Chapter 23

39 6 13
                                    

Nicolas' POV

Pinapasok ako ng katulong nila sa loob. Hindi niya lang daw ang alam ko. Pero nakwento daw ni Irish na ang boyfriend niya Nicolas ang pangalan kaya nag-tiwala sa akin ang katulong nila.

Sinabi din sa akin ng katulong kung saan ang kwarto ni Irish sa taas. Sinunod ko ang sinabi niya.

Malakas ang kabog ng puso ko habang umaakyat ng hagdanan. Parang nalalambot ako naiisip ko pa lang na mag-kasama sa iisang kwarto si Ram at si Irish.

Nag-away lang kami ay hinayaan niya ng may ibang lalaki na pumapasok sa kwarto niya. Kumuyom ang kamao ko at pinipigilan ang galit ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pagkabukas ko ay napamura ako sa sobrang gulat sa nakita ko. Biglang nag-init ang mata ko sa sobrang galit.

Nakita ko si Irish at Ram na mag-kayakap at magka-titigan.

Nang naramdaman nilang may nag-bukas ng pinto ay napatingin sila sa pwesto. Gulat na gulat sila at biglang binitawan ang isa't isa.

"Nicolas..." Usal ni Irish.

Sinugod ko si Ram at pinaulanan ng suntok. Nanggi-gigil ako sa pagmu-mukha neto. Napahiga si Ram pero hindi pa ako inawat at sinakyan ko siya habang patuloy pa rin sa pag-suntok sa mukha niyang demonyo.

"Gago ka! Alam mong may boyfriend yung tao nillandi mo pang hinayupak ka!" Patuloy pa rin ako sa pag-suntok.

Naririnig ko si Irish na pinapatigil ako at humahagulgol habang inaawat ako.

Napatayo ako. Kita ko yung mukha ni Ram na duguan na ang labi, may mga pasa sa pisngi at halos hindi na makadilat ang mata.

Lumapit sa akin si Irish at niyakap ako pero kinalas ko ang mga braso niyang yumayakap sa akin.

"Nag-away lang tayo tapos may kayakapan ka ng iba." Mariin kong sabi sa kanya. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Sorry. Sorry. Sorry." Puro sorry ang lumalabas sa bibig niya. Napailing na lang ako at napapikit.

"Mali ang iniisip mo Nicolas." Paliwanag niya habang humihikbi. Lumandas yung luhang kanina ko pa pinipigilan sa mukha ko pero agad ko 'yong pinunasan.

"Tapos na tayo mag-mula ngayon Irish. Hindi ko kailangan ng tanginang paliwanag mo. Minahal kita pero ginago mo ako. Dapat sayo hindi pinapatawad." Huling sabi ko at tumalikod na ako sa kanya at lumabas ng kwarto niya.

Dali-dali akong bumaba sa hagdan at padabog na lumabas ng bahay nila. Tangina! Pinagkatiwalaan ko siya! Bibigyan ko na sana siya ng pagkakataon na ayos lang kahit hindi niya muna ako ipakilala sa mga magulang niya.

Sasabihin ko sana na mag-hihintay ako hanggang sa maging handa siya para ipakilala ako dahil mahal ko siya.

Pero eto pala ang maaabutan ko.

Kahit mahal ko siya hindi ko mapapatawad yung nagawa niya sa akin ngayon.

Pinaharurot ko ang motor ko kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Nakita ko na lamang ang sarili ko na nandito sa park malapit sa tabing dagat. Napabuntong hininga ako at napapikit dahil sa sakit na naramdaman ko sa puso ko.

Umupo ako sa tinambayan namin ni Maegan dito at nag-simulang mag-mukmok at mag-isip isip.

Ayoko namang tawagan si Maegan para i-confort ako ngayon dahil siya din ay nasaktan sa inasta ni Chanlech kagabi.

At baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon nila kapag nakita kaming mag-kasama ngayon.

Mas mabuti pang mag-isa na lang ako tutal nasanay naman akong walang kasama sa buhay. Tanging si Manang, si Maegan at ang pamilya niya lang ang naging sandalan ko kapag may problema ako o gusto ko ng kasama. Pero ngayon ay ramdam ko na nag-iisa na lang talaga ako.

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon