NAGPAALAM na si Crissa sa kanila pagkatapos nitong masabi kung sino ang papakasalan. Kailangan pa daw kasi nito dumaan sa kanila para ipaalam sa pamilya ang nalalapit na kasal.
Nakatulala lang si Huffle habang si Catherine ang urong sulong na naglalakad sa harapan niya. Mas lalo yatang sumakit ang ulo sa narinig.
"Hindi mo dapat ako pinigilan kanina, Huffle!" Asik ni Catherine, "She has to know who's she marrying! Hindi lang basta kung sino! She's marrying your ex!"
Wala pa rin siya sa sarili. Lumilipad ang isip niya sa dalawa. Kung paano sila nagkakilala, saan at kailan.
"Huffle naririnig mo ba ako? She's marrying your ex!"
Walang ganang tumingin siya rito, "Narinig ko. Mula kanina pa." Sino ba ang mabibingi pag narinig ang pangalan ni Theo? Mistulang bulag nga nakakakita kapag nandiyan na ito.
"So? Wala kang gagawin?" Pumamewang pa, "Kailan lang kayo naghiwalay!"
"Matagal na rin naman, 7 years ago?" Madami ng pwede mangyari doon at kasama na ang pagpapakasal sa kaibigan niya, "Look, Cath... I know that you are upset, but she's happy... Hindi mo ba nakita kanina?"
"Paano ka naman?" Nagaalalang tanong nito, "I know how much you loved that man. I've seen his efforts with you as well--"
"Tama na, Cath" Mahinahon niyang sambit rito, "Hindi alam ni Crissa ang tungkol sa amin ni Theo, hindi ko naman ililihim sa kanya pero magandang huwag muna ngayon. I don't want her to have an impression na gusto ko pa rin si Theo at aagawin sa kanya kaya ko sasabihin"
Huminga nang malalim si Catherine, "Paano ka sa Indonesia? Sabi niya ay nandun ang fiancé niya na ex-fiancé mo! Nasa iisa kayong bansa simula bukas!"
"Shhh!" Napakaingay nitong isa, "Ako na ang bahala, kailangan din namin magusap ni Theo. Ayokong maging big deal ito sa amin. Tapos na ang nakaraan, we should move on from that past and let ourselves be happy..."
"That past isn't just past, Huffle" Nanigas siya sa sinabi ng kaibigan. Ito lamang ang nakakaalam ng nakaraan na iyon at si Theo, "Siguraduhin mo lang na matagal nang nakasarado ang pinto at walang bintanang magbubukas sa paguusap na iyan"
She bit her lip and sighed, "Bakit kasi napakaliit ng mundo?" Hindi naman niya iniiwasan si Theo pero bakit sa ganitong paraan pa sila magkikita ulit? "Sa dinami-dami ng babae, bakit si Crissa pa? Bakit yung kaibigan pa natin?"
Empathy crossed Catherine's eyes. Inakbayan siya nito at inalo, "Hindi ko alam, Huffle... but, you better be prepared... this is not that simple... para kang makikipaglaro sa apoy, huwag kang papasunog"
She didn't sleep that night. Kahit na ipikit ang mga mata ay parang hindi naman siya papatulugin kung nakikita niya sa isip ang nakaraan.
----
Year 2021
"TEN, nine--" Naghahalong hiyawan, "-eight, seven--" tawanan at ingay ng torotot ang umiikot sa buong restaurant, "Six, five, four, three, two" and in just a snap, "one!"
It's January 1, 2021!
"Happy New Year, My Hufflepuff!" Napalingon siya sa lalaking bumati mula sa kanyang likod, she shivered with his breath reached on her earlobes. Nakakakiliti ang hatid niyon.
She faced him and put her arms around his shoulders, "Happy New Year, Theo" she lovingly smiled and reached for his lips.
Pumulupot ang bisig nito sa bewang niya hanggang ang isang kamay ay umangat sa likod bilang suporta at ang isa nasa batok para laliman ang nasimulan.
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye
RomanceNot all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story.