Epilogue

70 6 1
                                    

Nicolas' POV

Gabi na at umuwi na ang lahat. Ako at si Manang na lang ang natira dito sa bahay.

Nandito ako sa kwarto ko at nakatingin lang sa kisame.

12:35 am na pero hindi pa rin ako makatulog dahil sa sinabi ni Irish kanina.

Ikakasal na siya sa susunod na araw. Bakit ba kase huli ko na na-realize na mahal ko pala siya!? Tangina!

Ang bobo bobo mo Nicolas!

Dahil wala akong maggawa ay napatingin ako sa mga regalo na nasa gilid ng kwarto ko.

Lumapit ako doon at dinala sa kama ko.

Binuksan ko lahat at mga damit ang nakalagay doon. May headphone din at isang cellphone.

Lahat ay nilagay ko lang sa ibabaw ng study table ko. Tanging cellphone lang ang pinansin ko.

Binuksan ko ang cellphone. Tiningnan ko kung may wifi pa rin dito sa bahay. At meron pa nga.

Agad akong nag-download ng facebook at messenger.

Nang mai-download ko 'yon ay agad akong naglog-in. Mabuti na lang at tanda ko pa ang e-mail at password ko.

In-stalk ko agad ang profile ni Maegan. Nakita ko ang display photo niya ay kasama niya si Chanlech.

Scroll ako ng scroll at puro kasama niya si Chanlech ang mga upload niyang picture.

May mga sweet shared posts siya at lahat 'yon ay naka-tag kay Chanlech.

Sila na talaga.

Wala na akong pag-asa.

•••

Lumipas ang isang araw at ngayon na ang araw na sinabi ni Irish na ikakasal si Maegan.

Konti lang ang tulog ko sa lumipas na dalawang gabi.

Nag-kulong ako sa kwarto ko kagabi habang nagi-scroll pa rin sa timeline ni Maegan.

Masakit sa akin. Gusto kong umiyak pero walang luha na lumalabas sa mga mata ko.

Pero kahit saang sitwasyon man ako tumingin. Alam kong wala na talaga akong pag-asa sa kanya.

Nanghihinayang ako sa mga oras na dapat ay hindi ko siya nilayuan. Na dapat matagal ko ng na-realize na may nararamdaman talaga ako sa kanya at hindi lang isang best friend.

Fuck! Ngayon ko lang nalaman na ang lakas ng loob kong ibestfriendzone siya samantalang may gusto naman talaga ako sa kanya.

Gusto kong kausapin siya bago ang kasal. Para sana marinig kung may pag-asa ba ako kung sakaling umamin ako sa kanya bago ang kasal. Hindi ko tinuloy dahil alam na alam ko na ang sagot.

Sa ilang taon kong nasa kulungan. Alam kong naging mas masaya siya sa presensya ni Chanlech.

Alam kong namuo na ang pagmamahal niya kay Chanlech.

Kinuha ko ang cellphone ko at inopen ang messenger. Nakita kong online si Irish kaya agad akong tumawag sa kanya.

Nakabalik na siya sa California kahapon. Sumama pa ako sa pag-hatid sa kanya sa airport.

Sinagot niya naman agad 'yon.

"Anong problema?" Tanong niya.

"Alam mo ba kung saan simbahan sila ikakasal?" Walang alinlangang tanong ko.

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon