SA PELIKULA, sampal at sabunot ang inaabot ng mga babaeng traydor na kagaya niya.
But, this is different. Hindi siya pinagbuhatan ng kahit na ano ni Crissa.
"Hindi ako tanga, Huffle" diretsa nitong sambit matapos ipaliwanag ang lahat. Inamin na niya ang totoo, tutal wala na rin naman itong hindi alam, "You would really think I wouldn't notice?"
Napalabi siya, "Crissa--"
"Spare me with the 'hindi ko sinasadya' bullshit. We both know that you both wanted what happened" Hindi galit ngunit mapanganib nitong sambit, "I met a lot of womanizers in my life, Huffle and I know that Theo is not one of them kaya hindi simpleng tawag ng laman ang nangyari sa inyo"
Naputulan na siya ng dila, wala ng masabi rito. She feel so exposed.
"You didn't fuck. You both made love" Paano nito nasasabi ang lahat ng ito sa kanya? Paano nito nakakaya? "And you know what's worst? Hindi ako kailanman tinignan ni Theo ng ganun..."
"Crissa, hindi ako mangugulo.. Lalayo ako.. Inaantay ko lang na masabi sa'yo at doon ako aalis" She was about to advance pero ito ang lumayo sa kanya, "Ayokong masira ang relasyon ninyo, ayokong itigil mo ang kasal nang dahil dito--"
"Hindi masisira ang relasyon namin" Putol ni Crissa sa kanya, "Walang masisira dahil hindi ko sinisira. Hindi ko na mababago ang nakaraan ninyo, pero ako kasalukuyan at ang hinaharap"
Tumango siya. Naiintindihan niya. This is the thing that she had been waiting for.
"Hindi dapat malaman ni Theo ito," Nagulat siya sa sinabi nito, "Wala siyang alam na alam ko na ang totoo"
"But--"
"Do you really think that Theo would still marry me if he knew that I already know the truth?" Asik nito sa kanya.
"Oo, dahil kung matatanggap mo pa rin siya pagkatapos ng lahat ng ito, ikaw dapat ang piliin niya"
Umiling si Crissa, "You don't understand, Puffie" Nagiba na ang expresyon nito, "Hindi sapat na ako ang mabuti sa sitwasyon na ito, dahil hindi lahat ng nagpapatawad pinipili"
Saan ba patungo ang paguusap na ito? Naguguluhan na siya!
"Two days from now, it will be the general meeting with our wedding coordinator" anito, "You need to go there and we'll act as if nothing happened"
"No!" Ayaw niya! Hindi niya kayang magpanggap na-- "Are you asking me na magsinungaling?"
"Mukhang hindi ka naman nahirapan. Matagal ka naman ng nagsisinungaling hindi ba?" Paguyam nito, "What difference does it make if you lie now?"
Napakuyom siya sa palad. Alam niyang siya ang dehado sa dulo nito.
"Pagkatapos niyon ay aalis ako papuntang Dubai. Maiiwan dito si Theo. Iiwan ko siya sa'yo" What? Nahihibang na ba ito? "I want you to seduce him, make him leave me"
This is absurd! Hindi niya kinakaya ang lahat, "Get straight to the point"
"Then let him go" Ngumisi ito, "Doon ka pa lang lalayo, Huffle. Hindi ngayon, hindi bukas.. kundi kung kailan mahal na mahal ka na niya ulit... Doon mo siya bibitawan, doon mo siya iiwan.."
Naluha siya sa sinabi nito. And here she thought that she's the victim of her own story, hindi pala. She's the villain.
"At ako ang sasalo sa kanya, Huffle" lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa braso, "Ako ang mananatili kahit na niloko niyo ako... ako ang mananatili kahit na alam niyong ginago niyo ako..."
"Crissa, please... Don't make me do it..." Umiling siya, "Hindi ko kaya..."
