Chapter 18

37 9 4
                                    

Nicolas' POV

Nakatayo pa rin kami dito sa loob ng bahay nila Maegan. Nakatingin sa isa't isa.

Hindi ko muna sinagot ang tanong ni Maegan kung bakit ako nandito.

Biglang lumapit sa akin si Chanlech. Nakakunot ang noo niya at nagsisimula ng mainis. Dinaklot niya yung kwelyo ng uniform ko.

"Ano bang ginagawa mo dito? Hindi mo ba talaga titigilan si Maegan ha!? Pagkatapos saktan ng sobra si Maegan kukulitin mo siya ngayon!? Gago!" Sinapak niya ako sa mismong harap ni Maegan. Natumba ako sa sobrang lakas ng suntok sa akin ni Chanlech. Hindi ko magawang sumuntok pabalik sa kanya dahil nandito si Maegan. Nangako ako nung mga bati kami na hindi ako makikipag-away sa harap niya.

Biglang tumakbo si Maegan. Akala ko ay tutulungan niya akong tumayo. Pero pumunta siya kung saan nakatayo si Chanlech saka siya humarap sa akin. Pinigilan niya si Chanlech nung akmang susuntukin niya ako ulit.

Hinawakan ko yung gilid ng labi ko at nakita kong nagkaroon ng cut 'yon at nagdugo.

"Ano bang dapat nating pag-usapan ha, Nicolas? Hindi ka ba napapagod manakit? Pwes ako pagod na pagod na akong masaktan kaya please lang wag ka na babalik sa buhay ko, masaya na ako!" Sigaw niya sa akin. Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko.

"Kahit isang oras lang. Kung ayaw mo ay kahit limang minuto lang o kali sampo. Pangako, huling-huli na 'to." Sabi ko sa kanya. Deretso akong tumingin sa mga mata niya na nangingilid na ang mga luha.

"Sige, pagbibigyan kita. Isang oras lang. Mauna ka na sa labas." Sabi niya sa akin kaya tumango naman ako. Nakita kong hinarap niya si Chanlech bago ako lumabas ng bahay nila.

Sumandal ako sa motor ko na nakaparada sa labas ng gate nila.

Narinig ko namang tumunog ang screen door sa bahay nila kaya umayos ako ng tayo.

Nakita ko si Chanlech na nakakunot ang noo at umiiling. Humahabol si Maegan sa kanya pero mabilis ang paglakad ni Chanlech.

Dumeretso siya sa kotse na nakaparada din sa harap ng bahay nila Maegan. Agad niyang pinaandar 'yon at humarurot paalis.

Bagsak ang balikat ni Maegan ng hindi niya nahabol si Chanlech. Nakatingin pa rin siya kung saan dumaan ang kotse ni Maegan.

Nakita kong bumuntong hininga siya bago niya ako hinarap.

Mas lalo kong nakita ang nangingilid niyang luha.

"Pwede bang magbihis muna ako bago tayo umalis?" Tanong niya na halos mabulol dahil halatang naiiyak na siya. Tumango naman ako at pumasok na siya sa bahay nila.

Dito na lang ako naghintay sa labas. Hindi niya naman ako pinapasok kaya dito na lang ako.

Limang-minuto lang ako naghintay at lumabas na siya.

Nakasimpleng high-waist short siya at bitin na tshirt na maroon. Hindi ko alam tawag eh. Di naman ako babae.

"Saan ba tayo mag-uusap?" Mahinahong tanong niya sa akin. Namumula pa ang ilong niya na halatang pinipigilan ang sarili para umiyak.

Gusto ko siyang yakapin tulad ng ginagawa ko dati kapag nasasaktan siya o umiiyak siya. Pero hindi ko magawa ngayon dahil hindi na best friend ang turing niya sa akin.

"Sa Park malapit sa dagat." Sabi ko. Tumango na lang siya.

Isang helmet lang dala ko ngayon kaya binigay ko na sa kanya 'yon. Kinuha niya din naman agad.

Inalok ko ang kamay ko para tulungan siyang sumakay sa motor pero hindi niya 'yon tinanggap. Nakasakay naman siya agad kaya binawi ko na ang kamay ko na naiwan sa ere.

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon