bakit mo kasama si Irish!?" Pasigaw kong sabi sa kabilang linya. Gigil na gigil ako dahil mabagal siya sumagot. Bumibigat na din ang pag-hinga ko at napatayo na ako sa galit.

"Masama ba?" Tumawa pa siya sa huli nang tanungin niya 'yon. Minura ko siya at dali-dali kong kinuha ang susi ng motor ko. Nag-bihis ako ng mas maayos kesa sa suot ko kanina.

Mahigpit ang hawak ko sa cellphone at susi ng motor ko habang bumababa ng hagdan.

"Saan ka pupunta, Nico?" Tanong sa akin ni Manang pero hindi ko siyang pinansin at dere-deretsong pumunta sa garahe. Padabog kong binuksan ang gate at pinaharurot ang sasakyan ko papunta kila Irish. Hindi na ako nag-abalang isarado ang gate dahil sa kaka-madali.

Pag-tapat ko pa lang sa bahay nila ay agad akong bumaba sa motor ko at nag-doorbell.

Lumabas ang katulong nila Irish.

"Nasaan si Irish?" Tanong ko at nagtataka naman siya kung sino ako.

"Sino po ba kayo?" Tanong niya sa akin.

"Boyfriend ako ni Irish kaya nasaan si Irish!?" Halos sigawan ko na siya.

"Nasa kwarto niya po sa taas at kasama niya po si Sir Ram." Takot niyang saad sa akin.

Fuck! Bakit sila mag-kasama sa kwarto ni Irish!?

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon