Prologue

292 13 1
                                    

Nicolas' POV

Bwiset na buhay to! Nakakainis! Ang sakit ng ulo ko! May pasok pa ngayon peste peste peste.

Bakit ba kase ako nag-inom kagabi!? Akala ko maganda mag-inom. Sakit ng ulo lang pala makukukuha ko. Argh!

Pinilit kong bumangon kahit sobrang sakit ng ulo ko. Naligo na ako at hindi ko na inayos ang buhok ko sa sobrang inis. Bumaba akong tamad na tamad at nakabusangot at magulo ang buhok.

"Nico! Bakit ganyan itsura mo iho? Jusmiyo! Hating gabi ka na nakauwi! Ayan sige mag-aral ka ng inaantok at masakit ang ulo!" Pangaral agad sa akin ni Manang pagkababa ko ng hagdan. Hindi na ako umimik dahil wala akong laban pagdating kay Manang.

Independent na ako. Halos 3 years na din. Wala na akong magulang. Yung Papa ko hindi ko nakilala since birth. Yung Mama ko nagpakamatay dahil sobrang depress na tungkol sa negosyong inaasikaso niya. Hanggang sa na-bankrupt na iyon at hindi na nabangon pa. I was only 8 years old that time. Pagkatapos non ay sa mga Tita and Tito na lang ako tumira.

Nang nag13 years old ako ay nalaman kong may pinamana sa akin si Mama na isang bahay. Napagdesisyunan kong humiwalay. Nung una ay ayaw nila pero napilit ko. Sa isang kondisyon ay may katulong ako na kakilala nila at iyon ang si Manang.

And now I'm already 18 years old. Mga kamag-anak namin yung nagbabayad lahat ng bills dito sa bahay na tinitirahan ko. Laking pasalamat ko na din sa kanila dahil sila din ang nagbabayad ng tuition fee at sila din nagbibigay ng allowance ko buwan buwan.

Sanay na akong mag-isa at laging si Manang ang manenermon sa akin. Minsan titingnan ako ni Manang na parang nakakaawa kapag mag-isa akong kumakain kaya sinasabayan niya ako. Nagtatanong din siya ng tungkol sa pag-aaral ko. Para talaga siyang magulang sa akin.

Sabi nila ang swerte swerte ko daw dahil gwapo na ako at matalino at talentado rin naman. Pero hindi nila alam na sobrang malas ko sa buhay ko. Maagang naulila. Walang nag-aalaga. Tanging yaya lang ang nag-aalaga.

Pagtapos namin kumain ni Manang ay nagpaalam na ako sa kanyang papasok na ako. Sinabi niya namang mag-ingat ako. Inayos ko yung buhok ko gamit lamang ang mga daliri ko.

Pagtapos ay kinuha ko ang cellphone at headset ko sa bag at sinalpak sa tenga ko ang headset at nagpatugtog.

Nagmo-motor lang ako ngayon papunta sa school. Yes, di ako tulad ng ibang nakasports car pa at aircon ang kotse o sasakyan.

Papasok ako ng pawis pero gwapo pa rin naman.

Nagmo-motor lang ako papunta sa school. Bigay 'to nila tita sa akin. Medyo malayo pero ayos lang.

Malapit na ako sa parking lot ng school at nakikita na ako ng mga babae. Yung iba ay tinuturo pa ako at bahagyang kinikilig. Yung iba naman nginingitian ako pero hindi ko nginingitian pabalik. Halos lahat sila ay nakalingon na sa akin. Tss. Nakakasawa. Hindi naman sa mayabang ako. Pero totoo naman talagang nagsasawa na ako sa araw araw na scenario na 'to.

Pumasok ako sa gate at pinakita ang ID ko sa guard. Tumango naman siya at binati ko siya ng 'goodmorning'. Hindi naman ako mayaman para hindi pansinin yung mga taong halos kalevel ko lang din.

Tinanggal ko ang headset ko sa tenga at nilagay sa leeg ko. Pinatay ko na din yung music.

Pagpasok sa school ay maraming goodmorning ang natanggap ko sa bawat babae. May mga nagbibigay din ng pagkain sa akin. Mukhang hindi na ako bibili ng lunch dahil eto na lang ang kakainin ko para hindi na ako gumastos tsk!

May mga love letter na nagbibigay pero hindi ko naman binabasa. Pero tinatanggap ko pa rin. Tinatabi ko lang lahat sa isang kahon. Di ko tinatapon dahil alam kong naglalaman yon ng effort ng mga babae.

Habang naglalakad papuntang room ay nakita ko si Maegan. Tumingin siya sa akin at nag-iwas agad ng tingin.

Napabuntong hininga ako. Simula ng umamin siya ay iniwasan ko siya. Ayoko kaseng mas masaktan siya kapag umasa pa siya sa akin. Galit siya sa akin alam ko.

Pinilit ko dating magustuhan siya pero hindi talaga kaya. Hindi talaga dapat pilitin yung sarili para magustuhan yung tao.

Iniiwasan ko siya pero nami-miss ko na siya. She's my bestfriend before. Kasama ko sa lahat ng kalokohan. Nag-iisa kong babaeng kaibigan yon. Pero nawala dahil nahulog sa akin at iniwasan ko at hindi sinalo.

Isa lang naman kase talaga yung gusto ko. Si Irish. Sa kasamaang palad pinsan niya yon. At alam niyang yun ang gusto ko. Mas lalo siyang nasaktan dahil dun sa sinabi ko sa kanya na si Irish ang gusto ko.

Umiwas na din si Maegan kay Irish simula non. Close na close sila dati pero ngayon halos hindi na kilala ni Maegan si Irish. Dinadaan-daanan na lang kapag nakakasalubong. Hinahagip na lang ng mata kapag nakita.

Nakikita kong pinipilit kausapin ni Irish si Maegan pero ayaw talaga ni Maegan na pansinin ulit si Irish. Gulong gulo si Irish kung bakit. Hindi niya pa kase alam ang kwento naming dalawa.

Hindi ko ba alam kung bakit si Irish ag nagustuhan ko at hindi na lang si Maegan.

Mas lamang naman si Maegan sa akin. Pero nagagandahan talaga ako kay Irish.

Yung tipong nagtatawanan kami ni Maegan dati. Tapos nung dumaan lang si Irish ay napatitig na ako dito.

Pagpasok sa room ay umupo na agad ako sa upuan ko at dumukdok. Masakit pa rin ulo ko hanggang ngayon.

Kaklase ko si Maegan dito. At si Irish ay nasa section 3.

Nalaman kong pumasok si Maegan sa room namin kahit nakadukdok ako at hindi ko siya makita. Dahil yung mga boys dito ay nago-goodmorning sa kanya lagi.

Marami din naman kase sa kanyang nagkakagusto. Kaso hindi ko alam kung bakit sa akin siya nagkagusto.

Araw-araw niya ding hindi pinapansin yung mga lalakeng kaklase namin. Pero nginingitian niya bawat bumabati sa kanya. Sabi niya sa akin dati nakakainis daw kapag sunod sunod niyang babatiin pabalik yung nga bumabati sa kanya ng goodmorning. Kaya ngingitian niya na lang daw.

Minsan may kakatok pa dito sa room para lang may ibigay na regalo,pagkain,bulaklak at letter sa kanya. Tinatanggap naman ni Maegan dahil sa hiya niyang ireject ang mga ito. Mabait pa rin siya.

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon