Chapter 11

35 7 0
                                    

Nicolas' POV

Lumipas ang halos isang buwan pagkatapos ng pag-uusap namin sa hallway ni Maegan.

Tama naman talaga siya eh. Bakit ko pa ba siya kakausapin? Mas gusto ko ngang kalimutan niya na yung nararamdaman niya para sa akin.

Hindi ko alam pero may tumutulak sa aking kausapin ko siya. Hindi ko alam na gumalaw na lang yung paa ko para sundan siya sa labas.

Ngayon ay kausap ko yung mga kaklase ni Irish. Absent siya ngayon dahil may pupuntahan daw sila ng daddy niya sa probinsya nila.

"Oh? Dali sabihin mo na kase yung plano!" Sabi sa akin ni Lee Anne na kaklase ni Irish. Isa sa mga kaibigan niya sa section nila.

"Yun nga ehh. Wala pa akong plano." Sabi ko at natawa naman sila sa akin.

"Alam mo mahilig sa pink si Irish. Yung kwarto niya ay pure pink. Pati banyo." Sabi ni Zaira na kaibigan din ni Irish.

Napatango-tango naman ako at inilista yon sa notebook na dala-dala ko.

"Tol! Halatang seryoso ka ayy!" Sigaw ng kaklase niya na kakapasok pa lang sa room nila. Si Shawn.

"Seryoso naman talaga ako siraulo!" Sabi ko pa. At nagbaling ulit ng tingin sa mga kaibigan ni Irish.

"She likes pigs." Sabi ni Reyna na isa pang kaibigan ni Irish.

"Yun lang ang alam namin tungkol sa kanya eh. Hindi naman siya pala-kwento sa mga hilig niya." Sabi ni Lee Anne. Napatango-tango naman ako.

"Ayos na 'to. Marami naman na akong nalaman. Sige alis na ako! Sabihin ko na lang sa inyo kapag may plano na ako. Wag niyo sasabihin kay Irish ah!" Sigaw ko bago tuluyang umalis sa room nila.

Binasa ko ulit ang nasa listahan ko.

mahilig siya sa pink
mahilig siya sa baboy

Yun lamang ang nakalista pero naka-isip na ako kung ano ang gagawin ko para tanungin siya kung pwede ko ba siyang maging girlfriend.

•••

Isang linggo akong naghanda para sa surpresa para sa kanya.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Nakapolo na pink ako at boat tie na black. Nilagyan ko ng wax ang buhok ko para umangat at gumanda ang pagkaka-ayos neto.

Bumaba na ako mula sa kwarto ko at nakita ko si Manang na naglilinis ng salas.

"Gwapo natin ngayon ah?" Bungad niya sa akin at ngiting-ngiti habang pinagma-masdan ang suot ko.

Dala ko din ang rosas na kulay pink.

Nagtataka siguro kayo kung saan ako nakakuha ng pera para sa surpresa na 'to 'no?

Simula ng tinanong ko siya kung pwede ba siyang ligawan ay nag-ipon ako ng pera na binibigay nila tita at tito.

Hindi din nagpapalibre sa akin si Irish dahil ayaw niya na gastusan ko siya lagi.

Kaya ayon nagkaroon ako ng sapat na pera para isurpresa siya.

"Syempre, Manang. Magkakaroon na ata ako ng nobya." Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko para ipagyabang kay Manang 'yon.

Natawa naman si Manang.

"Oh sige na. Umalis ka na at baka mahuli ka sa surpresa mo para sa kanya." Nagpaalam na din ako kay Manang ng sinabi niya 'yon sa akin.

Lumabas ako ng bahay ko at tiningnan ang motor na pink na nirentahan ko.

May nakataling pink na lobo sa likod neto.

Nakakabading 'tong gagawin ko. Pero para naman sa kanya kaya kakayanin ko.

P

inaandar ko ng medyo mabagal ang motor na nirentahan ko ngayon. Dahil baka matangay ng hangin ang mga lobo na nakatali sa likod nito.

Pinagti-tinginan ako ng mga taong nagla-lakad sa kalye. Pucha! Nakakahiya 'to shet!

Pagdating harap ng school ay biglang may sumigaw na grupo ng mga babae.

Basketball player kaya imposibleng walang nagkakagusto sa akin.

Nandun na din ang mga kaibigan ni Irish.

"Ayos na ba lahat?" Tanong ko sa kanila.

"Oo, ayos na. Nandito na din lahat ng kaklase mo at kaklase namin. Tag-iisang kaming lobo." Sabi ni Zaira sa akin.

"Hindi ko pa nakakabit yung mga letter sa mga lobo!" Sabi ko. Guguluhin ko sana ang buhok ko pero pinigilan ako ni Lee Anne.

"Ang ganda ng ayos ng buhok mo tapos guguluhin mo? Bano ka ba?" Kaya nababa ko agad ang kamay ko na guguluhin sana ang buhok ko.

Nakaka-stress 'tong surprisw surprise.

Sila Zaira na ang nag-asikaso ng mga letter para ikabit sa lobo. Napuncher ko na 'yon at itatali na lang sa lobo ang nga 'yon.

"Okay guys! Pwesto na kung saan pe-pwesto!" Sabi ni Zaira kaya sumay na ulit ako sa motor ko.

Ang plano kase namin ay pagdumating na si Irish. Papatugtugin nila ang paborito niyang kanta para mabalingan niya ng pansin ang mga taong may hawak ng lobo na nakahugis puso.

Kapag nabasa niya na ang mga letter at nakuha ang mga lobo ay saka ako papasok sa eksena habang nakasuot ng pink na polo at nakasakay sa motor na pink.

Sila Zaira ang nakaisip neto. Nung una ay hindi ako pumayag pero kalaunan ang nakumbinsi nila ako.

Habang nagtatago dito sa gilid ng school ay narinig ko ng tumugtug ang kantang paborito niya.

Sumilip ako at nakakahalati niya ng nababasa ang mga letter na nasa lobo.

Hanggang sa dalawa na lang ang natira ay pinaandar ko na ang motor ko.

Nung naubos na 'to ay pumunta na ako kung saan siya nakatayo.

Dala ko ang rosas na pink at ang malaking stuffed toy na baboy para sa kanya.

Nagulat siya at napahawak sa bibig niya.

Bumaba ako sa motor ko at dinala ang stuffed toy at ang mga bulaklak para sa kanya.

Kinuha na muna nila Zaira ang mga lobo na hawak niya.

Nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya.

"Shhh don't cry. Sinurprise kita para matuwa ka tapos iiyak ka." Sabi ko at natawa naman siya. Pabiro niyang hinampas ang braso ko.

Kinuha ni Lee Anne ang hawak kong stuffed toy para maibigay ko kay Irish ang bulaklak.

"Mika Irish Cruz, Can you be my girl?" Tanong ko at nagsigawan ng yes ang mga taong nasa paligid at nanonood.

May mga bitter din na umaaligid at nagsasabing walang forever.

"Yes, Nicolas." Dahil sa sagot niyang 'yon ay iba ang naramdaman ko sa puso ko kaya niyakap ko siya. Yumakap din siya pabalik.

Habang yakap ko si Irish ay nakita ko si Maegan na papaalis habang pinupunasan ang mga mata.

Author's Note:
Sinisipag talaga ako mag-update araw-araw HAHAHAHA. Enjoy reading!

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon