Chapter 2

94 10 4
                                    

Nicolas' POV

Lunch time na at papunta na ako sa room nila Irish. Nakasalubong ko pa si Chanlech na papasok sa room. Sasabay na naman siguro siya kay Maegan.

Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa room nila at sakto namang kakalabas lang din ng teacher. Sumilip ako sa loob at nakita ko si Irish na nagliligpit na ng gamit niya at nilalagay sa loob ng bag niya. Kinuha niya din yung wallet at cellphone niya na nasa bag niya at inilagay sa bulsa ng palda niya.

Yung mga kaklase niya ay mga nagsisi-make up pa pero siya hindi na inayos ang sarili. Pero kahit ganon ay maganda pa rin siya.

Pinunasan niya yung mukha niya para mawala ang mga konting pawis sa noo niya.

Bwiset! Alam kong kanina pa ako nakatitig sa kanya. Nahulog na nga talaga ako.

Maya-maya pa ay tumingin siya sa pintuan kung nasaan ako at nakita niya ako. Ngumiti naman ako sa kanya at dali dali siyang lumabas.

"Kanina ka pa dyan?" Tanong niya sa akin. Medyo nakatingala siya dahil mas matangkad ako sa kanya. Hanggang tenga ko lamang siya.

"Hindi naman. Kakarating ko lang din." Tumango siya at inaya na ako papuntang canteen. Pagpasok sa canteen ay humanap kami ng upuan at pinaupo ko siya doon. Sabi ko ay ako na lamang ang mag-oorder.

Tinanong ko kung anong gusto niya. Ang sabi niya ay kahit ano dahil nakakahiya daw dahil libre ko pa siya.

Pumila na ako sa counter. Napalingon naman sa akin ang kaharap ko.

Si Chanlech.

"Uy tol! Bigyan mo naman ako ng advice kung paano magiging mabait sa akin si Maegan. Diba magbest friend kayo dati?" Medyo close din kami ni Chanlech dahil simula pa noon ay may gusto na talaga siya kay Maegan kaya lagi siyang nagtatanong sa akin kung nasaan si maegan. At susundan niya naman ito.

"Naku dati yon tol. Hindi ko na alam ang mga gusto niya ngayon. Dahil medyo matagal na din simula ng huli naming usap." Tumango-tango naman siya at humarap na sa cashier. Sinabi niya na yung order niya na pangdalawang tao. Kasama niya ata si Maegan ngayon. Pinilit niya na naman siguro.

Pagtapos niya ay ako na ang sumunod. Ang inorder ko sa amin ay burger stake na may fried chicken at isang large size na coke at fries.

Nilapag ko na sa lamesa namin ang nga inorder ko. Kitang kita ko ang mga ngiti ni Irish sa mga pagkain na nasa harap niya.

"Mga paborito ko 'to!" Sabi niya sa akin.

"Hahahaha! Manghuhula kase ako." Natawa naman siya sa sinabi ko.

Ang totoo ay iyon ang laging order namin ni Maegan dito. Kaya yun na lang din ang inorder ko sa kanya.

Nagkataon naman na parehas lang ng paborito si Maegan at Irish.

Kumain na kami. At kita ko naman sa mukha niya na naiilang siyang kumain ng kumain.

"Hahahaha wag kang mailang sa akin. Ayos lang kung ipakita mong malakas kang kumain." Namula naman siya at mahinang tumawa.

Maya-maya ay mas nagiging normal na yung pagkain niya. Hindi na siya naiilang.

Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan kami saglit. Tawa siya ng tawa dahil sa mga biro ko sa kanya. Kinuha ko din yung number niya. Binigay niya namaaaannnnn. Aaaaaaaaaaa! Ang saya ko.

Nang nagbell na ay pinilit ko siyang ihahatid ko na sa room nila.

Pagdating sa room nila ay naghiyawan ang mga kaklase niya. At tinukso siyang maswerte daw dahil hinahatid siya ng isang Basketball player! Lols.

Bigdeal ba yon? Sobrang swerte niya talaga dahil gwapo din naman ako.

Nagpaalam na din ako dahil baka dumating na yung teacher namin sa first subject sa hapon.

Tinext ko si Irish.

To Irish
Aral ka mabuti. Hatid kita mamaya?

Sinend ko iyon. At naghihintay ng reply niya.

From Irish
Okay :-)

Pumayag siya! Siguro kailangan ko na talagang umamin para maligawan ko siya.

•••

Dumating ang uwian. Ayos naman ako sa mga naging discussion ngayong araw dahil buong hapon ay nakangiti ako habang nakikinig sa mga bagong lessons.

Kahit mahihirap ay naging madali lang lahat sa akin. College student na ako. I'm 19 years old.

Naunang lumabas si Maegan dahil nasa labas si Chanlech at kinukulit na naman siya na lumabas na.

Kinuha ko na din yung bag ko at lumabas na ng room at papunta na sa room nila Irish.

Pagpunta ko don ay nakikipagkwentuhan pa siya sa mga kaibigan niya.

Nakita naman ako ng isang kaibigan niya at tinawag siya. Napalingon naman siya sa akin at kinuha na ang bag niya. Nagpaalam na din siya sa mga kaibigan niya.

"Tara na?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

Kinuha ko yung sakbit niyang bag at nagulat naman siya. Binitbit ko yon.

"Uy wag na. Kaya ko naman eh." Sabi niya na kinukuha yung bag niya. Tinaas ko naman ito para hindi niya maabot.

"Shhhh! Gusto kong maging gentleman." Natawa naman siya at hinayaan niya na lang akong bitbitin yung bag niya.

Nang nakapunta na kami sa parking lot ng university ay naalala kong isa lang pala ang helmet ko. Kaya siya ang pinasuot ko ng helmet. At ako ay walang suot na helmet. Mas gusto kong safe siya kesa sa akin.

Habang inaayos ko yung motor ko ay nakita ko naman si Maegan na nakatingin sa amin. Kasama niya si Chanlech na pinapasakay na siya sa kotse nito. Tumango na lang si Maegan kay Chanlech habang nakatingin pa rin sa amin.

Nami-miss ko na din yung best friend ko pero mas makakabuti 'tong pag-iwas ko sa kanya.

Inalalayan kong sumakay si Irish sa motor ko.

Naalala ko na lagi kong angkas si Maegan dito tuwing uwian tapos pupunta kami sa mga kainan at ihahatid ko na siya sa bahay nila na gabi na. Pero hindi siya pinapagalitan dahil kilala ako ng mga magulang niya.

"Kumapit ka ah." Sabi ko kay Irish. Tinanong ko din ang bahay nila at nalaman ko naman agad kung saan kami dadaan.

Kumapit siya sa hawakan sa likod. Nilingon ko naman siya at kinuha ang kamay niya at iniyakap ito sa tiyan ko. Alam kong nagulat siya pero pinaandar ko na din yung motor ko.

Improving na ako. Hindi na ako torpe. Aamin na ako malapit na.

Author's Note:
Support support guys! Hahahaha. Konting chapter lang ang plano ko dito kaya sana matupad! Enjoy reading!!

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon