CHAPTER
ELEVENAnxiety
Sobrang tahimik nilang dalawa sa kotse. Sa totoo lang, wala naman talagang dapat ipagtaka tungkol doon si Susanna. Tahimik naman talaga ang kasama niya. Pero iba kasi ang dating ng katahimikan nila ngayon. Awkward. Hindi tuloy siya mapakali dahil alam niyang may kasalanan siya. Kasalanan ba 'yun? 'Di siya sigurado.
Tumikhim siya. Pang-limang beses na yata niyang tikhim sa loob lamang ng halos kalahating oras.
"Galit ka ba?" She asked and did her best to make it sounded dismissive. Humilig pa siya sa kanyang upuan sabay halukipkip.
Pasimple siyang lumingon dito nang hindi man lang ito tumugon. Napairap tuloy siya. Aaminin niyang hindi niya kabisado ang ugali ng mga lalaki kahit pa sabihing sobrang tagal na niyang nabubuhay. Plus the fact, they would act like they wanted her whenever she was around because of her power.
Natigilan siya.
Realization hit her. She had the ability. To drown men to her. Pero noong una niyang nilapitan si Scott ay hindi man lang iyon gumana. He still didn't like her. Pero nang malaman niyang isa itong Dead one, naging malapit na sa kanya ang lalaki. Ibig bang sabihin noon ay gumagana na ang kanyang kapangyarihan? Pero bakit ngayon lang.
Lumingon ulit siya sa lalaki at nagtagal ang titig niya. Wala siyang alam sa kapasidad ng lalaki, pero alam niyang makapangyarihan ito. Hindi dito gagana ang simpleng atake na ginawa niya sa kasamahan nito kanina.
A Necromancer would only be killed by another Necromancer. But he was a Dead one too. Hindi na tuloy alam ni Susanna kung ano ang mas pagtutuunan ng pansin.
"Hindi ako galit." Awtomatikong napakurap-kurap siya nang magsalita na ito.
Nakatigil na pala ang kotse sa tapat ng bahay ng kaibigan ni Veronica.
"I'm a actually glad that you did it," he added. Nagulat doon si Susanna. "Trevor is worse than what he looks like he is. Siguradong papatayin ka talaga niya kung nagkataon."
But he was ready to kill him to defend her, she wanted to say but instead kept quiet.
Nag-iwas siya ng tingin. Huminga siya nang malalim bago inalis ang suot niyang wig. Bumagsak ang mahaba niyang buhok. Ganoon na rin ang contacts niya. Saka niya binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas na.
She went inside and asked for Veronica. Tiningnan pa siya ng ina ng kaibigan ng kapatid mula ulo hanggang paa. Hindi ito mukhang nanghuhusga sa suot niya o sa ikli noon kundi tila ba tinatantya kung magkano ang kabuuang suot niya.
"Parating na rin siya," sabi nito sa kanya at tumango naman siya. Nanatili ang titig nito sa kanya kaya't bahagyang tumaas ang dalawang kilay niya. "Oh, sorry for my rudeness. I'm Evelyn. Chad's mother."
"Sue, Veronica's sister."
"It's really nice meeting you." Ngumiti ito. "I don't know if I head it right, pero totoo bang may ari kayo ng isang perfume company?"
"Ah.." Tumango siya. Now, she didn't know where would be this conversation going.
"At saan naman ito nakabase?"
BINABASA MO ANG
The Enchantress
FantasiHe was an enemy. At kahit kailan hindi niya dapat ipakita ang kahinaan niya lalo na sa isang kaaway. "Scott.." Kumalabog ang dibdib niya nang makita ang pagsunod ng mga mata nito sa kanyang bibig papunta sa kanyang mga mata matapos niyang sabihin an...