SA bakuran lang ng bahay nila Catherine at Eli ginanap ang birthday ng anak nilang si Hailee.
She turned six years old kaya naman puno nang makukulay na lobo ang paligid. Nandoon din ang mga pinsan nito at nakikipaglaro na.
"Huffle!" kaway ni Cath, "You're late!" nakipagbeso pa ito sa kanya.
"I'm sorry, nakatulog ako ulit. Si Eliz umaga pa lang ay handa na" pagamin naman niya dahil buong magdamag siyang gising dahil sa inaayos na proposal para sa Emery's, "Anyway, better late than never! Nasaan si Eli?"
"Over his friends. Mga nakasama nito sa charity organization before" turo nito sa di kalayuan, "Halika na, kumain ka muna" hila nito sa kanya papunta sa buffet table.
"This is a beautiful party, six years old pa lang ang anak mo! Paano kapag nagseven na iyan?" She kid aside.
"Maniwala ka, simple pa ito" anito, "Ayaw ng ama na walang handa ang prinsesa niya! Spoiled na spoiled. Mabuti na lang at mabait, hindi nagmana sa akin ng kamalditahan" they both chuckled.
"Ang gandang bata ni Hailee. No plans on giving her a sibling?" Tanong niya sa kaibigan. Matagal tagal na rin, malaki na ang inaanak.
"Actually..." ngumisi ito at hinawakan ang wala pang umbok na tiyan, "It's our surprise for her! I'm six weeks pregnant, Puffie!"
Agad niyang niyakap ang kaibigan, "Wow! I am so happy for you!" hinaplos niya ang tiyan nito, "So happy!"
"Thank you" she replied, "Anyway, hindi mo niyaya si Alvin?" paghahanap nito sa lalaki.
Umiling siya, "Hindi ko naman alam na invited siya, bakit ko siya yayayain?" kumuha na siya ng pagkain sa buffet. "Ikaw ha, kung anu-ano ang sinasabi mo sa inaanak mo"
"Hey! Wala naman akong tinuturong hindi maganda sa kanya!" She smirked, "Ano ba ang sabi?"
"Hanapin ko na daw ang Papa niya kung hindi ko gusto si Alvin" she answered, "C'mon, Cath.."
Catherine sighed, "Habang buhay ka na lang bang ganito, Huffle? Kailan ba magbubukas ulit iyan?" anito, "It's been seven years"
"Precisely, Cath" aniya, "I'm doing well within those seven years. I have Eliz, ano pa ba ang mahihiling ko?"
"Aminin mo man o hindi, I know deep down you need someone who'll be there, Huffle... Hanggang kailan mo hahawakan si Theo? Let him..."
"Cath, not here" putol niya sa kaibigan, "Marinig ka ni Eliz..."
"See? You can't even tell your son the truth"
"We don't know the truth" Tugon niya.
Tumango si Cath at napabuntong hininga rin, "Hindi ko naman sinasabi na kakalimutan mo na si Theo. But it's seven years... He'll always be in your heart. Siya lang ang Tatay ni Eliz, wala nang iba" She placed her hand on her chest, "But, Huffle... endings are also new beginnings..."
She was speechless. Naputol lamang ang katahimikan nila nang may tumawag sa pangalan niya.
"Alvin?" Napatingin siya sa kaibigan.
"I know you won't ask him to come with you. So, I did the honor" she smiled and walked towards him, kinamayan ito. "I'll just check the other guests. Feel at home, okay?"
Nang naiwan silang dalawa ni Alvin ay bigla naman siyang nakaramdam ng hiya. Damn it! Ngayon tuloy siya naconscious.
"Are you okay?" Tanong nito, "Tahimik mo naman yata"
Umiling siya at pinagmasdan ito, "None, let's eat?" nang makakuha sila ng pagkain ay umupo sila sa bakanteng mesa na nasa gilid.
"Siya nga pala, the supplier just came yesterday" sambit nito, "Dumating na ang inorder nating orders, pinacheck ko na rin sa staff para mabigyan ka ng report"
"Thank you" aniya, "How about yung job order for repairs? Marami yatang clients ang nagrereklamo sa comfort room. That needs to be fixed"
"Noted" anito at ngumisi, "I'll look into it"
"Thank you" she smiled.
Habang nakain ay naririnig nila ang tawanan ng mga bata habang naglalaro. They looked so adorable. Ang sarap maging bata.
"Tito Alvin!" Takbo ni Eliz rito, "I missed you!"
"Hey, buddy" anito, "Missed you more. How was your week?"
Pinagmamasdan niya kung papaano magusap ang dalawa. Kung makikita siguro ito nang mga taong hindi sila kilala ay iisiping magama ito.
"Play lang po ako, Tito!" paalam ni Eliz rito sabay halik naman sa pisngi niya at tumakbo na.
"He's lovely" ani Alvin, "You're doing a great job raising that kid" puri nito sa kanya.
She sighed, "I didn't do it alone. Thank God I have brothers who wholeheartedly filled the father position in his life" she smiled.
"How about you?"
"What about me?" Tanong niya pabalik.
Prente itong napaupo at tumingin sa mata niya, "Who would fill his position in your life? Hindi pwedeng mga kapatid mo..."
"I'm okay, Alvin" aniya, "I don't feel that I need someone to fill the gap. Hindi naman ako nakukulangan sa kung anong mayroon ako..."
"You must love him so much, huh?" Diretsa nito sa kanya.
"He gave me a son" she smiled, "He gave me someone to love forever, he made me complete"
Napangisi ito, "Huffle, I know we're both professionals in our field. But, I would like to clear things our that I have no intention in replacing him into your life. He's your son's father and your fiancé-- late fiancé" hinawakan nito ang kamay niya ngunit agad din niyang iniwas nang tinawag siya ng kapatid.
She excused herself and went to Kuya Slyther. Binati nito si Alvin pagkuwa'y may inabot sa kanya.
"Puffie, hindi ka pa rin pala tapos diyan?" Sambit nito. Mamaya na lang niya babasahin ang nasa loob ng envelope, "It's been--"
"I know" putol niya, "Hindi niyo na kailangan ulit-ulitin sa akin, Kuya. Tanggap ko na..."
"Tanggap?" tugon nito, "So, what's this?"
"Kuya..." pigil niya rito, "Thank you for this. I owe you a lot..." hinalikan niya ito sa pisngi at umalis na.
Sandali siyang nagpaalam sa mga ito at pumasok sa kotse. This is the only place where she could be alone and have some privacy.
Binuksan niya ang dilaw na envelope at binasa ang report na nandoon. Muling bumagsak ang balikat niya sa nabasa.
Negative. Panay negative ang response sa investigation na pinapagawa niya.
Napasandal siya sa headrest ng sasakyan at napapikit. Ilang taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin siya naniniwala sa sinasabi ng karamihan sa kanya.
February 4, 2031. An international plane with 500 passengers just crashed. 479 dead. 15 alive. 6 missing.
He's one of the six.
Hangga't walang katawan. Hindi siya maniniwala na wala na si Theo. She will hold on to that hope, no matter how little it is, she will hope.
For her son... and for herself, too.
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye
RomanceNot all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story.