CRISSA lost a lot of weight.
Doon sigurado si Huffle dahil hindi naman ito ang timbang ng dalaga nang huli silang magkita. She looked pale and weak.
But, how could she managed to smile?
"Pwede kang umupo, Huffle" sambit nito na halos pabiro, "Hindi kita kakagatin, don't worry"
Sinunod niya ito at umupo sa silyang nasa tabi ng kama nito. There were a lot of machines around, may mga nakakabit din sa kaibigan na marahil nakakatulong sa kalagayan nito.
"I don't wanna hear it anymore, Huff" pangunguna ni Crissa, she weakly smiled, "N-Napatawad na kita..."
Nilahad nito ang kamay para abutin niya. She gladly took it. "Patawarin mo rin sana ako..."
"Crissa, no..."
"Hindi ko naman kinakaila na nasaktan ako nang malaman ko ang tungkol sa inyo ni Theo" pagkukwento niya, "I just g-got desperate. Lalo na, I got no time left..."
"Don't say that, Crissa" aniya, "Marami pang paraan, huwag tayong tumigil..."
Natawa ito, "P-Pagod na ako..." naluha na rin ang kaibigan kahit sinasabayan ng pagtawa, "Gusto ko nang magpahinga..."
"Paano si Tita?" Laban niya, "Paano ang mga pangarap mo? Paano--"
"They will get by" putol nito sa kanya, "All of you will..."
"No" tutol niya rito, "Ang sabi ng doctor mo, may pagasa pa. Balak kang dalihin ni Tita sa States, c'mon Crissa. Ikaw na lang ang mayroon ang magulang mo"
"It will be more painful, magkakaroon pa sila ng pagasa. We all know that this illness would just cause trauma. At the first place naman, natanggap ko na..."
Until Theo came into her life. Si Theo ang nagbigay ng rason dito para mabuhay at lumaban. "I'm okay, Huffle. Hanggang dito na lang talaga siguro ako" anito, "Hanggang dito lang naman yata talaga ako, dahil hindi naman para kami ni Theo para sa isa't isa. Iiwan ko rin naman siya dahil kahit makasal kami, I know I'll still die..."
Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ng kaibigan. Ganun din ito sa kanya.
"Shh, tahan na..." pagalo nito sa kanya, "Hindi pa ako patay, huwag mo muna ako iyakan" she joked. Nagawa pa nito magbiro.
---
Tahimik si Theo nang pauwi sila mula sa ospital. He insist to take her home, ngunit hindi naman ito nagsasalita sa loob ng kotse.
"A-Are you okay?" Kinakabahang tanong niya at tinignan naman siya nito, "G-Galit ka ba sa akin?"
"May ikakagalit ba ako, Huffle?" tanong nito sa kanya, "Hmm?"
She sighed, "I don't know... hindi ka nagsasalita, so there must be something wrong... ayoko lang nang tahimik ka"
Hindi na naman ito umimik hanggang sa makarating sila sa apartment niya. He opened the door for her and kissed her cheeks, "I gotta go, magpahinga ka ha?"
Napakunot noo siya, cheeks lang? "Theo..." pigil niya rito, "Ano ba..."
He sighed and faced her, "Kung hindi ko ba kayo naabutan ni Tita, iiwan mo ulit ako?" napalunok ito sa sinabi, hirap pang sambitin, "Ipagtutulakan mo ba ako ulit palayo?" He let out a cuss and clenched his fist.
Para siyang nabuhusan nang malamig na tubig sa narinig. Hindi alam ano ang sasabihin, hindi alam kung papaano ito sasagutin.
"Hindi mo na naman ba ako ipaglalaban? Para naman akong bagay na ipapamigay mo na lang dahil sa pesteng konsensya?" Tila napigtas ang pasensya nito sa kanya. "Answer me, Huffle!"
She looked into his lost eyes. Is this the result of what she has done to him? Puno na ito nang takot at kahit kailan yata ay hindi na niya ito maalis.
Dahan-dahan siyang lumapit ito at sinapo ang pisngi. Bumagsak doon ang luha mula sa mata nito. His warm tears flow on her hand.
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi" masuyo niyang sambit, "dahil kilala mo ako, Theo..." hinawakan niya ang kamay nito, "But, I've done that before... and look what happened..."
She tilted his chin up and locked their eyes, "Alam mo ba kung sino ang nasa isip ko nang lumuhod si Tita sa akin?" she continued, "I-Ikaw... ikaw lang..."
Nagtubig muli ang mga mata nito at naipon sa gilid ng mata, "Ang hirap maging masaya... lalo na kapag may nasasaktan... pero mas mahirap maging masaya kung pati tayo magkakasakitan... I've hurt you enough, Theo. I would not do it again..."
Agad siyang kinabig nito sa loob ng bisig, mahigpit na yakap ang pinaramdam nito sa kanya, "Mahal na mahal kita, Theo..."
---
Mabigat ang pakiramdam ni Huffle nang magising siya kinabukasan. Gusto niya pang matulog pero kailangan niyang bumangon.
Una, she has to visit her shop. Matagal niyang iniwan ito kay Catherine, matagal na rin niya itong hindi nakita, kumusta na kaya ito?
"Chef!" Bati ng mga staff sa loob, "Welcome back po!"
"Salamat" malapad siyang ngumiti, "Kumusta kayo habang wala ako? Maayos lang ba kayo?"
"Maayos naman, Chef" sagot ng isa, "Nakakapanibago lang po na wala kayo lalo na madalas kayo hinahanap ng iba nating suki rito"
"Huffle!" Nakita niyang lumabas si Catherine sa loob ng opisina nila at sinugod siya ng yakap, "Oh my god! How are you?"
Sasagot na sana siya nang dumating si Eli. Sandali, anong ginagawa nito rito?
"Huffle!" Bati nito sa kanya, "Nice to see you, again!"
Nagpalitan sila ng tingin ni Catherine at makahulugan siyang tinignan nito. Really? Sila? Hindi niya maimagine!
"Nabalitaan niyo na rin pala ang kundisyon ni Crissa" sambit ni Eli, "Matagal ko ng alam pero sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, hindi niya talaga gustong magpagamot pa. She felt it was all planned, might as well enjoy what's left"
Nasa labas sila ngayon ng Emery's at naguusap tatlo. So far, wala naman major problem ang bakeshop niya. Mga simple lang at nareresolba naman kaagad.
Patuloy ang kwentuhan nila nang magring ang cellphone ni Eli. Agad naman nitong sinagot iyon, "Ano?!" agad itong napatayo kaya naman pati sila ni Cath ay napatayo na rin, "S-Sige pupunta ako!"
"Anong nangyari?" tanong ni Cath, "Sino iyon?"
"Si Tita, si Crissa daw... I need to go there"
What? Anong nangyari?
"Sasama ako" aniya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye
RomanceNot all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story.