Chapter 35

1.9K 111 7
                                    

"HERE'S your change, Ma'am" abot sa kanya ng cashier, "Serve na lang po namin yung kulang"

She nodded and took the tray, Mas matagal pa ang pinila niya kaysa sa pagbili ng order nila. "Thank you!" agad niyang hinanap ang anak at nakita sa may gilid.

May kausap ito na nakatalikod mula sa kinatatayuan niya. Nakatulala ang anak, sino ito?

"Eliz?" tawag niya sa anak pero hindi ito napalingon. Napakunot-noo nga lang siya at akmang lalapitan nang kusang huminto sa paghakbang ang mga paa niya. Naibaba niya bigla ang tray sa isang counter sa tabi.

Nagiba ang tibok ng puso niya bigla. Bumilis iyon na tila gustong makawala at tumakbo nang matulin papunta sa pamilyar na pigura...

"T-Theo..." Nangilid ang luha ng mga mata niya.
Sinasabi na nga ba niya! Hindi siya puwedeng magkamali!

Dahan-dahang lumapit si Huffle sa dalawa but even before she can approach them first, Eliz already felt her presence.

"M-Mama!" tumakbo si Eliz papalapit sa kanya at ang nakatalikod ay dahan-dahan ding lumingon.

Her heart screamed in glee. He's back! He is really here, again! Hindi siya nananaginip!

Tumayo ito at huminga nang malalim, "H-Huffle..."

Napalunok siya. Nagrigodon lang naman ang buo niyang kalamnan sa tinig nito. Ito ang boses na narinig niya kagabi. Tama siya.

"Mama, siya po ba si Papa?" Napayuko siya sa anak at nakita ang mga mata nitong puno nang pagasa, "Siya po ba?"

Binalik niya ang tingin kay Theo at muling pinagmasdan nang maigi. Compare to his looks before, malaki ang pinagbago nito. May mahabang pilat ito sa sentido pababa sa pisngi. Pumayat ito nang husto. Ngunit hindi naman nawala ang pagkamagandang lalaki.

Theo is still Theo.

Unti-unti itong humakbang palapit sa kanya. He locked his eyes on her and there's an obvious longing in his eyes that she couldn't even name because it was all mixed up.

Ngunit isa lang ang nasisiguro niya sa mga mata nito.He painfully missed her, his eyes said. She must have known because those where her eyes whenever she missed him.

She kneeled, pumantay sa anak. "Yes, anak" she smiled as tears fall down on her cheeks, "S-Siya ang Papa mo..."

Napatingin si Eliz rito at bumuhos na rin ang luha. Walang pagdadalawang isip na sinugod nito ang ama ng iyak, lumebel din si Theo rito at buong lakas na binuhat ang anak.

Wala na silang pakialam kung pinagtitinginan sila ng mga tao. She could literally feel that they're just three in this place right now.

"Papa!" Umiiyak na humigpit ang yakap ni Eliz sa leeg ni Theo, "Papa, bakit po ngayon ka lang?"

"I'm sorry, I love you..."

"I waited for you!" Iyak pa nito, "Mama waited for you!" Hindi ito sumagot bagkus ay tinitigan siya nito.

Iniwas niya ang tingin nang nagtangkang bumagsak ang mga luha. She wanted to throw all her questions now. She wanted to know all the missing piece of the puzzle. Subalit naramdaman niya ring hindi ngayon ang tamang oras at lugar para pag-usapan nila ni iyon.

Sa ngayon, si Eliz muna. Si Eliz muna ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin. After all, this is the first time they ever meet.

---

Nakatulog si Eliz sa bisig ni Theo dahil sa sobrang pagod o sa pagiyak. Hindi ito humiwalay sa ama kaya napagdesisyunan nilang umuwi na lang.

They rented a ride. Wala naman kasi siyang dalang sasakyan at maging si Theo panigurado.

"K-Kailan ka pa nakabalik?" pasimpleng tanong niya rito, "Papaano mo nalaman kung nasaan kami?"

"I-Isang buwan na nakakaraan," sabi ni Theo. "Palagi kong alam kung nasaan kayo nang makabalik ako, Huffle"

That's why he knew that she was in that place last night. Tama siya, ito ang nagligtas sa kanya kahapon.

Napakuyom siya sa palad. Parang late reaction ang emosyon niya. Ngayon siya nakakaramdam ng galit sa bigla nitong pagkawala.

"Bakit ngayon lang?" pigil na galit niyang tanong. "Isang buwan na pala pero--" natigilan siya nang napabaligkwas ang anak. Napalakas yata ang boses niya.

"P-Papa?" naalimpungatan ito.

"I'm here, son" he said, "Go back to sleep, hindi ka iiwan ni Papa..." agad naman bumalik ito sa pagtulog.

Mamaya na lang. Mamaya sila magtutuos ni Theo. Nang makarating sa bagong tahanan ay agad niyang binayaran ang driver.

Inakyat nila si Eliz sa silid nito't si Theo pa ang nagkumot sa anak.

"W-Was it hard?" He asked out of the blue, "Your pregnancy..."

Lumabas na sila nang silid ni Eliz at dumiretso siya sa guest room para dito, "I was well taken care of" she said, "D-Dito ka na magpagabi, panigurado hahanapin ka ni Eliz"

"C-Can I sleep beside him?"

Tumango naman siya, "I-Ikukuha kita ng damit"

"Y-You still have my clothes?" Tanong nito sa kanya.

"Wala naman akong tinapon" dahil may mga gabi na yakap niyang matulog ang damit nito. Ganun siya kabaliw, "Yung bathroom sa guest room na lang ang gamitin mo. There's toiletries there, isusunod ko na lang ang damit doon"

She headed towards her room and opened her cabinet. Agad niyang kinuha ang cotton shirt and short ni Theo doon, sinamahan na rin niya ng clean underwear.

"Theo--" agad siyang napatigil nang makita itong walang pangitaas. "I-I'm sorry!"

Tumayo lang ito nang tuwid at lumapit sa kanya. Hindi man lang bothered na hubad ito!

Para namang hindi mo pa nakita!

"Thank you, Huffle" anito't tumalikod nang mapansin niya ang mga sugat sa lukuran nito.

"Wait," Pigil niya rito. "W-Where did you get these?" Hinaplos niya ang bawat pilat. He didn't flinch but rather shivered.

Huminga na ito nang malalim, "Huffle..."

Hindi lang iyon basta sugat. Parang latay na nagpeklat. May paso din.

Bumigat ang dibdib niya kaya pinihit niya ang balikat nito paharap.

"Anong nangyari sa'yo, Theo?" Naluluha niyang tanong, "W-Where have you been?"

Napayuko ang huli, "Where did you acquire this? Huh? What happened to you?" tanong niya muli, tumulo na rin ang luha nito.

She caressed his face then it slids down to his chest, "Oh, my God..." Malinis sa katawan si Theo, so seeing all these lashes on his body sent pain in her system.

Hindi na rin niya napigilan ang mapaluha, "W-What happened to you?" Ulit niya.

"N-Nang magcrash ang eroplano, may mga tumulong sa akin.. sa amin... but they didn't save me to live..." p-pagkukuwento nito, "I-I was held captive" halos paos nitong sambit, "until sold to s-slavery..."

Beautiful GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon