Chapter 3

61 10 2
                                    

Maegan's POV

Nandito ko sa kotse ni Chanlech ngayon. Nung nakita ko sila kanina ay bigla na lang tumulo yung luha ko. Pinunasan ko ito bigla.

Parang dati ako yung angkas-angkas niya sa motor niya. Ipapahiram niya pa sa akin yung helmet niya at siya yung wala. Kase gusto niya daw na mas safe ako.

Ang sakit lang. Kase parang nung nalaman niya yung feelings ko biglang nawala na lang siya. Biglang hindi na ako nage-exist sa mundo niya.

Pero alam ko namang ayaw niya ako masaktan. Na hindi niya ako gusto. Pero bakit biglang hindi na lang nagparamdam?

"Ayos ka lang?" Binasag ni Chanlech yung katahimikan sa loob ng kotse niya. Hindi pa rin pala kami umaandar.

"Ayos lang." Pinaandar niya yung kotse at pinaharurot niya ito. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hindi ito yung daan pauwi sa bahay namin.

Hanggang sa huminto kami sa parang bangin.

Bumaba siya at pumunta binuksan yung pintuan ko.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya.

"Tumingin ka sa taas." Sinunod ko naman yung sinabi niya.

Namangha ako sa nakita ko. Dahil maraming bituin ang kumikislap sa langit.

"Tahimik dito. Isigaw mo lahat ng sakit na nararamdaman mo. Mawawala lahat ng yan." Sabi niya sa akin. Napatitig ako sa kanya.

Eto yung taong nakikita ko lang yung side na kakulitan niya. Hindi ko alam na ganto siya ka-concern sa akin. Yung kahit nasasaktan na ako. Yung kahit nagstay ako sa nararamdaman ko kay Nicolas. Nagstay pa rin siya sa side ko.

"Bakit Chanlech?" Nakatingin siya sa langit. Nakaupo na kami ngayon sa damuhan dito malapit sa bangon. Bigla siyang napalingon sa akin nung tinanong niya ako.

"Anong bakit?" Tanong niya sa akin.

"Bakit nandito ka pa rin kahit alam mong may mahal akong iba?" Tanong ko sa kanya.

Ilang beses niya na din sinabi sa akin na gusto niya ako. Pero lagi akong nagso-sorry sa kanya. Alam niyang may gusto akong iba. Pero eto pa rin siya.

"Kase alam kong kailangan mo ng masasandalan. Kase alam kong nasasaktan ka. Kase gusto kong magstay." Sabi niya at ngumiti siya sa akin.

"Sumigaw ka na. Makikinig yung mga bituin sayo." Sabi niya sa akin.

Hindi ko na kayang pigilan pa yung mga luha ko. Yung kinikimkim kong sakit na akala ko unti-unti ko ng nakakalimutan bigla na lang lumabas ngayon.

"Ako naman yung nandito! Bakit iba pa rin yung pinili mooooooo!" Napatayo na ako para isigaw lahat. Hindi matigil yung mga luha ko.

"Bwiset ka Nicolas! Ang tagal tagal kong nagstay sa tabi mo tapos bigla ka na lang hindi nagpaparamdam!" Napahawak ako sa puso ko na kumikirot na.

Napaluhod na lang ako sa damuhan. Pinupusan ko yung luha ko pero nananatiling basa yung mukha ko.

Malayo na yung pagitan namin ni Chanlech. Hinayaan niya akong sumigaw-sigaw. Hanggang sa hindi ko na talaga kaya. Umiyak na lang ako ng umiyak.

Lumapit siya sa akin. Lumuhod siya sa harap ko. Naglabas siya ng panyo sa bulsa niya at kusang pinunasan yung mga luha patuloy pa rin umaagos sa mukha ko.

Sa di malamang dahilan ay bigla na lamang akong napayakap sa kanya. Nagulat siya at kalaunan ay yumakap din siya pabalik sa akin. Hinimas himas niya yung likod ko para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko.

"Sabi ko naman kase sayo kapag alam mong nasasaktan ka na tama na. Nandito naman ako oh." Hinalikan niya yung ulo ko habang kino-comfort pa rin ako.

Binaon ko yung mukha ko sa dibdib niya at umiyak ng umiyak.

Hindi ko alam pero alam kong ligtas ako sa loob ng bisig niya.

Hanggang sa napagod na ako kakaiyak. Halos isang oras din kaming magkayakap sa ilalim nitong libong mga bituin.

"Basang basa yung damit ko ah. Pati sipon mo ata pinahid mo dito." Sabi niya sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Chanlech pwede ka bang mangako sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Ano bang klaseng pangako?" Mabilis niyang sagot sa akin. Inaalalayan niya akong tumayo at pabalik na kami kung saan nakaparada yung kotse niya.

"Na kahit anong mangyari at kahit nasasaktan ka na. Nandyan ka pa rin sa tabi ko." Sabi ko. Nakatitig pa rin siya sa akin at napahinto siya sa paglalakad.

"Alam kong napaka-selfish ko sa pangako na yon. Pero gusto kong mangako ka. Kase alam ko sa sarili ko na kaya kitang magustuhan." Pagpapatuloy ko pa at nanlalaki yung mata niya habang nakatitig pa rin sa akin.

Bigla na lang niya pinutol yung distansyang namamagitan sa amin at niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan niya muli ako sa ibabaw ng aking buhok.

"Pangako. Kahit hindi ako mangako sayo gagawin ko pa rin yon. Nandito pa nga rin ako diba? Kahit mahal mo pa rin siya. Nagstay pa rin ako sa tabi mo." Niyakap ko siya pabalik.

Salamat Chanlech. Salamat.

Author's Note:
So ayon! Naisingit ko lang POV ni Maegan! Hahahaha. Short UD for today. Try ko ulit tomorrow hahahaha! Goodnight Sweetdreams!

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon