CHAPTER 1: University

3.6K 91 10
                                    

CHAPTER
ONE

University

It was almost dawn. Malamig pa rin ang paligid. Bukas pa ang mga ilaw sa poste ng mga kalsada at madidinig pa ang tahol ng mga aso. May iilang mga taong naglalakad para pumasok sa trabaho, uuwi pa lamang, mamimili o papasok sa eskwelahan. Kapwa mga nakasuot ang ng panlamig upang maging panangga sa bawat ihip ng malakas na hangin.

Isang matandang babaeng may dalang bayong ang naglalakad. Nakasuot ito itim na bonet na tumatakip sa mga puti na nitong buhok. Makapal ang suot nitong jacket na sa ukay-ukay pa binili. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad at bumagal lamang nang matanaw ang isang napakalaking bahay.

Hindi mapigilang mamangha ay naglakad pa ang matanda para makita nang malapitan ang bahay. Makaluma na iyon. Dalawang palapag iyon. Kapansin-pansin ang pula at itim nitong pintura. Gawa sa bato ang pader. Samantalang ang malaking bintana na sa ikalawang palapag ang nakapukaw ng pansin ng matanda. Bukas ang ilaw doon. Nanliit ang mga mata nito.

Hahakbang pa sana ito nang isang beses nang madinig ang isang sigaw ay napatakbo ang matanda sa takot. Naiwan pa nito ang kapares ng tsinelas sa pagmamadali.

"Ayoko na!" Inis na sambit ng dalaga sa loob ng silid matapos niyang tumili. Pinigilan niya ang sariling itapon ang mga gamit sa ibabaw ng kanyang bagong lamesa. Nagtimpi siya hanggang sa hindi na niya napigilan at hinawi na ang mga gamit dahilan para mahulog ang mga iyon sa maroon na carpet ng kanyang kwarto.

"Susanna!" Napatalon sa gulat na lumingon siya sa bumukas na pintuan. Ipinaalala niya sa sarili niyang i-lock iyon sa susunod. "Ilang beses ko nang uulitin sa'yo na huwag na huwag mong susubukan ang pasensya ko!"

Pinagkrus niya ang mga braso niya sa tapat ng kanyang dibdib. Rolling her eyes, she sighed heavily. Pinigilan niya ang sarili niyang sumagot. Pinigilan niya. Pero katulad lang din kanina ay napigtas na ang kanyang pasensya.

"At ilang ulit rin ba natin 'tong kailangang gawin?" She gasped in annoyance. Sawang-sawa na siya sa ganitong klase ng buhay.

Sumama ang tingin sa kanya ng kanyang ina. She knew she should stop pero paano? Patatlong beses na ito sa loob ng dalawang buwan.

Noon, naiitindihan pa niya. Pagkalipas ng lima hanggang anim na taon ay kailangan nilang lumipat ng bahay. Pero parang nitong nakaraan ay napapadalas na ang paglipat nila. Para bang sinusuyod na nila ang Pilipinas.

"Ilang beses ko nang ipinaliwanag ito," nagtitimping sambit nito kaya't nalaglag ang mga balikat niya. "Kung hindi ka sana gumawa ng gulo sa eskwelahan niyo ay hindi ito mangyayari."

"Bakit ako?" Gulat na tanong niya. Hindi makapaniwala sa nadinig. "Si Rose itong gumamit ng - "

"Ate Rosalinda," mariing putol nito sa kanyang sinasabi. "Ilan ulit Susanna na kailangan kong ipaalala rin sa'yo na nakatatandang kapatid mo si Rosalinda."

"Mas matanda ako sa kanya, at lalong hindi ko siya kapatid."

"Pwede bang makinig ka naman sa'kin!" Inis na sigaw ng kanyang ina kaya't nagtiim na lang ang panga ni Susanna at hindi na nagsalita pa. "Magtino kayong magkakapatid at hinding-hindi na tayo lilipat ulit kahit kailan."

Nagulat siya. "Kahit kailan?"

"Kahit kailan."

The EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon