CHAPTER
FOURTEENBrother
Summer was already coming. Damang-dama iyon ng magkakapatid dahil umaga pa lamang ay pawis na pawis na sila. Kaya nagpasya silang tumambay sa swimming pool sa likod ng bahay nila. Rosalinda was already swimming while Veronica just finished putting tanning lotion on. Magkatabi naman sina Feliciah at Susanna sa lilom malapit sa kubo.
"I love summer!" Maligayang wika ni Veronica.
Napailing na lang si Susanna. Itinuon niya ang kanyang ulo sa likod ng upuan kung nasaan siya saka pumikit. Nakasuot siya ng swimsuit kahit hindi naman siya sigurado kung maglalangoy ba siya.
"Pwede ko bang i-invite dito si Chad?" Maya-maya pa ay tanong na ni Veronica.
"No," sabi naman nang umahong si Rosalinda sa tubig. Nito ang tuwalya at roba.
"Okay. Siguro next week. Excited na ako!"
Umirap naman si Rosalinda at binalingan naman si Susanna. "Ikaw, hindi mo ba dadalhin dito ang boyfriend mo?"
Natigilan ang tatlo nang madinig iyon. Magkasabay na tumingin sina Veronica at Feliciah sa nakapikit pa ring si Susanna.
Halos mapangisi si Susanna. Pinigilan lang niya ang sarili. Alam niyang alam na nila Veronica ang tungkol kay Scott. Hindi niya inasahang hind magsusumbong ang mga ito. Lalo na si Rosalinda. Pero wala pa siyang nadidinig mula kay Christina kaya sigurado siyang wala pa itong alam.
It was almost two weeks.
"Galit ba kayo sa kanya?" She softly asked.
Ngayon, sina Veronica at Rosalinda naman ang natigilan. Si Feliciah naman ay tahimik lamang na pinanonood ang reaksyon ng mga ito.
"Anong gusto mong maramdaman namin?" Galit na usal ni Rosalinda. Nag-angat naman na ng tingin si Susanna papunta sa kapatid. "Matuwa? Syempre magagalit kami! He killed our family!"
There was long stretch of silence between the four of them. Maya-maya pa nga ay tumalon na si Veronica.
"Okay! Okay! Chill muna tayo!" Tiningnan nito ang dalawa. "I know that we all hate the people who killed our families, but if Sue really likes to be with Scott, I think it is still her right to be happy. So Rose, sana tigilan na muna natin ang pangba-bash natin sa lalaking 'yun. Ano ba namang malay natin at iba naman pala ang lalaking 'yun."
Umirap si Rosalinda. "Labas sa ilong, ah."
"So, papupuntahin ko si Chad?" Pag-iiba nito ng usapan.
"Papupuntahin ko si Kuya," biglang sabi ni Feliciah na ikinagulat ng dalawa.
Napangisi naman si Susanna at tumayo na siya at iniwan ang tatlo niyang kapatid.
"Anong Kuya?" Gulat na tanong ni Veronica. "I mean, Kuya na kapatid mo o 'yung Kuya na crush mong hindi mapasa'yo kasi mas matanda sa'yo? Ba't 'di ko alam 'yun?"
"Shut up!" Saway ni Rosalinda sa kapatid. "What do you mean Kuya?"
"Baka english-in mo lang sinabi ko." Humalukipkip si Veronica. "Naku ha."
Tinapunan ng sama ng tingin ni Rosalinda ito sabay taas ng kamay. Napatili naman si Veronica nang tumilapon ito sa pool.
"Rose!" Galit na sigaw nito.
BINABASA MO ANG
The Enchantress
FantasyHe was an enemy. At kahit kailan hindi niya dapat ipakita ang kahinaan niya lalo na sa isang kaaway. "Scott.." Kumalabog ang dibdib niya nang makita ang pagsunod ng mga mata nito sa kanyang bibig papunta sa kanyang mga mata matapos niyang sabihin an...