CHAPTER 12: Anger

1K 53 1
                                    

CHAPTER
TWELVE

Anger

It was the same night again. The same scenario in the same forest. The same fear and pain. It was all just the same.

Susanna was panting really hard but continued to run. Hindi siya pwedeng tumigil. Kailangan niyang magpatuloy para sa kanyang pamilya. Para sa kanilang lahi. Hindi niya pwedeng kalimutang ginawa ng kanyang mga magulang lahat para lang makatakas siya. Hindi siya pwedeng sumuko na lang para mapatay lang din. Kailangan niyang ituloy ang buhay niya. Ang laban.

Humahampas ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang mukha. Kumakaluskos ang mga dahon at damo sa kanyang paanan sa bawat pagtapak ng mabibigat na niyang hakbang. Masakit na ang kanyang paa. Yapak na siya at ramdam na ramdam niya ang sugat doon. Dumudugo man ay wala na siyang oras para pagtuunan pa 'yun ng pansin. She needed find the Council.

But she fell.

Dahil na rin siguro sa mga luha niya na hindi pa rin tumitigil ay hindi niya na napansin ang ugat na nakaharang sa kanyang tinatakbuhan.

Nadapa siya at hindi agad nakabangon. Lalong bumigat ang kanyang katawan. Bumibigay na ito sa pagod, sugat at sakit. Hinihingal niyang hinawi ang kanyang buhok saka pinilit ang sariling bumangon.

Hindi siya pwedeng sumuko.

Itinukod niya ang mga kamay sa lupa at sinubukang bumangon. But even her arms were to weak. She cried in frustration when her arms gave up.

Napahikbi siya at sumigaw pa ng isang beses.

Noon niya narinig ang kaluskos. Napalingon agad siya sa pinanggalingan noon. Nanlaki ang mata niya nang makita ang pigura ng isang lalaki. Nanginig siya sa takot at sinubukan ulit na bumangon para makatakbo ulit. Para makatakas. But her body couldn't move. She was panicking.

Palapit nang palapit ang pigura sa kanya. Hindi pwedeng mangyari 'to!

"Susanna!"

Nagmulat ang mga mata ni Susanna. Patuloy sa pag-agos ang mga luha niya saka niya napagtanto kung sino ang nasa harapan niya.

It was Christina.

"Hey.." Pilit itong ngumiti sa kanya.

Susanna had no idea what was happening. What was she doing here? Where was she? Sinubukan niyang gumalaw para tingnan ang paligid niya pero wala siyang lakas.

Maybe she was already dying. Right. It was the best explanation why her body couldn't move and there was a heavy feeling inside her.

"It's okay."

Okay? She tried to think of any reason why dying was okay. Yes, maybe, it was okay after all. If she was already dead, she won't need to think of anything. Hindi na niya kailangang alalahanin pa ang mga bagay sa mundong iyon. Ang tagal na rin niyang nabubuhay, baka ito na ang tamang sandali para tuluyang magpaalam.

Tama.

"'My.." Natigil si Christina sa sasabihin para sana kay Susanna nang pumasok si Rosalinda sa loob ng kwarto. "Si Arnold tumatawag."

"Ikaw munang bahala sa kapatid mo," bilin nito kay Rosalinda bago lumabas ng kwarto.

Nanatili munang nakatayo sa may pintuan si Rosalinda bago bumuntong hininga at lamapit na sa kama ng kapatid. She didn't like to see her now in that state. Every year she would like that. Dying. Helpless. May kasalanan ito sa kanya at ang makita ito sa ganoong kalagayan ay mahirap para sa kanya.

The EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon