"BAGO tayo magsimula gusto kong magusap tayo, lalaki sa lalaki" Umupo siya sa silya ng hapag at napahalukipkip, "Sa totoo lang, hindi ko alam 'tong pinasok ko" Seryosong sambit ni Theo, "pero mahal ko si Huffle, mahal na mahal ko siya"
Mas tumindi pa yata ngayon dahil ang matagal na pinigilan ay ngayon lang ulit naging malaya.
"At lahat gagawin ko para sa kanya, isa na ito" dugtong pa niya, "and I need your help, okay? A little help would do, just cooperate with me... Franz?"
Nakatunganga lang ang bata sa kanya, akala mo nakakaintindi talaga. Napangiti si Theo sa inakto nito.
Ganito kaya kacute ang anak nila ni Huffle kung nabuhay ito? Hmm, panigurado mas cute!
"Magplay ka muna sa crib mo okay? Hindi ka pa naman siguro gutom dahil sabi ng Nanay mo ay kakadede mo lang" Binuhat na niya ito at naglakad siya papunta sa crib na nakapwesto sa living room.
Maliban sa pagiging yaya nito ngayon, kailangan niyang magluto ng hapunan mamaya para kila Ate Abby.
When Franz was quietly playing with his stuffed toys ay tinignan ni Theo kung ano ang pwede niyang lutuin.
Kakagrocery lang naman nila ni Huffle kaya siguradong mayroon pwedeng lutuin. He checked the fridge and saw chicken, nakahiwa na.
Adobo na lang siguro ang lutuin niya. Iyon naman ang pinakamadali. Nilabas niya ang mga ingredients nang biglang umiyak si Franz!
Nang silipin ay nasa sahig na ito sa labas ng crib! Damn it!
"Shit! Paano ka napunta diyan?" Bad, Theo! Mas umiyak si Franz, magmura ba naman kasi? "Ay sorry!" Inalo niya ito.
He checked kung may bukol o sugat. Patay siya kay Raven kung magkataon!
"Saan masakit?" Tanong niya as if sasabihin, "Shhh, sorry... dito lang si Tito" pagalo niya sa bata.
It took him 15 minutes to really calm him down. Naabutan pa siya ni Aling Linda!
"Yaya ka na ni Franz?" Nangaasar na tanong nito, "Naka-apron ka pa!"
"Magluluto kasi dapat ako, Aling Linda" aniya inuugoy pa rin si Franz para tumahan, "kaso umiyak itong bata" at hindi na niya sasabihin kung bakit.
Sorry.
"Akin na nga, sige na. Magluto ka na, ako na muna bahala may Franz" sambit ni Aling Linda, "Kinausap ako ni Raven tungkol dito pero dahil boto ako sa'yo, tutulungan kita. Secret lang ito ha!"
Kinuha ni Aling Linda si Franz sa bisig niya, "Maraming salamat, Aling Linda! Isa kang bayani!"
Natawa pa si Aling Linda pagkuwa'y dumiretso na siya sa kusina ulit at nagluto ng hapunan. Walang wifi sa lugar na ito kaya aasa na lang siya sa alaala. Ito ang tinuro ng Lola niya noon sa kanya.
Nang mahanda na niya ang ingredients ay nagsimula siya sa pag gisa ng bawang at sibuyas.
"Theo!" Nagulat siya sa tinig ni Aling Linda, "Nasusunog na yung bawang mo, hinaan mo kasi yung apoy!"
Damn!
At nakita nga niyang naging itim ang bawang kahit wala pang toyo. What did he do? Shit.
"Hindi ka pala marunong?" ani Aling Linda. Napakamot na lang siya sa batok, obviously. "Tuturuan kita pero isang beses lang, ha?"
Nagliwanag ang mata niya! "Sige po! Salamat, Aling Linda"
Buhat nito si Franz at parang nakikinig din sa sinasabi ni Aling Linda, "Umpisahan natin sa pinakaimportanteng bagay ng pagluluto" anito, "iyon ay ang temperature"
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye
RomanceNot all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story.