Chapter 14

35 9 3
                                    

Nicolas' POV

Lumipas ang isang linggo. Hindi ko pa rin nakikita si Chanlech.

Ang tagal naman 'non maghanda?

Maaga ako ngayon pumasok. Maaga kase ako nag-gising kanina dahil kagabi ay ala-sais pa lang tulog na ako.

Si Irish naman ay hindi nagpasundo. Hindi daw siya papasok dahil may pupuntahan sila ng Daddy niya. Hindi niya daw alam kung saan.

Habang naglalakad ako sa hallway papuntang room ay bigla kong naramdaman na nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko.

Kinuha ko 'to agad at nakita kong nagtext si Chanlech sa akon.

from Chan Lech
Tol, ngayon ko sisimulan ang surprise para kay Maegan. Nandito ako sa field. Pinasundo ko na sa mga kaklase namin si Maegan sa gate. Kung gusto mo manood ayos lang. In-inform lang kita. Salamat sa tulong.

Napahinto ako sa paglalakad. Napapaisip ako kung manonood ba ako o de-deretso na lang sa classroom.

Maya-maya ay nakikita ko ang sarili kong naglalakad palayo ng classroom namin.

Wala namang masama kung sumilip ako. Aish! Bakit ba ako manonood? Anong gagawin ko don?

Pagdating sa field ay nagtago ako sa mga puno sa gilid neto. Nakita ko lahat ng hinanda ni Chanlech para kay Maegan.

Yung tatlong bear sa we bare bears. Yung size 'nun ay kasing laki ng tao.

Nakita ko si Chanlech na nakapolo-shirt at nakatokong. Paano nakapasok ang isang 'to sa room ng nakaganyan ang suot?

Nakita kong may banner din na nakatupi pero nakasabit ito.

Maya-maya pa ay dumating na si Maegan at ang mga kaklase nila. Nakapiring ang mga mata ni Maegan at nakasimangot na.

Kinuha ni Chanlech ang isang bouquet ng pulang rosas.

Pagka-tanggal ng piring ay biglang may nagpa-putok ng mga confetti. Nakita ko ang mukha ni Maegan na gulat na gulat.

Biglang bumaba ang banner na nakatupi kanina.

May tanong ito na

Can I court you, Maegan?

Bumuka ang bibig ni Maegan dahil sa gulat. Binigay ni Chanlech ang mga pulang rosas. Nakatitig lang siya sa mukha ni Chanlech. Wala itong emosyon. Saka niya kinuha ang mga rosas na binibigay ni Chanlech.

"Can I court you, Maegan?" Rinig kong tanong ni Chanlech sa kanya.

Biglang napatingin si Maegan kung saan ako nakatayo at nakita niya ako. Biglang nanlaki ang mata ko. Pero nakita kong wala pa ring emosyon yung mukha niya.

Binalik niya ang tingin niya kay Chanlech na naghihintay ng sagot niya.

"Yes, Chanlech." Ngumiti siya kay Chanlech na sobrang saya dahil sa sagot ni Maegan.

Niyakap ni Chanlech si Maegan. Nakangiti silang dalawa. Pero ang mga ngiti ni Maegan ay naging ngisi habang nakatingin sa akin.

Sana lamang ay hindi niya gawing panakip butas si Chanlech para malimutan ang nararamdaman niya sa akin.

•••

Pagkatapos ng eksenang 'yon ay pumasok na ako sa classroom namin.

Recess ngayon at hindi ako lumabas ng room dahil wala naman si Irish na lagi kong binibilhan sa oras na 'to.

Habang nakatulala sa labas ng classroom ay naalala kong 2 buwan na lang bago ang bakasyon.

Napaisip tuloy ako kung kailan ako ipapakilala ni Irish sa mga magulang niya. Tanging mga kaklase niya pa lang ang nakakaalam na kami na. At pati din mga kaklase ko.

Mika's POV

Nandito kami ngayon sa business meeting. Lagi akong sinasama ni Daddy tuwing may out-of-town meeting siya.

Gusto niya daw kaseng sundan ko siya sa pagka-businessman. Mabuti na lang ay may interes ako pagdating sa negosyo kaya nagkakasundo kami. At yun naman talaga ang balak ko paglaki. Ang sundan ang yapak ni Daddy.

Kalagitnaan pa lang ng meeting ay nagugutom na ako. Hindi nga pala ako nakapag-almusal sa kakamadali. Ayaw ni daddy ng pinaghi-hintay siya. Tinanghali kase ako ng gising kanina kaya pinagpaliban ko muna ang almusal ko.

Ininom ko na lang muna ang tubig na nasa harap ko ngayon. Habang umiinom ako ay napatingin sa akin si Daddy. Kaya agad-agad kong isinara ulit ang tubig na ininom ko.

*kruuuuuu

Tunog ng tiyan ko yan, wag kang ano.

"Are you hungry?" Bulong ni Daddy sa akin. Dalawang beses akong tumango.

"Malapit na 'tong matapos. Just wait." Ngumiti na lang ako kay Daddy. Ibinaling niya ulit ang pansin sa nagsasalita sa harapan dito sa conference room.

Nakinig na lang ako ulit.

Pagkatapos ng 10 minutes ay natapos na nga ang meeting.

Nagpa-salamat ang mga lalakeng nandito kay Daddy dahil sa pagi-invest niya sa company nila.

"This is my only daughter, Mika Irish Cruz." Nagbow naman ako sa kausap ni Daddy para magbigay galang.

"Walang duda kung kanino nagmana, David." Sabi ng kausap neto kay Daddy.

Pagkatapos ng ilang diskusyon ay napagpasyahan na ni Daddy na magpaalam.

Habang nasa elevator kaming dalawa ay biglang nagsalita si Daddy.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong niya sa akin.

"Dating gawi, Dad." Sabi ko na ikingangiti niya.

"You're 17 years old now, Mika. Pero Jollibee pa rin ang lagi nating kinakainan. Be matured enough." Sabi niya habang tumatawa.

"Dad hindi naman porket mahilig akong kumain sa Jollibee ay immature pa rin ako." Tumawa na lang siya pagkatapos ko sabihin 'yon.

Si Daddy ang nag-order. Hindi niya na ako tinanong kung anong gusto ko dahil alam naman na niya. Burger Stake na may chickenjoy with rice tsaka coke float na may extra rice HAHAHAHA.

Nang bumalik si Daddy at kasama na niya ang order namin ay nag-simula na agad ako kumain dahil sa gutom.

"Anak, wala pa bang nanliligaw sayo?" Tanong niya sa akin na ikinasamid ko.

"Wala pa, Dad." Pagsisinungaling ko kay Daddy.

Hindi ko alam kung bakit natatakot akong sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Nicolas. Mahal ko si Nicolas pero may nararamdaman ako sa katawan ko na wag muna siyang ipapakilala.

Ang mga gusto kase ni Daddy ay 'yong galing sa pamilya ng mga businessman. Kaya baka ayawan niya si Nicolas.

Hindi na ako nakakain ng maayos dahil sa pag-iisip 'non. Nag-aalanganin din akong mag-open up kay Daddy dahil baka maghinala na siya.

Sorry Nicolas hindi pa akong handa para ipakilala ka sa pamilya ko.

Author's Note:
I think aabot na lang 'to hanggang Chapter 30 HAHAHAHA. Just keep supporting guys. Salamat!(=^▽^=)

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon