"AHH!" Sigaw niya nang dumapo ang makakapal na latigo sa likuran. Nakatali ang dalawang kamay sa magkabilang rehas.
"You killed Palmer!"
Wala ng lakas para tumanggi pero sinusubukang iiling ang ulo.
"How could you do that to him? He saved your life!" Muling hinampas nito sa kanya ang latigo. Nararamdaman niya ang malapot na likidong umaagos na sa likuran. Mamaya ay tila wala na siyang mararamdaman.
"I-I didn't"
"Liar!" Hindi lang hampas kundi suntok ang dinanas niya. Hindi niya pinatay si Palmer, may bumaril dito at iyon ang hindi niya ginawa.
"I-I didn't..." Pilit niyang sambit. Ngunit sa tantsa niya, maaring siya dapat ang mababaril at hindi ito. Siya dapat.
Did Palmer save him? No one could tell.
"We shouldn't let you in! He should have listened to me!" Naiinis na sambit ng lalaki, "You should have been dead, you know that? He should have let you die!"
Muli siyang napasigaw nang ihampas muli ang latigo. Ilan pa ba? O Diyos, kaya pa ba niya?
Lord, help me... Help me..
"You're praying?" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki, "Do you exactly believe that your God would hear you when you just killed a good man!"
"I didn't kill him!" Buong lakas niyang sinabi na kaagad sinagot nang malakas na suntok sa sikmura niya.
"God doesn't favor the sinners" he bitterly said, "He hates sinners. So, don't hope too much. He won't hear you as well"
Nilapitan siya nito't sinabunutan, "Death will be easy for you." Isang malakas nasuntok muli bago siya nawalan ng malay.
Isang malamig na tubig ang gumising sa kanya kinabukasan.
"Wake up!" Sigaw sa kanya ng lalaking bumuhos ng tubig, "You're no prince charming here. Move your ass!"
Wala na siya sa isla kundi nasa barkong pumalaot na. Hindi na malaman kung saan pa siyang parte ng mundo para makabalik sa mag-ina.
Is this what it supposed to be?Habang tumatagal bumibigat ang puso ni Theo sa bawat nangyayari sa kanya. Is this what God wants him to experience? Akala na niya He's the God of second chances?
Bakit ganito ang nararanasan niya? Is this what he has to pay for cheating? Ito na ba ang dapat niyang maranasan? He cheated so in return, he won't be able to be with his family.
Everyday life gets tough. Namamanhid na si Theo sa sakit. Nawawalan na siya ng pagasa na makikita muli ang mag-ina. Pati pananampalataya niya ay nawawala na rin.
---
Year 2035NAGBAGO ang buhay ni Theo nang makilala si Don Renato Kadano. Isa itong kapitan ng barko na pinirata ng mga kasamahan.
Nang mailigtas niya ito't ang mga kasamahan ay hindi na siya nito pinaalis. Utang na loob ang naging dahilan para makaligtas siya sa buhay na matagal niyang tinatakasan ngunit hindi matakasan.
"T-Taga saan ka?" Tanong nito sa kanya, "Anong ginagawa mo sa puder ng mga pirata?"
Napayuko siya, "Mahabang storya"
"Ngunit hindi mo gusto doon, tama ba? Preso ka ba nila?"
Umiling siya, "The word is slave" pagtatama niya, "Kabilang ako sa naibentang tao para magsilbe sa mga katulad nila"
Nakakaunawang tumango ito, "Saan ka sa Pilipinas?"
"Luzon" sambit niya, "Metro Manila"
"We were in Malacca Strait when your boat attacked" Tuloy nito, "Malapit sa Pilipinas pero hindi mo kaagad makikita ang pamilya mo dahil patungong Russia itong barko ngayon"
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye
RomanceNot all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story.