Chapter 30

35 6 0
                                    

Nicolas' POV

Inaayos ko na lahat ng gamit ko dito. Nakatingin lahat ng nakasama ko dito sa loob lalo na si Hanz.

"'Tol 'wag kang mag-alala aasikasuhin ko ang kaso mo pag-labas ko." Sabi ko sa kanya at tumango-tango siya at pinalo ako sa balikat.

"Bantayan mo din yung kapatid ko habang hindi pa ako nakakalabas ah." Sabi niya sa akin at pumayag naman ako. Dahil parang naging totoong kapatid ko na din si Hanz.

Nag-paalam din ako sa mga nakakausap kong mga bantay. Tuwang-tuwa naman sila dahil makakalabas na daw ako. Naniwala sila na wala naman talaga akong kasalanan noong nag-kwento ako kung paano ako nakulong.

Nang makalabas ako sa gate ay sininghot ko agad ang sariwang hangin. Namiss ko 'to. Ang maging malaya.

Ilang taon din ako sa loob ng kulungan at ngayon ko lang napatunayan na wala talaga akong kasalanan.

Hindi mawala yung ngiti sa mga labi ko.

Matapos langhapin ang sariwang hangin ay tumingin ako ng deretso sa daan.

Nakita ko yung mga Tita at Tito ko. Nasa likod nila ang isang van.

Pero nagtaka ako kung bakit nila kasama si Irish sa pag-sundo sa akin ngayon. Lumapit ako sa kanila ng may ngiti pa rin sa mga labi ko.

"Malaya ka na ulit!" Tuwang-tuwa na sabi ni Tita Wendy sa akin. Natawa naman ako.

Napatingin ako kay Irish na nakatingin sa akin.

"Bakit ka nga pala sumama sa pag-sundo sa akin?" Tanong ko pero hindi sarkastiko ang pag-tatanong ko sa kanya. Nakangiti pa nga ako.

Nagulat siya dahil kinausap ko siya.

"Gusto sana kitang kausapin mamaya?" Sabi niya na parang hindi sigurado. Tumango na lang ako.

Napagdesisyunan nila Tita na mag-bonding muna kami at kumain sa mall. Pumayag naman ako agad. Dahil matagal ko ng hindi natitikman ang pagkain sa labas ng kulungan.

"Tita't Tito." Sabi ko sa kanila habang kumakain. Napalingon naman sila agad sa akin pati si Irish na tahimik lang na kumakain.

"Bakit, Nico?" Tanong ni Tito Bert.

"May gusto po sana akong tulungan. Kaibigan ko po siya sa loob ng kulungan. At tulad ko rin na nakulong siya kahit wala naman talaga siyang kasalanan." Sabi ko sa kanila at nanatili lang silang nakatitig sa akin.

"Sino naman siya?" Tanong ni Tita Yan.

"Pangalan niya po ay Hanz. May kapatid po siya at yung kapatid niya namo-mroblema sa tuition fee dahil ang gusto ni Hanz ay sa private school siya makapagtapos. Gustong-gusto na po ni Hanz na makalabas para matulungan niya na yung kapatid niya." Sabi ko at tumingin sa kanila. Napangiti sila dahil sa sinabi ko.

"Sige tutulungan nating makalabas 'yung kaibigan mo. At titingnan namin kung makakakuha kami ng scholarship para sa kapatid niya." Sabi ni Tita Wendy. Dahil doon ay napangiti ako. Laking pasalamat ko talaga dahil mababait talaga sila kahit sa ibang tao.

"Maraming salamat po, Tita." Sabi ko sa kanila.

Natuwa daw sila dahil kahit papaano ay gusto ko pa ring tumulong sa iba.

Nagpatuloy na sila sa pag-kain pero nanatiling tahimik lang si Irish.

Bigla siyang lumingon sa akin at nagkatitigan kami.

Agad kong iniwas ang tingin ko.


•••

Nandito kami ngayon sa bahay na tinitirahan ko dati. Lahat sila nagke-kwentuhan sa salas. Nandito pa rin si Manang dahil ayaw niya daw iwan yung bahay na 'to kase alam niyang babalik pa daw ako.

SORRY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon