Final Chapter

1.1K 55 5
                                    

FINAL
CHAPTER

The last thing Susanna wanted today was to cry. Ayaw niyang masira ang makeup niya na halos dalawang oras niyang pinaghirapang i-blend. Hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na naglagay siya ng makeup bukod ngayon. Gano'n pa man, kuntento naman siya sa kinalabasan nito. Waterproof din ang ginamit niyang makeup but she didn't like to take the risk. Hindi siya pwedeng umiyak.

Ngayon nga ang araw pinakahihintay nilang lahat. Halos tatlong buwan nilang inayos at pinaghandaan ang lahat ng detalye ng kasal. Simula sa venue hanggang sa gown na susuotin niya.

Excited naman talaga siya. Hindi na nga sila nag-enroll ni Scott at maraming nagulat lalo na nang malaman ng mga taga-university na ikakasal nila. Maraming chismis ang kumalat pero wala na silang pakialam doon. Pinagtuunan na lang nila ng pansin ang pag-aayos ng kasal at inimbita ang lahat ng naisip nilang imbitahin.

Simple lang sana ang gusto nila ni Scott pero hindi naman pumayag sina Rosalinda at Veronica. Giit ng mga ito ay minsan lang siya ikakasal kaya naman dapat lang na maging memorable iyon.

"Magiging memorable naman kahit simple lang," giit niya.

Sinamaan siya ng tingin ni Veronica na hawak ang isang magazine. Huminga naman nang malalim si Rosalinda habang si Feliciah ay tumitikim ng mga sample sa pinagpipiliang cake kasama si Kanlas.

"Minsan lang 'to," pagdadahilan na naman ni Rosalinda. "Alam mo ikaw huwag ka nang maarte. Maraming mga babaeng naghahangad ng bonggang wedding kaya swerte ka na willing si Scott na ibigay 'yun sa'yo."

"Excuse me lang ha!" Pagsingit ni Veronica. "Ayaw rin kaya ni Scott."

"Oo nga," sang-ayon ni Susanna.

"So, nag-volunteer na nga akong magbigay ng gold 'di ba para naman hindi masyadong mabigat sa bulsa niyo 'no."

"Hindi mo na dapat ginawa 'yun."

"Okay lang 'no! Saka isa pa, gusto ko talagang matuloy 'to!"

"Gaga ka. Matutuloy 'to kahit wala ka," pang-aasar ni Rosalinda.

Wala na ngang nagawa si Susanna kundi pumayag. Habang tumatagal ang preparasyon at lumalapit ang araw ng kasal, napagtatanto niyang hindi nga rin naman masama ang engrandeng kasal.

Huminga siya nang malalim. She could hear the sound of the grand piano on where she was standing. Hawak niya ang bouquet ng mga bulaklak. Suot niya rin ang puti niyang gown. Mahaba iyon, tulad ng gusto ng mga kapatid niya na sinang-ayunan naman niya.

They said that it would make her feel like a princess. Unti-unti ay nahawi na ang mga mahahabang strands ng bulaklak at dahon. Mas lumakas ang tunong ng piano at nakita na niya ang napakarami nilang bisita.

The motif of their wedding was elegant white and yellow. It was a garden wedding. She didn't understand why her sisters wanted yellow at all. Hindi siya masyadong fan ng kulay na iyon. Pero nang makita niya ang kabuuan ng venue ay naintindihan na niya. It wasn't just yellow, it was the sunflowers.

They were everywhere, looking bright. Almost promising a bright and healthy future for them.

Napatingin siya aisle. The red carpet was long. Sobrang haba na parang sandaling nagdalawang-isip si Susanna kung makakarating pa ba siya sa dulo, kay Scott.

Lumilipad ang mga paro-paro nang magsimula siyang maglakad. Nagsitayuan ang mga bisita. Ramdam na niya ang paghapdi ng kanyang mga mata. She could also hear the chirps from the birds. Hindi siya sigurado kung gawa ba iyon ng mga kapatid niya o ano.

Mabagal at steady lang ang paglalakad niya. Hindi nagmamadali kahit pa ramdam na ramdam niya na ang mga nagbabadyang luha. Kanina pa may camera na nakasunod sa kanya. Nire-record ang bawat eksena ng kasal.

The EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon