Chapter 16

2K 99 3
                                    

NAKATAYO siya ngayon sa harapan ng condo ni Theo. Nakuha niya ang address kay Casse na wedding coordinator nito.

Hindi siya nakarating sa fitting kanina dahil tama si Catherine, she shouldn't let her manipulate the situation.

"Huffle?" Nagtatakang sambit nitong makita siya, "What are you doing here?"

"We need to talk" she said, "M-May dapat kang malaman"

Niluwagan ni Theo ang pintuan at doon siya dumiretso papasok. It's a spacious loft type, lalaking lalaki ang mayari.

"Nice place" she murmured out of nowhere, "Matagal ka na rito?"

Naglakad si Theo papunta sa kitchen na tanaw lang mula sa living room, "5 years na rin, make yourself at home. Juice, water or wine?"

"Tubig na lang" sagot naman niya at iyon ang inabot ni Theo nang makalapit sa kanya, "Salamat."

"Ano ang paguusapan natin?" Tanong nito, "Wala ka sa fitting kanina"

"About that" This is it, Huffle. "A-Alam na ni Crissa ang lahat"

Napatuwid ng tayo si Theo at nagiba ang expresyon ng mukha, "Alam na niya ang tungkol sa atin at sa anak natin" hindi niya alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob pero dirediretsuhin na niyang sasabihin, "and she didn't want me to tell you that she already knew"

"B-Bakit?"

"T-Theo, gusto niyang akitin kita at sa huli iwan para siya ang sasalo sa'yo" Napalabi siya, "Sinasabi ko ito dahil ayoko na... ayoko na ng gulo.. Lalayo na lang ako sa inyo, takot siyang iwan mo siya dahil sa nakaraan natin"

Tumayo na siya at agad na naglakad patungong pinto nang pigilan siya ni Theo, "K-Kailan pa?"

"H-Ha?"

"Kailan pa niya nalaman ito?" Walang emosyon nitong tanong sa kanya, "Kailan?"

"Nang pumunta ka sa bagong apartment ko" aniya, "Sinundan ka niya, Theo at doon niya ako kinumpronta"

Hindi na ito nakapagsalita at binitawan na siya, "I'm so sorry, Theo" she sincerely said, "Kung ito ang kabayaran sa paglilihim ko sa anak natin at pagtataboy ko sa'yo noon, pinagsisisihan ko na. Ayoko ng saktan ka ulit, dahil sa simula pa lang hindi ko na gustong saktan ka..."

Hindi pa rin ito nagsasalita kaya naman tumalikod na siya at nagdiretso sa paglabas. Nang mahawakan ang doorknob ay nagulat siya nang itulak iyon ni Theo papasara muli at sinakop ang labi niya.

He pinned her against the wall and kissed her thoroughly, nandito na naman sila kung saan alam nilang mali pero ginusto ng katawan.

Ngunit sa oras na ito, hindi niya na kinalaban ang sarili. Buong loob niyang pinagkaloob ang pusong matagal nang nangungulila para rito.

---

Naalimpungatan si Theo nang marinig ang munting hikbi ni Huffle na nakatalikod sa kanya. Agad siyang napausog dito at pinatong ang kamay niya sa braso ng dalaga.

"Huffle?" Masuyo niyang tanong. Pinagsisisihan ba nito ang nangyari? Nasaktan ba niya ito? "I-Is there something wrong?"

Umiling ito pagkuwa'y humarap sa kanya, kinulong niya sa mga palad ang pisngi nito, "Look at me... what's wrong, baby?"

Pinipigilan ni Huffle ang mga luha pero kusa itong lumalabas sa mga mata, he ended up pulling her inside his arms and embraced her.

Hindi na siya nagsalita. Kilala naman niya ito. She's Huffle, wala itong gagawin o iisiping masama sa kapwa. Kaya ang nangyari ngayon ay marahil pinagsisisihan nito.

Ngunit bakit wala siyang ni katating na pagsisi na nararamdaman? Hindi ba mali ito? Ngunit ano ba ang tama ngayon?

"M-Mahal na mahal kita, Theo" Natigilan siya sa sinabi ni Huffle, umiiyak pa din at yumakap na rin sa kanya, "A-Alam kong mali ito pero g-gusto ko... gustong gusto ko ito... a-ayokong maging kabit... pero kung ipagpapatuloy natin ito doon ako babagsak... at ayoko niyon... ayoko dahil kapag naulit na naman ito baka hindi ko na kayang iwan ka..."

Napapikit siya at mas hinigpitan ang yakap rito, "Huffle.." Gusto niyang sabihin na mahal niya pa rin ito, pero tama si Huffle. Tama ito na kapag hindi nila tinigil ay mas mahihirapan silang bitawan ang isa't isa.

Ngunit sila ba ang dapat bumitiw?

"C-Can we talk about this once we have some rest?" Sabi niya, "Lalo ka na... madami ka ng ginawa sa araw na ito..."

Lumayo siya nang kaunti at tinaas ang baba nito, "But, I want you to know that I don't regret what happened" he smiled, "Wala akong pinagsisisihan sa bawat segundo, Huffle. Gustong gusto ko rin lahat ng ito"

Tumigil sa pagluha si Huffle at nakatingin lang sa kanya. He slightly pressed his forehead into hers and touched her lips, "But, will you wait for me? Aayusin ko lahat ng ito. I'm going to fix this, baby" he planted a soft kiss in her lips as it led to another thing.

---

Nagising si Theo sa tunog ng cellphone. It's already 10 AM at nakailang missed call na si Casse sa kanya.

He's late. Ngunit ngayon lang siya tuluyang nawalan ng gana lalo na sa nalaman kay Huffle.

Speaking of Huffle, wala na ito sa tabi niya. Malamang umalis na kaagad nang magising, walang note na iniwan para sa kanya.

His phone rang again, nang tignan ay hindi na si Casse ang natawag. Si Crissa na.

Napabangon na siya nang higaan at hinilot ang sentido, hindi niya alam papaano kakausapin ito ngayon. As much as he wanted to be mad, sino siya para magalit? He's the first one who cheated and he cheated again.

Ngunit ito lang ba ang basehan ng pagloloko? Hindi ba niloko rin naman siya ni Crissa at nais pang lokohin sa naisip nitong palabas?

They're doomed.

"Hi, Hon!" Bati nito nang sagutin niya, "Bakit ang tagal mong hindi sumagot? Are you tired?"

Bakit wala siyang marinig na kahit anong bahid ng pagsisinungaling rito? Kahit panguuyam ay wala.

"Y-Yes" tipid niyang sagot, "Kailan ka babalik?"

"Namimiss mo na ako kaagad?" Hindi nito sinagot ang tanong, "Don't worry, I'll be there before you know it"

Nagkaroon sandali ng katahimikan sa pagitan nila, "Crissa, is there anything you need to tell me?" Lakas loob niyang tanong rito.

"About what, Hon?" balik tanong nito, "Oh! Yes" Natawa ito, "I knew you would find out. I'm sorry!"

Huh?

"Sinadya kong pink ang suit na ipasukat sa'yo kahapon sa fitting" Natatawa na ito ngayon, "Sabi ni Casse hindi daw maipinta ang mukha mo" Bakit wala? Wala siyang maramdamang pagdududa sa boses nito!

Hindi naman nagsisinungaling si Huffle sa kanya hindi ba? But, what should he do now?

"Update me when you will be home" he said, "Okay?" Sa personal na lang niya ito haharapin. Hindi dito sa phone.

Mas magandang makikita niya ang mga mata nito para mas masabi ang totoo.

"Bye!" Nakaroaming si Crissa, it means nasa Dubai nga ito. Hindi naman ito nagmamasid sa paligid.

Sinuot na niya ang boxers at t-shirt. He was about to wash his face when Huffle screamed nang maabutan niya itong nagsasabon sa loob ng shower.

She's still here!

"Theo!"

Beautiful GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon