Chapter 9

35 7 0
                                    

Nicolas' POV

Habang lumilipas ang araw ay nasasanay na akong si Maegan ang umiiwas sa presensya ko.

Ibinabaling ko na lang yung pansin ko kay Irish.

Isang buwan ko na din siyang nililigawan pero wala pa din siyang sagot.

Ayoko naman magtanong dahil baka sabihin niya ay nagmamadali ako.

Kaya ko namang maghintay kahit matagal pa. Pero syempre mas maganda sana kung mapaaga yung pagsagot niya sa akin.

Nandito kami ngayon sa math park ng school. Parehas naming vacant at niyaya niya ako dito. Magpapaturo daw sana siya sa math.

"Bakit ganoooonnnnn!?" Sigaw niya at ginulo yung buhok niya.

Natawa naman ako dahil nai-stress na siya sa subject na 'to.

Hindi ko ugaling magturo ng math. Dahil ako talaga ang nagpapaturo sa subject na math. Wag niyo na tanungin kung kanino. Iniiwasan na nga ako ehh.

"HAHAHAHAHA bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Sige tumawa ka pa." Bumusangot yung mukha niya habang nakatingin sa akin. Mas lalo akong natawa sa mukha niya.

"Okay sorry HAHAHA. Ano bang problema mo?" Kinagat ko yung labi ko para pigilan yung tawa ko.

Nakatitig lang siya sa akin. At matagal bago sumagot. Bumaba yung tingin niya sa labi ko at kinabahan naman ako pero sumagot na siya.

"Kanina ka pa kase paliwanag ng paliwanag. Nakikinig naman ako pero hindi ko pa rin maintindihan. May galit talaga yung math sa akin.

Nakatitig habang nakangiti pa rin ako sa kanya habang sino-solve pa rin ang equation na binigay ko sa kanya kanina.

"Ang cute mo." Bigla na lang lumabas sa labi ko ang mga salitang 'yon.

Napalingon siya sa akin at tinaas ang isang kilay.

"Huh?" Tanong niya.

Lumapit ako sa tenga niya na ikinatuwid ng likuran niya.

"Ang cute mo." Sabi ko.

Lumayo na ako sa kanya at tiningnan ang mukha niya.

Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa malayo. Bigla siyang namula HAHAHAHAHA.

"Akin na nga ituturo ko ulit sayo." Sabi ko at kinuha ang notebook na pinagso-solve-an niya kanina. Pero nakatulala pa rin siya.

Iiling-iling na lang ako habang sinasagutan yung equation na binigay ko sa kanya kanina.

•••

Pagkatapos ng nangyari sa Math Park ay nakuha din niya kung paano masagutan yung lesson nila sa math.

Tumalon pa siya ng naintindihan niya na ang lesson nila sa math ngayon.

Nagpahatid din siya sa room pagkatapos non. Dahil 5 minutes na lang bago ang susunod na subject namin.

At ngayon naman ay kararating lang ng math teacher namin.

"Goodmorning ma'am." Tamad naming bati rito.

Nahuli akong nakaupo dahil nag-inat pa ako ng katawan ko. Kaya napunta ang pansin sa akin ni ma'am.

"Nicolas, nobya mo ba iyong Irish sa kabilang section?" Naghiyawan ang mga kaklase ko dahil sa tanong ni ma'am. Bigla akong napahawak sa batok ko at yumuko dahil sa hiya.

"Hindi pa po ma'am." Tipid kong sagot sa tanong ni ma'am.

Close ng teacher namin sa math si Maegan. Kaya nagiging kaclose ko din si ma'am dati.

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon