Chapter 12

44 8 3
                                    

Nicolas' POV

"Babeeeeeeeeeee." Sigaw ni Irish ng makita niya akong hinihintay siya sa labas ng bahay nila.

"Sorry late na ako nakalabas. Late na kase akong naggising ehh." Sabi niya at bumusangot ang mukha.

"HAHAHAHAHA halata naman, babe." Sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin.

"Paano mo nalaman?" Naninindak niyang sabi sa akin.

"Whoa. Easy babe. HAHAHAHA hindi ka pa kase nagsu-suklay kaya nahalata kong nagmamadali ka." Sabi ko at napahawak naman siya sa buhok niya.

"Aish! Mamaya na ako magsu-suklay magugulo din naman dahil mabilis ka magpatakbo ng motor mo." Natawa na lang ako at binigay na ang helmet niya.

Sinuot niya 'yon at inalalayan ko siyang sumakay sa motor.

Syempre gentleman ako pagdating sa pinakama-mahal kong babae.

Mabilis kong pinaandar ang motor ko para humigpit ang yakap sa akin ni Irish. At hindi naman ako nagkamali HAHAHA.

Nang makarating kami sa parking lot ay ako ang unang bumaba sa motor. Hinubad niya muna ang helmet niya saka ko siya inalalayan pababa.

Inayos ko ang helmet naming dalawa para isabit sa manibela ng motor ko. Hindi naman 'to mawawala dahil may bantay ang parking lot ng school namin. At lagi akong pumaparada sa malapit sa guard house.

Nakita ko namang nagsusuklay siya habang inaayos ko ang helmet naming dalawa.

Pagkatapos kong mag-ayos ng helmet ay kinuha ko na ang bag ko at lumapit sa kanya. Tapos na siya magsuklay.

"Akin na yung bag mo." Sabi ko at ibinigay niya naman dahil sanay na siya na lagi akong nagbubuhat ng bag niya kapag kasama ko siya.

Papasok kami sa entrance ng gate ng school namin ng pinahinto ako ni Irish. Kaya tumabi muna kami dahil nakaharang kami sa nilalakaran papuntang entrance gate.

"Bakit?" Tanong ko.

"Yung I.D. ko nasa bag ko. Akin na muna kukuhanin ko." Binigay ko naman ang bag niya.

Habang hinahanap niya 'yon ay may nakaagaw ng pansin ko.

Si Chanlech na pumunta sa daan kung saan maraming tao.

"Mahal na mahal kita, Maegan!!!" Sigaw niya at nagulat ako. Bigla siyang tumakbo papunta kung saan.

Hinagilap naman ng mata ko kung nasaan si Maegan. Papasok na siya ng gate at natigilan. Nakita ko yung mukha niyang gulat na gulat. Nakatingin siya sa lugar kung saan nanggaling yung boses pero wala na don yung sumigaw.

Nang mapansin niyang nakatigil siya sa nilalakaran papuntang entrance ay naglakad na siya ulit. Dahil napahinto din yung mga estudyanteng nasa likuran niya.

"Sino yon?" Tanong ni Irish sa akin habang hinahanap niya din ang sumigaw.

"Ah? Hindi ko alam." Pagsisinungaling ko kaya tumango na lang siya. Kinuha ko yung bag niya at muling binitbit ito.

"Maraming nanliligaw sa pinsan kong 'yon." Sabi niya sa akin.

Si Maegan ang tinutukoy niya. Oo, pinsan niya si Maegan. Nasabi ko na 'yon dati.

Kaso hindi na pinansin muli ni Maegan si Irish simula ng sabihin ko kay Maegan na gusto ko si Irish.

Sinusubukan ni Irish lumapit kay Maegan pero umiiwas talaga si Maegan sa kanya. Wala namang kaalam-alam si Irish kung bakit siya iniiwasan ng pinsan niya.

"Paano mo nalamang marami siyang manliligaw?" Tanong ko habang naglalakad papuntang classroom nila.

"Sa mga kaklase ko may nagkakagusto sa kanya. Tsaka kapag pumupunta ako sa bahay nila dati. Pinapahiram niya ako ng cp niya at marami akong nababasa na gustong manligaw sa kanya." Sabi niya.

"Bakit hindi siya nagpaligaw?" Tanong ko kay Irish.

"Hindi ko alam don. Tsaka napapansin kong close na close na sila nung kaklase niya ngayon. Yung Guzman ba yon?" Tumango ako sa tanong niya.

"Diba best friends kayo dati? Hindi mo alam na maraming gustong manligaw sa kanya?" Tanong niya sa akin.

Hindi naman nagke-kwento si Maegan dati sa akin tungkol sa mga gustong manligaw sa kanya.

"Wala siyang nake-kwento sa akin eh." Sagot ko na lang at tumango naman siya.

Hindi naman siya nagtataka kung bakit ako nagtatanong tungkol kay Maegan na pinsan niya dahil alam niya talaga na best friend kami dati.

Pagdating sa classroom nila ay hinarap niya ako. Binigay ko sa kanya ang bag niya.

"Sige na. Pumasok ka na room niyo." Sabi niya sa akin.

"May nakakalimutan ka ehh!" Pagmamaktol ko na parang bata.

"Para kang bata! HAHAHAHAHA eto na nga." Yinakap niya ako.

Hindi naman 'yon nakita ng mga kaklase niya dahil maghihiyawan na naman ang mga 'yon pagnakita kaming naghug.

Nang mayakap niya ako ay pinapasok niya na ako sa room. Nagba-bye na din ako at humingi ng kiss. Pero ayaw niya HAHAHA.

Nire-respeto ko naman siya. Hindi naman porket boyfriend niya ako ay kailangan talagang halikan niya ako. Syempre kailangan kong maghintay kung kelan na pwede.

Habang naglalakad papuntang room namin ay nadaanan ko ang room nila Maegan.

Sumilip ako don at nakita kong may nakakabit na lobo sa upuan ni Maegan at may rosas sa desk na 'to.

Nakita ko si Maegan na takang-taka kung kanino galing ang mga nasa upuan niya.

Pero wala siyang nag-gawa. Umupo na lang siya sa upuan niya kahit hiyang-hiya na siya sa tukso ng mga kaklase niya.

Napatingin siya sa bintana at nakita niya ako kaya nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.

Ayaw kong makita niyang may pake pa rin ako sa kanya. As a friend lang syempre.

Sinisimulan na ata ni Chanlech ang panliligaw kay Maegan.

Pero bakit parang hindi naman alam ni Maegan kung saan galing yung mga nasa upuan niya?

Tss. Eh ano bang pake ko?

Pagkapasok sa room ay dere-deretso akong umupo sa upuan ko.

Maya-maya ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ko.

from Chanlech
Tol, pwede ba tayong mag-usap? Pagkatapos sana ng klase. Pupunta na lang ako sa bahay niyo. Pero sana walang makaalam na mag-uusap tayo, Salamat.

Napakunot ang noo ko dahil sa message galing kay Chanlech.

Ano naman kali ang pag-uusapan namin? Bakla ba siya?

Lol, hindi naman siguro.

Nacu-curious ako kung ano ang sasabihin niya. Tungkol ba 'to kay Maegan?

Re-replyan ko sana si Chanlech kung tungkol saan. Pero wala pala akong load. Bwiset!

Author's Note:
Araw-arawin ang update para makatapos ng story HAHAHAHA. Sipag ko ngayong taon mag-update (^○^)

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon