MAAGANG bumangon si Huffle para magasikaso ng sarili. Yep! Sasama pa rin siya sa third day ng event, she won't missed this for the world!
Hindi na siya nagpaalam kay Theo dahil unang una hindi naman niya ito Tatay, hindi na lang siya sasabay para iwas away at baka may makahalata pa sa kanila.
"Ang aga mo, Huffle" ani Eli, nasa ibang lugar sila ulit at ang gagawin naman nila ngayon ay gift giving. Mga groceries ang iaabot nila sa bawat pamilya na nakalista, "Bago magsimula ang pagbibigay, magspeech ka ulit ha?"
Tumango na lang siya, "Sige, paano pala ang sistema?" She asked.
Nahati sa apat na section ang lugar, "Section A, doon pipila ang mga bata para sa bag na may kasamang school supplies" turo nito, "B naman ay mga Nanay para sa mga gatas pambata at gamot"
Tinuro nito sunod ang Section C, "Doon ang bigayan ng bigas, tig isang kilo sila at doon --" Shit, nakita niya ang kunot noong mukha ni Theo sa kanya. Patay! "--yung groceries"
Lumakad si Theo papunta sa kanya, damn it!
"What are you doing here?" mababaw ngunit nakakakilabot nitong tanong, "You need rest"
Nagkatinginan sila ni Eli, hala! Baka isipin nito ay may something sa kanila!
"O-Okay naman ako" sagot niya, "Last day naman na" aniya.
"Kahit na" Tugon nito, "Imbes na gumaling ang pilay mo ay mamamaga pa iyan!"
Shit! Hinila niya si Theo papalayo kay Eli, "Ano ba? Ang ingay mo at baka ano ang isipin ni Eli sa atin!"
Huminga ito nang malalim, "Wala siyang iisipin dahil kilala niya ako" anito, "Alam niyang kaibigan ka ni Crissa at kapag may nangyari sa'yo ay kargo ko!"
What? Nagtangis ang bagang niya sa sinabi nito! "Ano ba ang tingin mo sa akin? Bata? Huwag ka magalala, kung may mangyari man sa akin ay hindi ko ipapakargo sa 'yo! Will you just leave me alone?"
Umalis siya sa harapan nito at maghapon na tinuon ang pansin sa trabaho. Nakakainis! Akala mo concern yun pala ayaw lang mapagalitan ng girlfriend?
Ano ba siya babysitter? Hindi niya iyon kailangan! Nakakahiya naman at napipilitan pa ito.
Argh!
"Huffle" nilapitan siya ni Eli, "Ano nangyari sa inyo ni Sir Theo?"
Umiling siya, "Wala, okay lang ako" kahit hindi. Okay na lang. "May problema ba?"
"Wala naman, kaso kanina ko pa napapansin ang titig sa 'yo ni Sir" Tumawa ito, "Ang cute niyo tignan para kayong ...."
"Walang kami!" depensa niya.
"para lang kayong bata, hindi ko naman sinasabi na kayo." He chuckled, "Sayang at may fiancé na siya, bagay sana kayo"
What the -- "Ewan ko sa 'yo" mas tumawa pa ito! Ano ba ang nakakatawa sa nararamdaman niya? Wala!
Natapos ang araw na hindi niya kinibo si Theo. Bahala na siya sa buhay niya, goodluck kay Crissa.
Pagkarating nila sa hotel ay hindi niya pa rin pinapansin ang lalaki, tahimik lang rin itong naglalakad malayo sa kanya.
Bakit pa kasi sila nasa iisang hotel? Nakakainis.
"Honey!!" Napalingon siya sa sumigaw at nakita si Crissa, "I'm back!" niyakap nito si Theo.
Para siyang nabuhusan nang malamig na tubig. Hindi makagalaw sa kinatatayuan, bakit ang tagal ng elevator!
"Don't you miss me? Grabe ang ganda sa Maldives! We should spend our honeymoon there, what do you think?"
Sa sobrang saya ng tinig ni Crissa ay hindi siya nito napansin. Ganun naman talaga siguro, ano? Kapag masaya tayo minsan hindi na natin nakikita na ang iba - kung may nasasaktan ba o wala.
Nagkasalubong ang mata nila ni Theo, doon napunta ang atensyon ni Crissa sa kanya.
"Puffie!" Takbo nito sa kanya, "Oh my, I'm so great! Nandito kayong dalawa, isn't it destiny?"
Huh? Ano daw?
"Hon, sinadya ko na dito ka magbook dahil alam kong nandito si Huffle!" Shit, did she really do that? "Puffie, I would like you to meet my fiancé... Theo"
Fuck.
"Theo, she's the one I am telling you about! She's Huffle" Siniksik ni Crissa ang sarili sa dibdib ni Theo. She clenched her fist, this is not good.
Bakit ganito? Hindi pwedeng nasasaktan siya! Hindi pwede, matagal na iyon! She should move on!
Tumunog ang elevator at agad siyang pumasok, "I-I'll just go to my room"
"Puffie! Dinner tayo--"
"P-Pwedeng bukas na lang? Since it's my last day tomorrow, kahit lunch time?" Aniya. Nagmamadali siyang umalis dahil baka maunahan siya ng luha.
Inakbayan ni Theo si Crissa, "Hon, let her rest. May bukas pa naman" anito na mas nagpasakit sa dibdib niya. He called her - Hon. "Let's just grab some bite?"
"Oo nga, you both go.. bukas na lang!" Hindi nagsalita si Crissa kaya kaagad na niyang sinarado ang elevator, nagkatinginan pa sila ni Theo bago tuluyang maisara iyon at nang umakyat na ay kasabay nun ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Goodbye
Storie d'amoreNot all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story.