"TITA Huff, where's Nanay and Tatay?" Tanong ng pamangkin nang magising kinaumagahan.
"May kailangan lang sila puntahan, nak" aniya at pinaupo ito sa silya sa tabi niya, "Now, what do you want for breakfast at gagawa si Tita?"
Ngumiti ito, "I want eggs benedict with bacon!"
"Okay" She smiled and kissed her forehead, "Can you look for your brother while I cook?"
"Of course, Tita!" She smiled and went to the living room and played with her brother. Tanaw naman niya ito kahit nasa kusina, "Hi, Franz! Let's play"
"Good morning!"
"Tito Theo!" Narinig niyang sinalubong nito si Theo ng yakap, "Wow you're early po! Pwede po tayo maglaro ni Franz?"
"Of course, but where's your Tita Huffle?"
"She's cooking eggs benedict for me! Oh, wait, Tita Huffle! Tita, Tito Theo is here" Hinila nito ang huli papuntang kitchen, "Wow! He has flowers!"
May hinugot ito mula sa likuran at inabot sa kanya, "Good morning"
"Sunflowers?"
"Kasing liwanag mo"
"Kiss!" Napayuko silang dalawa kay Sofia, "Nanay and Tatay kiss whenever Tatay give Nanay flowers!"
Theo chuckled and so was she, "Nak, hindi naman kami si Nanay at Tatay" she said, "Sige na balik ka na doon. Walang kasama si Franz"
"Okay po!" Tumakbo ito pabalik sa sala at naiwan silang dalawa ni Theo sa kusina. Pinulupot agad nito ang bisig sa bewang niya at hinalikan siya sa batok papunta sa tainga.
"Theo, nandiyan ang mga bata" saway niya rito, tumataas din kasi ang balahibo niya.
"You sound like in my dream" he murmured and kissed her shoulder, "Sa panaginip ko mga anak natin ang tinutukoy mo"
Napalingon siya rito, " 'mga' talaga ha?"
He smiled, "Nasaan ang mga kapatid mo?" halik nito sa pisngi niya, "Wala tayong MTRCB?"
She sighed, "They had to go..."
"Bakit?"
"Si Kuya Slyth... his secret girlfriend disappeared after giving birth" aniya, "He's lost and fucked up.."
"I could see" he said, "Ganun talaga, Huff"
"What do you mean?" nagaalala na siya, "Ang update ni Ate Abby nagwala na naman sa ospital ang kapatid ko. Tapos dumadalas ang paglalasing. He's a lawyer! Matalino siyang tao pero--"
"Walang taong matalino kapag nasasaktan, Huff. Walang sinasanto ang pangungulila, panigurado naguguluhan siya ngayon kung bakit bigla na lang itong nawala... dahil okay naman sila bago ang lahat, tapos biglang ganito?"
Napatingin siya kay Theo. May damdamin ang pagkakasabi nito.
"Theo.."
"I could understand because that's what I felt when you pushed me away before, Huff. I got almost insane. Lalo nang malaman kong lumipad ka ng Paris para ipagpatuloy ang pangarap mo. Hindi ako galit na umalis ka, pero parang hindi tayo nawalan ng anak kung iwan mo akong magisa"
"Theo.."
"I died that moment, Huff" he confessed, "That's why I had to leave, too. Lumayo ako, I traveled. I regained myself but then, I saw you again.." Hinaplos nito ang pisngi niya, "Huwag mo na akong itulak ulit palayo, Huff... baka mabaliw na talaga ako"
Niyakap niya ito nang mahigpit, "I-I'm sorry, Theo.. I'm sorry, I was selfish.. I'm sorry"
"I'm sorry, too" niyakap siya nito pabalik, "This time, hindi na tayo nagkakamali... Mahal na mahal kita"
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye
RomanceNot all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story.