Her facial expression remain flat. Hindi nainis sa sinagot niya, "Hindi mo gagawin?" Parang nagbabanta nitong sambit, "Very well, should I just play a victim? Niloko niyo ako!" Kunwaring sigaw nito na parang inaapi.
"Kaibigan kita pero nagawa mong kalantariahin ang mapapangasawa ko?" Dagdag pa nito, "At hindi pa kayo nahiya? Nagkalat ka pa ng sex-video?"
Sex video? Bumigat ang dibdib niya. Ano ba ang pinagsasabi nito?
"Takot ka 'no?" Ngumisi ito, "Wala pa akong ebidensya pero natatakot ka na. What if mayroon na? Would Tita Icang love that?"
"No!" Napasigaw siya rito, "Ano ba ito, Crissa? Hindi ka ganito!"
"Oh, Puffie. You have no idea what life has made me" Nanguuyam itong tumawa, "I'm not anymore the baby girl you thought I was"
Napayukom siya sa palad, "Once you have decided, show yourself on the meeting" Tumalikod na ito at lumabas ng apartment niya.
Ito na ba ang kabayaran sa ginawa niyang paglilihim?
----
Isang araw bago ang sinasabing meeting ay nagising siya sa tawag mula sa kapatid na si Arya.
Ano naman ang dahilan para tumawag ito ng ganung oras? It's only 6 AM.
"Arya--"
"Ate!" Napabangon siya sa umiiyak nitong boses, "Ate, come here! Si Mommy!"
Nilukob siya ng takot sa dibdib, "Anong nangyari kay Mommy?" Hindi pa alam ay kinuha na niya ang jacket at susi para puntahan ang mga ito.
"H-Hindi ko a-alam, pero may dumating kasi na parcel.. tapos hinimatay na lang si Mommy ung nakita niya ang nasa loob.. Wala si Papa kaya.."
"Ate" Kinuha ni Jacob ang cellphone, "Tinawagan ko na si Papa, pabalik na siya. Ate, ano itong abortion papers? Bakit nandito ang pangalan mo?"
Agad niyang naapakan ang break ng sasakyan. Mabuti na lang at maaga kaya wala masyadong sasakyan sa daan kundi...
Isa lang ang naisip niyang makakagawa nito sa kanya. Kaya kaagad niya itong tinawagan, "How dare you!"
"Not so Hufflepuff, huh?" sagot nito sa kanya, "So, I guess Tita did receive it by now"
"Sobra ito, Crissa! Ako ang may kasalanan sa'yo, ako lang!" Nanginginig ang panga niya sa galit, "Matanda na ang Mommy, hindi na sa kanya pwede ang ganitong bagay! Kapag may nangyari sa kanya--"
"Kasalanan mo" putol nito, "This is all on you, Huffle" Kahit hindi nakikita ay alam niyang nakangisi ito. "Madali lang naman ang gusto kong mangyari and don't think of running away because I'll make sure Theo would also think that you aborted your child-- oh, wait! Parang mas maganda iyon?"
"Hindi ko pinatay ang anak ko! Hindi ako mamamatay tao!" And she would never do that to her baby! Never!
"But, who will believe if you're gonna be the liar of the year?" Huminga ito nang malalim, "So, will you come tomorrow?"
She's cornered. Hindi na siya makaproseso ng paraan. This is where Crissa hit her. She used her weakness. She pressed her so hard that she's unable to think straightly.
"I will" sagot niya.
"Promise?" She sweetly asked. Paano nito nasisikmura ang lahat? Kung sabagay, siya nga ay nasikmurang halikan at makaniig ang lalaking pakakasalan nito.
"P-Promise..." Hindi na solusyon ang pagtakbo. Kailangan na niyang harapin ito.
🖤🖤🖤
Salamat sa pagcocomment ninyo! Nakakaenergize kapag nakakabasa ako ng comments lalo na yung insights ninyo - doesn't matter if you're pro or anti. An insight is still an insight :) Hope to hear more from all of you!
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye
RomanceNot all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story.