Chapter 10

32 7 1
                                    

Nicolas' POV

Nagi-improve na si Maegan ngayon. Kung dati ay lagi niyang napapansin ang presensya ko.

Ngayon ay parang hangin ako sa silid na 'to.

"Since all of the grade 9 student ay trigonometric ratio na ang pinag-aaralan. Ngayon ay sisimulan ko sa inyo ang mga mae-encounter niyo sa lesson na 'to." Dere-deretso niyang sabi. Nakatingin lang ako sa kanya pero hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya dahil nago-overthink ako habang nakaupo dito sa upuan ko.

Ang totoo nyan ang upuan ko ay nakapwesto lang dito sa harapan at kung titingin siya sa mga estudyante ay ako agad ang mahahagip ng mata niya.

Pero ngayon ay hindi niya ako binabalingan ng tingin.

Ikinabit niya ang manila paper kung nasaan ang mga lessons na aaralin namin ngayon at ituturo niya lahat ng 'yon.

"In a right triangle, we can define six trigonometric ratios." Nagsimula siyang magdrawing ng triangle at nilagyan ito ng mga letters.

Ipinaliwanag niya ang tatlong magiging parte ng triangle na 'yon.

Ang hypotenuse,adjacent and opposite side neto.

Maayos ang pagpapaliwanag niya kaya naman naintindihan agad 'yon ng mga kaklase ko.

Pero ako ay nakatulala pa rin sa harap at walang naiintindihan sa mga nangyayari sa classroom na 'to.

"Sine is equals to opposite over hypotenuse
Cosine is equals to adjacent over hypotenuse
Tangent is equals to opposite over adjancent." Paliwanag niya pa at itinuturo ang nakasulat sa manila paper.

"Sinabi ni ma'am na sunod-sunod daw ang nagre-recite sa inyo. Kaya naman sino na ba ang susunod na magre-recite?" Tanong niya.

"Si Nico na."

"Mr. Veneracion."

Biglang may bumato sa akin ng papel sa likod.

Napalingon ako dito.

"Tawag ka!" Sigaw ni Patrick sa akin. Napalingon naman ako kay Maegan na nakatingin na sa akin ngayon.

Kaya bigla na lang akong napatayo. Dahil don nahulog yung mga gamit na nasa armchair ko.

Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil nahalata nila ang pagkataranta ko. Hindi ko muna 'yon pinulot dahil nakakahiya naman kung mas unahin ko pa yung mga gamit ko kesa dito na nasa harapan ko.

"Mr. Nicolas can you recite all the equivalent of sine,cosine and tangent?" Tanong niya sa akin.

Napakapormal na sabi niya. Hindi ko alam kung paano niya ako nakakausap ng ganito pagkatapos ng nangyari.

"Mr. Nicolas?" Tanong niya at dun ko lang natandaan na tinatanong niya pala ako.

"Oh! Sorry, can you repeat the question?" Tanong ko. Napabuntong hininga naman siya at inulit ang tanong.

"Can you recite the equivalent of sine,cosine and tangent." Ulit niya pa.

"I don't know." Tanging nasagot ko. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Eh anong isasagot ko? Di ko naman talaga alam.

"Mawalang galang lang Mr. Nicolas. Pero tanging ikaw lang ang hindi nakaintindi ng nai-discuss dito minuto lang ang nakakalipas." Sabi niya at napatingin ako kay ma'am na nasa likod. Nakasimangot din siya sa akin na parang disappointed dahil hindi ako nakasagot ngayon.

Eto ang unang beses na hindi ako nakasagot sa tanong sa subject na math netong grade 9 kami. Dahil mataas talaga ang grado ko dito. Lalo na ng umalis si Maegan sa section namin ay ako ang pumalit sa kanya bilang math wizzard dito sa section namin.

"Saan ba napupunta ang isip mo? Sa nililigawan mo? Hindi naman mawawala yun sayo." Sabi niya pa habang deretsong nakatingin sa mga mata ko.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Whoa." Pumito ang mga kaklase ko dahil don.

"Okay. Sino ang next kay Mr. Nicolas? Umupo ka na Mr. Nicolas." Sabi niya. Napaupo naman ako.

Nakamove-on na siya kase hindi niya naman masasabi 'yon habang deretsong nakatingin sa mata ko kung may nararamdaman pa siya sa akin.

Parehas na tanong ang tinanong sa katabi ko. At nasagot niya naman yon.

Nagpatuloy na sa pagpapaliwanag si Maegan. Nakinig na akong mabuti dahil baka mapahiya na naman ako at hindi makasagot sa tanong niya.

Bakit ba kase lumilipad yung utak ko!? Bwiset!

Nagpa-activity din siya ng natapos siyang magdiscuss tungkol sa lesson namin ngayon.

At nakaperfect naman kaming lahat.

"So that's all for today thank you." Nagpalakpakan ang mga kaklase ko at naghiyawan ang mga lalake.

Pumapalakpak din si ma'am habang papunta sa harapan.

"Very good, Maegan. Pwede ka ng maging teacher." Tuwang-tuwa ang itsura ni ma'am dahil sa naging bunga ng pagtuturo ni Maegan ngayong araw. Lahat kami nakaperfect.

"Kung tutuusin nga ay nahigitan mo pa ako
You're just a grade 9 student pero nang magturo ka ngayon ay naging perfect ang score nilang lahat sa activity." Medyo namamaos na ang boses ni ma'am.

"Hahahaha ang totoo po ay ayokong maging teacher. Dahil napakahirap pong magturo. Lalo na't may mga estudyanteng hindi nakikinig." Bigla siyang napatingin sa akin na ikinagulat ko.

"Lagi ka ng magturo dito Maegan! Para matatas lagi score namin!" Sigaw ni Patrick at nagtawanan naman silang lahat pwera sa akin. Si ma'am din ay natawa.

"Bakit Patrick? Ayaw mo bang ako yung nagtuturo dahil puro bagsak ang mga score niyo?" Biro pa ni ma'am. Napakamot na lang sa ulo si Patrick.

"Okay class. Goodbye." Paalam ni ma'am sa amin at sinama na si Maegan palabas ng room.

Sumunod ako palabas. Narinig ko pang tinawag ako ni Patrick. Pero hindi na ako lumingon ulit.

"Maegan!" Sigaw ko. At nag-echo ang boses ko sa buong hallway.

Napahinto siya sa paglakad pero hindi siya lumingon agad.

"Bakit?" Tanong nita habang nakatalikod pa rin sa akin.

Kaya naman lumakad ako papunta sa harap niya.

Hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko sa kanya. Pero bigla siyang napangisi dahil sa tanong kong 'yon.

"Nag-uusap na tayo Nicolas." Sabi niya. Hindi ako sanay na pormal ang pakikipag-usap niya sa akin.

"Yung seryosohang pag-uusap sana." Sabi ko.

"Nicolas, nangako ako sa sarili ko na. Nung gabing nag-usap tayo ay ang huling pag-uusap natin na may nararamdaman ako sayo. Kaya wala na tayong dapat pag-usapan Nicolas. Dahil limot ko na yung lahat ng nararamdaman ko sayo. Isa ka na lang kakilala ngayon sa buhay ko." Yun ang huli niyang sinabi bago ako tinalikuran at nagpatuloy siya sa paglakad.

Author's Note:
Done chapter 10!!\(^o^)/

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon