"WHAT is he doing here?" Bungad na tanong ni Kuya Gryffin nang makita si Theo kinabukasan. Kalaro ng huli ngayon si Franz at Sofia, nasa labas sila ng bahay at pinapaarawan ang mga bata dahil maganda pa ito sa balat.
"M-May usapan yata sila ni Kuya Raven"
"Hindi iyon ang tinutukoy ko, Puffie" masuyong tanong nito, "He told us why he's here. Masusuntok ko na nga dapat kanina pero napigilan lang ako ni Kuya"
"Kuya!" Nagaalalang reaksyon niya, "Nasapak na siya ni Kuya, please..."
"So, what's he doing here?" paguulit nitong tanong, "Kayo na ba ulit?"
"I wouldn't call it that way, Kuya pero... kapag natapos lahat nang ito, papakasalan ko siya" Huminga siya nang malalim, "Did I disappoint, Kuya?"
Tumingin ito nang diretso, "Honestly, you did" sambit nito nang may pagiingat, "Nasaktan kami sa paglilihim mo. Huff, no matter how big or small it could be, lahat ng tungkol sa'yo mahalaga sa amin"
"I-I was lost" pagamin niya, "Sa sobrang sakit gusto ko na lang sarilihin dahil bukod doon, nahihiya ako. Nahihiya akong aminin dahil hindi pa kami kasal ni Theo noon at... naging pabaya akong ina..."
Hinawakan ni Kuya Gryffin ang kamay niya, "I lost a child, too" sambit nito, "When he died in my arms parang namatay na rin ako. Pakiramdam ko nagkulang din ako..."
Pumatak na ang luha sa mata niya, "Nahihiya ako, Kuya... napabayaan ko yung anak ko..."
Kinabig siya nito sa dibdib, "You have to let it go, Huff... You have to let your guilt, your shame, and your child... go" mapagmahal nitong sambit, "In that way, you will be able to move on because this feelings makes you blind with all the blessings and it drags you down"
"Kuya.."
"You don't have to struggle with a battle that doesn't exist anymore, Huffle. You have already made it this far and God is still going to take you way farther" He smiled at her, "Whatever His plans for you, have faith. Narito lang kami at mamahalin ka sa paraan ng Panginoon"
That moment. Huffle felt every worry she's feeling subsided. Unti-unti niyang nararamdaman ang pagmamahal ng Panginoon na kahit kailan pala ay hindi naman nawala dahil nandiyan ang pamilya niyang magpapatunay niyon.
"Kuya Slyth" Nilapitan niya ito nang makita na magisang nakaupo sa ilalim ng puno nang mangga, "Can I sit with you?"
Tumango ito at umupo nang maayos. Hindi pa rin nagsasalita.
"Gusto mo siyang hanapin" It wasn't a question.
He let out a heavy sigh, "Gusto ko siyang makausap" nagiinit na naman ang mga mata nito, "Pucha, ganun na lang ba kadali yon? May anak kami!"
Hindi siya nagsalita bagkus pinakinggan lang ang hinanain ng kapatid. He needs this. Someone who will listen and when he's done tuluyan na din itong umiyak.
This is something that other people didn't know. Akala nang iba ay hindi na sila nasasaktan pero ang totoo? Naapektuhan pa rin sila.
Iba-iba ng personalidad pero may isang pinagkaparepareho, they are all cry babies.
"Mahal mo siya?" Tanong niya rito.
"Siya lang ang babaeng iniyakan ko nang ganito" That means yes. "At handa ko siyang tanggapin basta bumalik siya sa akin... fuck that news.. I don't care about that..."
"Kuya" Hinawakan niya ang kamay nito, "You still have your daughter" pagpapaalala niya rito, "I could feel your pain pero ang natutunan ko sa lahat nang nangyari sa akin, cherish what God has given us. Nandiyan ang anak mo, huwag mong hayaan pati siya mawala sa'yo... You have to fight, you have to rise up from this... for your daughter"
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye
RomanceNot all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story.