SEND to: crissagermar@gmail.com
Baby girl-- she addressed her. Ito kasi ang pinakabata sa kanilang tatlo kaya sila ni Cath ay Baby Girl ang tawag rito, --- I'm flying to Indonesia this Friday. Nasabi sa akin ni Catherine na nandyan ka daw. Please let me know if the source was right, would love to catch up with you!
Love,
HuffleSinarado na niya ang laptop matapos masendan ng email si Crissa. Tumayo siya mula sa kinauupuan at humiga na sa kama.
She will be staying at Indonesia for one week. Magpapasko na daw kasi kaya ganito kahaba ang charity event. Hindi naman pwede sa mismong December dahil busy na rin kahit mga volunteers.
Kuya Raven said that it's like a charity fair wherein he would deliever his speech at the opening then commencing the start of the event.
It will be a festive ambiance and there will be medical and dental mission booths. Consultation with mental health specialist and also pedia.
That sounds fun!
Pagkagising niya kinabukasan ay hindi na siya pumasok sa shop. Sinamahan na lang niya ang hipag na si Daniella bago magayos nang mga gamit para sa flight niya bukas. Ihahatid niya lang ito sa OB, she's on her last trimester at baby boy ito!
"Thank you, Huffle ha?" Sambit ni Daniella, "Wala kasi yung Kuya mong hilaw kaya ikaw ang kasama ko"
Natawa siya sa sinabi nito, "Si Kuya Gryffin? Hilaw?"
"Ha? Hindi, ah!" anito, "Si Slyther yung tinutukoy ko! Dapat siya ang magdrdrive sa akin sa OB pero sabi niya kagabi busy daw siya. Ewan ko ba diyan sa Kuya mo!"
Close si Ate Daniella kay Kuya Slyther. Minsan, mas napagkakalaman silang magkapatid dahil grabe magasaran. Kung hindi lang yata buntis itong huli, panigurado nambugbog na.
"Nasaan pala si Kuya?" Hanap niya sa asawa nito, "Bakit si Kuya Slyther ang sasama sa 'yo?"
Ngumiti ito, "Eh, baka hindi mo maintindihan pero... si Slyth kasi ang pinaglilihian ko... alam naman ng Kuya mo kaso si Slyth talaga ang gusto ko asarin..."
Natawa siya, "Parang kay Heaven at Psyche" aniya, "Pero hindi sasama si Kuya sa checkup?"
"Siya yung susundo naman sa akin mula doon!" Haplos nito ang tiyan, "Mabait naman ako, baka mabaliw si Attorney kapag buong maghapon ko siya asarin. Nakakaligtas lang ngayon kasi madalas nang busy! Baka may girlfriend na nga iyon e!"
Si Kuya Slyther? Pfft. Baka mauna pa siyang magasawa doon! Napaka-uptight kasi.
Magkasama silang maglunch ni Daniella nang dumating ang kapatid. Wala na, nagkaroon na ng sariling mundo ang dalawa.
Napapangiti na lang siya sa magasawa. They're too cute, kung ano ang kinabaliw ni Ate Daniella ay ganoon naman ang pagiging kalmado ni Kuya Gryffin. Malaking factor din siguro yung naging teacher ito noon, parang si Ate yung makulit na student na pinagpapasensyahan ng teacher.
Humiwalay na siya sa magasawa at dumaan sandali sa shop para magbigay ng last few reminders only to hear Catherine scolding at someone inside her office.
"Anong nangyari, Edward?" Tanong niya rito na patay malisya lang, "Sino ang kausap nun?"
"Risa yata" anito, "Kanina pa sila, parang nanay si Catherine magalit" natatawang sambit nito, "Huwag kang maingay!"
Risa? Sinong Risa-- Agad siya pumasok sa opisina niya at nakita nga si, "Huffle!"
Tumayo ito at sinalubong siya ng yakap, "Crissa..." she murmured, "Akala ko nasa Indonesia ka?"
"I was but I had to come home to give you this!" May inabot itong box na light blue sa kanya, "Open it!"
Tinignan niya si Catherine na nakasapo pa rin sa ulo, pilit kinakalma ang sarili. Bakit ba mainit ang ulo nito?
She opened the box and saw a square-cut paper with words written in calligraphy...
Will you light my way to the aisle?
Oh shit! "Ikakasal ka na?"
Tumawa lang ito at niyakap siya. Nagkatinginan sila ni Catherine na nilakihan siya ng mata at nagwalk-out na.
"Hindi ko na kayo nasabihan na uuwi ako dahil inasikaso ko ang pagbibigay ng ganitong invitation" anito, "But, this is not yet my invites! I'll send you one next week ginagawa pa kasi"
Hindi siya makapagsalita, this is all too sudden! " K-Kailan ang wedding mo?"
"Sa February pa naman, next year!" Damn! That is just four months away! "Oh my! I received your email, sakto at ipapakilala kita sa fiancé ko! Nasa Indonesia siya"
"Who's this guy?" Agad niyang tanong, "Where did you meet?"
She giggled, "Parehong pareho kayo ni Cath, ikwekwento ko mamaya! Pagmalamig na ang ulo nung isa"
Crissa was too oblivious that Catherine was so mad at her right now. Sabagay, maraming nagbago kay Crissa ngayon. Ibang-iba sa Crissa na kilala nila noon.
"It's been what? 8-10 years?" Putol ni Catherine kay Crissa, "Since iniwan mo kami"
Doon natigilan si Crissa, "Cath--"
"Huwag mo akong ma-Catherine!" tumaas ulit ang boses nito.
"I reached you out!" Sagot naman ni Crissa, "Hindi pa ba sapat iyon? Hindi ko naman kayo kinalimutan"
Umirap si Catherine, "Yeah, but you didn't even give us a reason. You didn't even bother to say a proper goodbye!"
"Tama na iyan" Pigil niya sa dalawa dahil mukhang magsasapakan na, "Ano ba, ngayon na lang tayo nagkita kita... tapos ganito pa?"
Hindi na nagsalita si Crissa, parang naputulan ng dila. Samantalang bumuntong hininga si Cath at napahilot sa sentido.
"You both calm down and let's talk properly" aniya pa, nang tumango ang dalawa doon na siya bumaling kay Crissa, "Who's this guy and where did you meet? Hindi mo siya nabanggit sa amin noon"
"I met him in China, kami lang ang solo tourist that time dahil yung mga kasama namin ay kung hindi magkapatid o magkamaganak... magasawa" Kwento ni Crissa, "Then, we just clicked!"
"You just clicked? Ano ito, sudden marriage?"
"Anong alam mo sa lalaking iyan? Nasisirahan ka na ba ng ulo?" Dagdag ni Catherine sa sinabi ko.
Umiling ito, "No, we have been together for almost a year now. He proposed last August and since we are not getting any younger, gusto ko next year maikasal na!"
Nagkatinginan sila ni Catherine, at least she won't be marrying for convenience. Matagal naman na pala sila bago ang kasalan.
"Who's he?" Catherine asked, "Name?" mataray na tanong nito, inis pa rin hanggang ngayon.
Ngumiti si Crissa at sinagot, "Theo. He's Theo Amante Harrison"
Tangina.
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye
RomanceNot all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story.