THEO
I stole her youth.
Hinding hindi ko malilimutan ang araw na sinabi niya sa akin ang balita.
"Buntis ako" inabot niya sa akin ang pregnancy test, "Exacly three weeks..."
Alam kong magsisimula pa lang kami sa totoong buhay. Lalo na ako, wala pang napapatunayan para sa kanya.
But, my heart screamed in happiness when I've heared her news. Niyakap ko siya kaagad at doon na bumuhos ang luha niya.
Magkaiba kami ng nararamdaman siguro ngayon. But don't worry, Baby hindi kita papabayaan.
"Huwag ka ng umiyak, papanagutan kita, I'm sorry, Baby.. I'm sorry you have to be scared like this.. this is not your fault... I'm sorry..."
Kung kinakailangan kong magkandakuba sa trabaho ay gagawin ko para sa inyo.
"M-Magpapakasal na po kami ni Huffle, Lola" siya ang una kong pinagsabihan. Siya lang naman ang pamilya na mayroon ako mula nang namatay ang magulang ko noong bata pa ako at si Lolo noong nakaraang taon.
Halatado ang gulat sa mata niya, "K-Kakagraduate mo pa lang, apo" aniya, "Hindi ba may scholarship ka pa na natanggap mula sa Daddy ni Huffle? Papaano na iyon?"
Magkakaanak na po kami, Lola. Mas mahalaga sila para sa akin.
Gustong gusto kong sabihin iyon pero iniingatan ko si Huffle. Ayokong isipin ni Lola na ginawa ito ni Huffle para hindi ako umalis dahil sa totoo lang, ako ang may gusto nito.
When it happened the first time, I didn't want to use any thing for I want to feel her skin to skin. Pareho kaming nalunod sa sabik, kahit walang pinagsisisihan ay naghanda na ako sa pwedeng mangyari.
Nakaplano na ang lahat, mamananhikan kami ni Lola bukas at magpapakasal kahit sa munisipyo lang muna. Sa bahay muna kami titira pansamantala habang magiipon ako para sa bahay naming dalawa. Magsisikap ako nang sobra para sa kanila, hanggang sa tinawagan ako ni Catherine. Sinugod daw si Huffle sa ospital.
I was in Tito Dominic's firm when I heard the news. Agad akong sumugod doon at naabutan si Catherine.
"S-Si Huffle?"
"T-Theo, I'm sorry" I was too late. My baby didn't make it.
Napasandal ako sa dingding. Ang buhay na hinahanda ko para sa kanila, hindi na pala matutuloy pa.
"Si Huffle po?" Hanap ko sa kanya nang isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. I was worried about her, but other than that, I need her too.
Wala akong nais na kasama na magluksa sa anak naming nawala maliban sa kanya.
"H-Hindi ba kayo nagkausap?" Tanong ni Tita Icang. She flew to Paris. Walang iniwan na sulat o isang salita. Walang iniwan maliban sa puso ko na mangungulila para sa kanya.
Anak, patawarin mo si Papa. Hindi ko masabi kahit kanino ang tungkol sa'yo hindi dahil nahihiya ako sa iba, kundi nahihiya ako sa'yo. Hindi ko kayo naalagaan ng Mama mo.
Puno ng tanong at paninisi sa sarili. I cried myself to sleep. Gustuhin ko man siyang sundan sa Paris ay hindi ko pa kaya, wala akong sapat na pera para doon.
Muli akong sinampal ng katotohanan na langit siya at lupa pa rin ako. Langit na hindi ko maabot kung patuloy akong nakahiga kung saan ako nadapa.
Kaya mula sa lupa, sinumulan kong tumayo sa sarili kong paa ngunit nang makabangon ay alam kong malabo na kami para sa isa't isa.
Ang tanga, hindi ba? Kung kailan kaya ko na siyang abutin ay hindi ko ginawa.
Bakit kaya?
Dahil natakot akong muling iwanan niya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye
RomanceNot all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story.