Chapter 8

30 8 4
                                    

Nicolas' POV

Isang linggo ang lumipas pero hindi pa rin pumapasok si Maegan.

Papasok pa lang ako sa school at hindi ko alam kung pumasok na siya o hindi pa.

Pagdating sa room ay ang una kong tiningnan ang upuan niya.

Wala pa siya.

Pagka-upo ko sa upuan ko ay biglang lumapit sa akin si Patrick.

"Tol alam mo na ba yung balita?" Tanong niya sa akin pinagtaka ko naman.

May issue na naman ba dito sa school?

"Hindi. Ano ba yun?" Tanong ko sa kanya bigla siyang ngumisi sa akin.

"Tsk tsk tsk kahapon pa daw pumasok si Maegan." Sabi niya sa akin. Nagulat ako.

"Pumasok? Eh wala naman siya dito kahapon." Sabi ko sa kanya.

"Yun na nga ang sasabihin ko sayo. Nagpalipat na siya ng section. Nagsisimula na siguro 'yong mag-move on." Sabi niya. Hindi ako nakapagsalita.

"Sige na tol nandyan na teacher natin." Tinapik niya ulit ako sa balikat at umupo na sa tamang upuan niya.

Si Maegan na ang umiiwas sa akin.

•••

Dumating ang lunch time at wala pa rin ako sa wisyo ko. Hindi ko din nadalhan ng pagkain si Irish nung recess niya dahil wala ako sa mood para bumili sa canteen.

Nanghihinayang pa rin ako sa pagka-kaibigan naming dalawa kahit sobrang tagal na simula nung umamin siya sa akin.

Ang bilis ng pangyayari. Parang dati masaya kami sa presensya ng isa't isa.

Pero ngayon tuluyan na siyang umayaw sa presensya ko.

Nagpaalam naman ako kay Irish na hindi ko siya mada-dalhan ng pagkain dahil masama ang pakiramdam ko. Tinawagan niya pa ako para lang tanungin kung may sakit ba ako. Ang sabi ko ay wala.

Ngayon ay naglalakad na ako papunta sa room nila. Baka magtaka na siya kapag hindi pa ako sumabay mag-lunch sa kanya.

Pagdating sa room nila ay wala ng teacher. Nakaabang siya sa pintuan ng room nila.

Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin. Kinapa niya agad ang leeg ko.

"Wala ka namang lagnat." Sabi niya sa akin. Kitang kita ko yung pag-aalala niya sa mga mata niya.

"Wala lang ako sa mood ngayong araw. Tara na kain na tayo." Tumango naman siya.

Kinawit niya ang kamay niya sa braso ko at hinayaan ko lang 'yon.

Sa canteen na lang kami kumain dahil ayaw na niyang lumabas pa ng school. Marami pa daw siyang gagawin na projects.

Habang kumakain kami ay binasag niya ang katahimikan.

"Hindi ako sanay na tahimik ka. May problema ba?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Wala naman. Ganto lang talaga ako kapag wala ako sa mood." Tumango-tango na lang siya.

Nauna akong natapos kumain. Hinintay ko pa siya bago matapos. Nang natapos siya ay sabi niya babalik na daw siya sa room nila. Sabi ko ay ihahatid ko na siya.

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon