TUMAWAG si Casse sa kanya para ipaalala ang appointment with the tailor, silang secondary sponsors muna ang susukatan kasama ang Maid of Honor at Best man.
Kahit ayaw ay bumangon siya nang higaan at nagayos. Wala na si Crissa, she texted that she's already flying to Dubai and reminded about their plan.
Was it really their plan? Hindi, 'di ba? She's just being the puppet, Crissa's puppet.
Nakakapanghina ang mga nangyayari but how could she blame Crissa? This is her doing. She turned her into a monster she never thought she could be.
"Ate Huffle..." Nanghihina na tinig ni Arya nang makita siya, nagpunta muna siya sa bahay n magulang para makumusta ang lagay nito.
Hindi siya kaagad nakapunta dahil sa takot at hiya, hindi naman niya ginawa ang bagay na inaakusa ni Crissa pero dahil sa pinadala nitong abortion papers ay parang naging malabo ang lahat.
"Si Mommy?" Tanong niya, "Kumusta siya?"
Ngunit imbis na luwagan ang siwang sa pintuan ay mas niliitan nito iyon, "Ate..." huminga ito nang malalim, "A-Abiso ng doctor huwag muna ilapit si Mommy sa stress" anito, "Hindi daw mabuting tumataas ang dugo nito, sa ngayon kailangan pa niya ng pahinga"
Nakakaintinding tumango siya, "S-Si Papa? Galit ba sa akin?"
Hindi agad sumagot si Arya bagkus bakas sa mata ang takot. She could see in her eyes the terror of seeing that fake abortion papers.
"Totoo ba, Ate?" Balik nitong tanong sa kanya, "Totoo bang nabuntis ka noon at nagpa-abort ka?"
Napakagat siya sa labi at umiling, "H-Hindi ko magagawa iyon. Hindi ko magagawang ipalaglag ang anak ko..." Naluha na siya. Ganito pala ang epekto kapag mas pinatagal ang sikreto, ganito pala siya sisingilin.
"A-anong nangyari, Ate?" Ngunit bago pa niya sagutin ay tinawag na siya ni Jacob, "Ate, I'll just call you, okay? Sa ngayon kailangan lang natin isipin si Mommy at pagkatapos ay doon natin ito pagusapan"
Unang beses niyang umalis sa lugar na iyon na mabigat ang damdamin. Tawagan kaya niya ang mga kapatid?
Tama. Iyon na lang ang gagawin niya! "Kuya" aniya nang sumagot sa tawag ang panganay na kapatid, "Kuya busy ka ba?"
"Yes, there's a major problem dito sa hotel" ramdam niya ang tinig nitong puno ng pagod, "Tapos si Franz dadalihin namin sa ospital dahil dalawang araw na mataas ang lagnat, nagaalala na ang Ate Abby mo"
"Ha? Ano daw ang nangyari?" Nagalala na rin siya para sa kapatid at pamangkin, "May nakain ba o ano?"
"Malalaman pa namin" Napabuntong hininga ito, "Ikaw? Bakit ka nga pala napatawag? May nangyari ba?"
Umiling siya kahit na hindi nakikita nito, "Wala, nangamusta lang ako! Sige na, Kuya I have to go"
"Alright, Ingat ka ha. Love you"
Napangiti naman siya sa sinabi nito, "Love you, too, Kuya" pagkuwa'y binaba na ang tawag.
Sunod naman niyang tinawagan si Kuya Gryffin pero nasa ospital ito kasama si Ate Ella para sa last check up dahil kabuwanan na nito.
Si Kuya Slyth naman ay nasa Tierra Aurora at sa kung anong dahilan ay hindi niya alam kung bakit. Sabi ng secretarya nitong si Pearl ay madalas itong napupunta doon para sa kaso.
All of her brothers are busy.
Galit si Catherine sa kanya dahil sa nagawa niyang pagbigay kay Theo, ngunit kapag ba nalaman nito ngayon ang ginagawa ni Crissa ay papakinggan siya?
There's only one way to find out. Bahala na kung pagtatabuyan siya nito papaalis.
That's what she did. Walang kaemo-emosyon ang mukha nitong pinagbuksan siya ng pinto.
"Alam na ni Crissa"
Nanlaki ang mga mata at pinapasok siya sa loob ng apartment nito, "Kailan mo nasabi?"
"Hindi ko sinabi, nagulat na lang ako na alam na niya't kinumpronta ako... akala ko magiging maayos lahat nang malaman niya"
Huminga ito ng malalim, "Just give her time, okay? Ang mahalaga alam na -- sandali, paano niya nalaman?" Nagtatakang tanong nito.
Doon na bumuhos ang luha niya, "She knew almost everything, Cath. Mula sa baby at sa amin ni Theo, alam niyang lahat!"
Namulta si Catherine at hinawakan ang kamay niya, "Huffle..."
"Ayaw niyang ipaalam kay Theo" pagsumbong niya, "Gusto niyang mapalapit pa ako nang husto at magkabalikan kami"
Napakunot ang noo ni Catherine, "Wait, hindi ko naiintindihan" sambit nito, "Gusto niyang? Ano? Magkabalikan kayo ni Theo?"
Pinunasan niya ang luha, "She wanted me to break his heart. Alam daw niyang ako ang pipiliin ni Theo at kailangan kong gumawa ng paraan para hindi mangyari iyon. I had to make him choose me when at the end I'll just leave him alone at siya ang sasalo kay Theo"
Napabuntong hininga si Catherine, "What a bitch" nangigigil nitong bulong, "Si Crissa ba ang kausap mo? Sigurado ka?"
"Hindi rin ako makapaniwala"
Nagtangis ang bagang ni Catherine, "Hindi tayo nainform na gusto niya ng teleserye na love story!"
Huminga siya nang malalim, "Anong gagawin ko, Cath? Sinendan niya sila Mommy ng abortion papers! Pinapalabas niyang pinalaglag ko ang bata!"
"What?" Asik ni Catherine, "She really stoop that low? Dinamay niya pa ang inaanak ko?" Hindi na ito nakapagpigil, "Where is she?"
"Huh?" Napaatras siya nang akmang susugod na si Catherine palabas ng apartment nito, "Cath! Wala siya rito nasa Dubai siya"
"Kasama ito sa plano niya?" Tanong nito, "Please don't tell me na susundin mo siya"
"Ano ba ang dapat kong gawin? Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit siya naging ganito" dahil hindi niya ganun nakilala si Crissa, dahil hindi ito masamang tao.
Wala naman talagang masamang tao kundi masamang hangarin lang at ang tumutulak sa tao para makagawa nang hindi mabuti ay maling depenisyon sa mga bagay sa mundo.
Kagaya ng pagibig.
"Hindi ba sinabi ni Kuya Raven na huwag ka ng magpapakita sa kanila?" Oo nga pero, "Huffle, listen to me. Iniipit ka ni Crissa dahil alam niyang siya ang nadehado, but you can't let her manipulate you..."
Tila may bumbilya na umilaw sa ibabaw ng ulo niya. Kinokonsodera ang sinasabi ni Cartherine.
"A-Anong gagawin ko?"
Huminga ito nang malalim, "Sabihin mo kay Theo ang lahat. Then leave"
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye
RomanceNot all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story.