Chapter 4

46 10 2
                                    

Nicolas' POV

Ilang linggo ko na din hinahatid pauwi si Irish sa bahay nila. At alam na din ni mama niya na hinahatid ko siya pauwi.

"Saan ba tayo pupunta?" Hila-hila ko si Irish ngayon papuntang parking lot kung nasan yung motor ko. Uwian na at sinundo ko agad siya sa room nila dahil ngayon ko na balak sabihin sa kanya na gusto ko siya.

"Basta saglit lang naman." Sabi ko habang hila-hila pa rin siya. Hanggang sa nakapunta na kami sa motor ko at inayos ko agad yung helmet na susuotin niya.

Pagharap ko ay hingal na hingal siya at nakahawak sa tuhod niya.

Binuksan ko agad yung bag ko at binigay sa kanya yung tubig ko. Agad niya 'yong kinuha at ininom.

"Bwiset ka naman! Wala man lang hinto! Ang bilis bilis mo pa maglakad kahit dun aa hagdan." Singhal niya sa akin.

"Sorry na hahahaha." Ang cute niya talaga. Hindi ko alam kung bakit ako nababading sa kanya.

Pagkatapos non ay pinasuot ko na siya ng helmet at ako din ay nagsuot na. Binilhan ko siya ng helmet na kaparehas ng akin dahil sabi ko sa kanyang ako ang maghahatid sa kanya lagi pauwi.

Dadalhin ko siya sa paborito kong lugar kung saan makikita yung mga ilaw ng mga gusali at mga bahay sa ibaba. Sa rooftop na tambayan ko.

Abandonado na yung building na iyon at natuklasan ko 'yon nung batang nawala ako. Dun ako napunta at pinangako ko sa sarili ko na di na ako mawawala ulit sa lugar na 'yon. Ang tanawin kase don ang nagparamdam sa akin na hindi ako nawawala. Kaya lagi ko 'yong pinupuntahan. Lagi ko din don dinadala yung best friend ko.

Pero ngayon yung babaeng gusto ko na yung dadalhin ko sa lugar na 'yon.

Habang nagba-byahe kami ay bigla na lang siyang kumalas sa pagkayakap sa akin. Nagulat ako at muntik ko nang ihinto yung motor ko pero bigla na lang akong natuwa sa ginawa niya.

Nakita ko sa side mirror na tinaas niya yung dalawang kamay niya at dinadama yung hangin na sumasalubong sa amin.

At bumalik na din siya sa pagkaka-kapit sa akin.

"Alam mo bang unang beses ko lang sumakay sa motor nung hinatid mo ko pauwi." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya pero hindi pa rin ako umiimik.

"Ang sarap sa pakiramdam kapag sumasakay sa motor kase damang dama ko yung hangin na sumasalubong sa akin." Natawa naman siya sa sariling sinabi niya.

Humigpit yung pagkakayakap niya sa akin at sinandal ang ulo niya sa likuran ko.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa abandonadong gusaling sinasabi ko.

"Nakakatakot naman dito. Baka may gang na nagmi-meeting dito ah?" Sabi ni Irish habang sinusuri pa rin yung paligid.

"Pero may lugar dito na magugustuhan mo." Sabi ko sa kanya.

Umakyat na kami at halatang natatakot siya dahil medyo madilim na pero sabi ko wala namang multo dito. Eto pa rin siya mahigpit yung kapit sa braso ko.

Sana pala lagi ko siyang dinadala rito. Para maka-hokage ako.

Pero syempre joke lang.

Nang makapunta kami sa taas ay bigla siyang tumakbo at tiningan yung mga ilaw ng mga building at bahay sa ibaba. Nakatitig lang ako sa kanya at napanganga siya sa nakita niya.

"Ang ganda 'no?" Sabi ko sa kanya pero nakatingin ako sa kanya. Tumango naman siya tumingin sa akin. Bigla siyang napangiti.

"Alam mo bang ikaw yung lalaking nagparanas sa akin ng mga unang beses ko." Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka sa sinabi niya.

"Paano?" Tanong ko.

"Pangarap ko dating magka-motor kase pakiramdam ko talaga masaya sumakay doon. Tapos nung hinatid mo ko dun ko lang naranasan yon." Pagpapaliwanag niya.

"Kapag nakakakita ako ng gusali lagi kong hinihingiling na sana nasa itaas ako non para makita ko lahat ng nasa ibaba. Tapos eto ngayon dinala mo ko dito."

"At tingin ko madadagdagan pa lahat ng 'yon." Sabi niya sa akin. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Sumasabay sa hangin ang mga buhok niya. At yun ang nagiging dahilan para mas makita ang mukha niya.

"May sasabihin sana ako sayo Irish. Kaya kita dinala rito." Sabi ko.

"Ano yun?" Tumingin siya sa akin nang nakangiti pa rin pero nawala iyon nang makita niyang seryoso ako.

"M-m-matagal na kitang gusto." Sabi ko sa kanya na putol putol dahil sa kaba.

Nagulat siya at hindi nakapagsalita pero bigla na lang niya akong niyakap.

"Nicolas gusto din kita." Sabi niya at bigla na lang akong nagulat. Tinanggal ko yung pagkakayakap niya sa akin at tumingin ako sa mga mata niya. Nakangiti siya.

"Talagaaa?" Mangha kong tanong.

"Oo naman." Sabi niya at tumango-tango pa. Bigla ko na lang siyang niyakap at habang yakap ko siya ay napapikit ako. Ang sarap sa pakiramdam.

Maya-maya pa ay kumalas na kami sa pagkakayakap.

"Pwede na ba akong manligaw sayo Irish?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nicolas." Ngumiti muli siya at niyakap ko siyang muli. Ewan ko pero mukha naaadik na akong yakapin siya lagi.

Maegan's POV

Nandito ako ngayon. Nagtatago sa likod ng mga kahot sa rooftop na dinadalhan sa akin ni Nicolas dati.

Nakahawak ako sa aking bibig para mapigilan ang aking paghikbi. Ayaw huminto ng mga luha ko dahil

Narinig ko lahat.

Hindi ako pumasok dahil gusto ko ng move on at eto na sana ang huling punta ko sa mga pinupuntahan namin ni Nicolas. Pero ngayong araw din pala ako masasaktan ng sobra.

Liligawan niya na si Irish.

At gusto din siya ni Irish.

Masaya na sila pero bakit nasasaktan pa rin ako? Bakit parang ang selfish ng tadhana? Bakit ayaw niyang iparamdam yung sitwasyon kung saan masaya naman ako?

Author's POV:

Sheeettttt! Parang naiiyak din ako habang tina-type to! Ewan ko kung bakit HAHAHAHA. Enjoy reading guys! Support na din!

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon