"YOU'RE INSANE!"
Pagkagising na pagkagising ay iyon ang asik ni Catherine sa kanya, "What were you thinking, Huffle?"
Hindi pa nakakapagpaliwanag ay agad naman sumulpot ang mga kapatid. Based on their facial reactions, anger is an understatement.
"Who did this to you?" si Kuya Slyther, "I'll make sure that man will serve his purpose"
"What are you doing in that place, Huffle Emery?" sunod na tanong ni Kuya Raven. Patay. "Do you exactly know what is that place?"
Hindi nagsalita si Kuya Gryffin bagkus lumapit sa kaniya, "How are you feeling?"
"I-I'm okay..." she answered, "Sore but okay..."
Nakahinga naman nang maluwag ang mga ito, "Papano kung hindi ka nakaalis sa lugar na iyon? Paano kung hindi ka nailigtas--"
"Si Theo" putol niya sa sinabi ni Kuya Raven, "Kuya, si Theo ang nagligtas sa akin."
Natigilan ang mga ito habang si Catherine ay napabuntong hininga, "Huffle--"
"I saw him! I saw his face. Siya ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay!"
"Huffle..."
"You have to believe me! Siya ang nakita ko... siya ang nagligtas sa akin--"
"It's Alvin" Putol ni Catherine sa kanya, "Puffie, si Alvin ang nagdala sa'yo rito sa ospital" paliwanag nito sa kanya, "Si Alvin ang tumawag sa amin na nandito ka"
Ha? "That's impossible! I.Saw.Him!" Nangilid ang mata niya, "It's him! I saw him!"
"Shhh..." Lumapit ang mga kapatid sa kanya, "Puffie..."
"Kuya, you have to believe me" hindi na niya napigilang umiyak, "Kuya, si Theo iyon... Si Theo iyon..."
"S-She's still investigating about him" sapitana ni Kuya Slyther sa kanila.
"Huffle.."
Umiling-iling siya, "Kuya, nakita ko nga siya! Siya iyon.."
"Okay" niyakap siya ni Kuya Raven, "Okay.. It's okay, Puffie.."
Bakit sa tuwing nagkakaroon siya ng pagasa na makikita muli si Theo ay nagkakaroon naman ng ganitong pangyayari? Ngunit sa tuwing susuko na siya ay bibigyan muli siya ng pagasa?
Bakit hindi na lang kasi siya hayaan ng pagkakataon na makausad? She just need a proof! Kahit kailan hindi siya sinukuan ni Theo, kaya ngayon ay hindi niya gagawin sa lalaki ito.
She believed on what she saw and heard. Hindi siya pwedeng magkamali.
Nang makauwi galing sa ospital ay sinalubong siya kaagad ng anak, "Mama, who did this to you?" seryoso nitong tanong. Papaano ba niya malilimutan si Theo kung pigura pa lang ng anak ay parang ito na ang kausap niya.
"I-I was looking for Papa, anak" she kneeled and caressed his cheeks, "But, I'm okay. I'm strong"
Napuno yata nang pagaalala ang mata nito, "Mama, napahamak ka po dahil sa paghahanap kay Papa?"
"Anak, it's okay--"
"I'm sorry, Mama" niyakap siya kaagad nito, "Kung mapapahamak ka pa po dahil doon, huwag na po. Ayoko po mawala ka rin sa akin, Mama" Umiyak na ito.
Hinagod niya ang likod nito. Ang bilis ng panahon, hindi na niya mabuhat ito, "Hinding hindi mawawala si Mama, anak" she said, "Hinding hindi..."
"Promise?"
She smiled at him, "There are unpromised tomorrows, anak. But, know this.. hanggang buhay si Mama, hinding hindi ako mawawala sa'yo. Okay?"
Tumango ito. Tumahan na.
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye
RomanceNot all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story.