URONG sulong si Huffle sa nararamdaman.
Nang tawagan si Geniva kagabi ay agad din niyang binaba nang hindi pa siya nagpapakilala.
What if tama si Catherine? What if nagsasabi din si Geniva nang totoo?
"Earth to Huffle" She went back to her senses when Alvin came inside her office, "Mukhang malalim ang iniisip mo"
Napasandal siya sa swivel chair, "Malalim talaga..."
"I see" he sighed, "You wanna talk about it?"
Tinignan niya ito sa mata pero kaagad na inialis din, "I'm okay, Alvin" she tried to smile, "Ano nga pala ang ginagawa mo rito? Is there a problem?"
"Oh, I just brought you this" Isang bungkos ng bulaklak ang inilapag nito sa mesa.
"A-Alvin--"
"Huffle, It's okay" he said smiling, "Please, accept it. Hindi naman sa akin galing iyan"
"Kanino?"
He shrugged, "Nakita ko sa labas ng shop" may tinuro pa ito, "There's a note and don't worry, hindi ko binasa!"
She leaned at the table and read the note inside.
I missed you...
Agad siyang napatayo at lumabas ng shop, she looked over the place just to see who gave this.
Theo please... Ikaw ba 'to?
Napabaligwas siya nang hawakan ni Alvin ang balikat niya. Sinundan pala siya nito, "Hey, are you okay? You look flabbergasted"
She heavily sighed the nodded her head sideways, "N-Nothing... it's just that..."
"Why don't we go inside?" Marahan siyang hinila nito, "C'mon..."
Buong magdamag tuloy siyang binabagabag ng isip. Kung si Theo ang nagbigay niyon ay bakit hindi na lang ito magpakita?
Bakit ganito?
"Kanina ka pa tulala" puna ni Catherine sa kaniya, "That woman bothered you, tama ba?" Hindi na yata kailangan ng sagot niya para nakumpirma, ngunit hindi si Geniva ang nasa isip niya.
Kundi ang nagbigay ng bulaklak. Who missed her aside from him? Walang ibang magbibigay niyon kundi si Theo lang.
"Ah, that flowers" singit muli ni Catherine, "Huffle, remind ko lang na hindi ka pangit at marami nang nagbibigay sa'yo ng bulaklak. What's new about that?"
She sighed, "This is different, Cath..." dahil ngayon, parang nagkakaroon siya nang pakiramdam na totoo na ito. "I could feel it.."
"Of course you can. Dahil iyon ang gusto mong paniwalaan, Huffle" may bahid na nang pagkainis ito sa kanya, "Just be careful, Huff. Just be careful.."
As if on cue her phone ring. Hindi niya sinagot dahil unknown number. Tumigil ito nang matapos ang dalawang pagtawag.
Yet a message notified.
Please, Huffle. Answer the call...
I have a lead. I have a lead to your husband
It must be Geniva. Kaya nang tumawag ito muli ay sinagot na niya, "Hello--"
"Huffle..."
She stilled. Napakunot noo, "Who's this?" bakit boses lalaki? This is not Geniva.
"Huffle..." Inulit nito muli ang pagtawag sa pangalan niya, "You're Huffle Delaverde, right?"
"Who are you?"
"It doesn't matter" kaagad nitong sagot sa kaniya, "But what matters most is that I know where he is"
Okay. This is a prank call once again. Kaya mahirap din na mapublicize ang ganitong kaso. Some people would really take advantage of the moment, but in those seven years, natuto na siya.
"Stop this. I won't buy your stupid pranks--"
"January 28, 2031" sambit nito sa kanya, "He proposed to you"
Doon siya natigilan. Nanlamig ang buong kalamnan niya.
"January 29, your friend passed away" pagtutuloy nito na lalo pang nakapagpabigat nang damdamin niya, "Nasa States kayo niyon.. nang kailangan umalis ni Theo pabalik nang Pilipinas--"
"Just tell me who you are" putol niya rito, "Bakit mo kami kilala? Bakit--"
"Stop questioning me! I was trying to help you!"
Napahilot siya sa sentido, "W-Where's he?" sabihin na lang nito para tapos na, "Just tell me where is he... please..."
Huminga ito nang malalim, kahit hindi nakikita ay alam niyang bumuntong hininga ito, "I'll tell you where..."
---
It was already 6:30 PM when Huffle arrived at the place where John - the caller, said.
Sa loob pa yata ng eskinita ang sinasabi ng address. Kaya naman pinarada niya ang sasakyan sa tabi at nagsimulang maglakad papasok.
Nagtanong siya sa tindera sa tindahan sa may bukana, "Dalawang kanto mula rito, kakaliwa ka. Pagkakaliwa mo, unang kanto, kanan"
"Salamat po"
Nagsimula siyang maglakad sa tinurong direksyon ng tindera. Hindi naman kakaiba na may mga naiinuman sa gilid, nagmamajong at may mga batang naglalaro ng piko.
Mabuti na lang at nakapantalon't t-shirt siya. Hindi takaw mata.
"Huy! May chika babes" Someone catcalled. "Babe! Tara inom ka muna!"
Hindi na lang niya pinansin at nagmadali sa paglalakad. Ngunit pagkaliko niya sa kanto na sinabi ng tindera ay bigla siyang nagdalawang isip.
Bakit dito nakikipagkita si John? Anong ginagawa ni Theo rito?
This must be a hoax! Damn it!
She turned her body. Aalis na siya rito. Tama si Catherine. Mali ito.
"Hi, babes!" natigilan siya nang may isang lalaking kumorner sa kanya, "Saan ka pupunta? Nawawala ka ba?"
Yumuko si Huffle at lalagpasan sana ito nang hawakan siya sa braso at tinulak pabalik!
"T-Tulong!" agad niyang sigaw ngunit mas tumaas ang kilabot ni Huffle nang tumawa pa ito na parang demonyo.
Hinila siya nitong muli. Nanlaban si Huffle hanggang sa makawala siya ngunit hinablot naman siya nito sa buhok.
"Tumigil ka!" Dumapo sa pisngi niya ang mabigat nitong kamay kaya naman bumagsak siya sa sahig. Hindi pa nakakabawi ay hinila siya nito sa paa at kinubabawan.
Nanlaban siyang muli ngunit agad siyang sinikmuraan nito. Umikot ang paningin ni Huffle sa nangyari pero.. pero lalaban siya.
Sa pakikipaglaban sa pamamagitan nang paghampas rito ay biglang may humila sa lalaki at naaninagan niyang sinuntok ito nang kung sinuman.
She felt weak.
"Huffle?" May umangat sa katawan niya, "Huffle... this is me... don't sleep.. baby don't sleep..."
That voice. She knew that voice! Totoo ba ito? Nananaginip ba siya?
"Don't sleep, dadalihin kita sa ospital..." Pagalo pa nito.
"T-Theo.."
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye
RomanceNot all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story.