Chapter 22

1.9K 86 3
                                    

NAGLULUTO si Huffle ng almusal nang marinig ang pagpapatugtog ni Theo ng kanta mula sa cellphone nito na kinonekta sa bluetooth speaker sa salas.

Alam niyang hilig ni Theo ang pagpapatugtog sa umaga pero hindi ganitong klaseng kantahan. Hindi kanta ni Elvis Presley!

"Wise men say... only fools rush in..." narinig niyang pagsabay nito sa singer! My God! "But I can't help... falling in love with you..."

Impit siyang napatawa nang makitang hawak nito ang walis tambo at iyon ang ginagawang mic. Feel na feel pa ang pagkanta!

Lumapit ito't hinapit siya sa sa bewang gamit ang isang kamay pagkuwa'y pinagpatuloy ang pagkanta, "Shall I stay... would it be a sin? If I can't help... falling in love with you..."

He pressed his forehead on hers habang napapabasay na siya sa ugoy nito.

"Theo, baka masunog yung sinangag!" Tulak niya nang bahagya rito pero hindi siya binitawan bagkus sinubsob pa ang ilong sa leeg niya, "Theo..."

"Ibahin ko na kaya yung kanta?" Anito, "Gawin kong... ang bango bango... ang bango bango... ang bango bango ng bulaklak" He grinned as he looked down on her.

Aba!

"Pervert!"

Ngumisi ito, "Just kidding" Kinulong nito ang pisngi niya at hinalikan sa labi, "Tapusin ko lang pagwawalis rito at magdidilig na ako ng halaman. Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na rito, ha?"

Tumango siya, "Oo naman, hindi kita uubusan" as if naman. Ang dami rin nito!

"Oo kapag inubusan mo ako, ikaw ang aalmusalin ko"

Napakunot noo siya't siniko ito. Natawa lang ang lalaki at hinalikan siya sa sentido bago bumalik sa sala.

Ibang kanta naman ngayon ang pinapatugtog niya. Mabuti at hindi kalakasan dahil nakakahiya sa kapitbahay.

Isang linggo na ang lumipas mula nang mapagdesisyunan nila ang tungkol sa kanila, and in those days, all she could feel is peace.

Ganito pala ang pakiramdam nang walang tinatagong damdamin. Yung bang wala siyang kinikimkim dahil nailabas na niya, yung hindi niya na iisipin kung may masasaktan bang iba.

She's free.

Sa kabilang bahay pa rin nakatira si Theo. They're not living in. Respeto na lang sa kapatid at isa pa, baka mapatay na ng mga kapatid ito kapag nalamang binahay siya ng lalaki.

They're taking it slow this time. Malaya pero hindi nagmamadali. Napansin nilang masyado na maraming nagbago sa kanilang dalawa kaya iyon ang dapat nilang malaman sa isa't isa.

Back to zero kumbaga.

And it's okay. Masaya naman lalo na't para silang nagliligawan ulit. Sa umaga ay dito sila magaalmusal, sa tanghalian ay sa bahay naman ni Theo at kapag hapunan ay madalas kasabay nila sina Aling Linda at Mang Julio.

"Theo, kain na!" Tawag niya rito sa labas dahil naabutan niyang nagdidilig na,. "Tara!"

"Nandiyan na po!"

"Hi, Theo! Good morning!" Bati ng mga dalagita na dumaan! Ibang klase talaga. Kanikanino bang mga anak iyon?

Kilala ba ni Aling Linda iyon?

"Mas maganda pa kayo sa umaga" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito! Aba't ayos din!

Kinilig tuloy ang tatlong dalaga! Nako, girls... Huffle can feel you!

"Oh, bakit ka nakasimangot? Ang ganda ganda nang umaga!"

Umirap siya, "Ikaw lang ang nagagandahan sa umaga" she eyed the three girls, malayo na ang mga ito ngayon pero tanaw pa rin, "Busog ka naman na siguro, ano? Huwag ka nang kumain!"

Beautiful GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon